Nung pauwi na kami,
Sila pa din ni Jewel yung magkausap, tas kami pa din ni Dred.
Gustong gusto ko nang umuwi.
Dapat pala, di ko na pinagpilitang makalabas ng bahay.
Ganito din naman pala yung mangyayari.
Pero sana di nalang ako nafall para di ako nagseselos ng gnito.
Lumapit si Hill sakin--
"Hala, sino to? Hehe." pabiro kong sabi sknya.
Ewan, ang bigat ng loob ko. Pati sarili ko, pinaplastic ko na.
Naoffend yata siya.
Ewan, wala kong oras para makipagtalo -.-''
"Dred, halata ba?" tinanong ko si Dred.
"Na?" nagtataka siya kung anong sinasabi ko.
"Dagat nawawala." binulong ko sknya
"Ano yun Leen? Dko gets." sabi niya. nako naman tong bestfriend ko :3
"Sea-lost ako." binulong ko sakanya.
"Baliw ka naman, wala yan Leen." kinocomfort pa din niya 'ko.
"E kasi naman inaasahan ko sya dito tas tamo, ikaw lang nagcocomfort sakin." naiiyak nnman ako.
"Oo naiintindihan ko na." hays.
Minsan talaga, di natin kailangan ng advice. Minsan kailangan lang natin ng tagapakinig.
Nung pauwi na kami, napapansin kong magkakalayo na kaming naglalakad.
"Bat ba ang lalayo natin sa isa't isa?" nagtanong na'ko.
"Kasi di niyo naman kami kinakausap. Kanina pa namin kayo tinatawag di naman kayo lumilingon." sabi ni Jewel.
Aw. Mababadshot pa ko neto.
"Hala? Kung narinig ko naman kayo, lilingon ako eh." naiinis na'ko
Nababarda na talaga ko. Di ba nila iintindihin yung side ko? May problema ako sa bahay tas dadramahan pa nila ko.
Nakakainis lang.
-__________-''
"Ano yun?" tinanong ko si Hill.
"Di niyo kasi kami kinakausap, tawag kami ng tawag sainyo. tas tinry lumapit ni Jewel sainyo kanina, kaso lumayo kayo. Tas sabi niya, baka daw pinaguusapan niyo kami." paliwanag ni Hill.
"Ano?! Anong lumapit? Wala nga kong naramdamang kalabit eh. Kung narinig ko kayong tumawag, lumingon ako. Paguusapan? Bat naman namin kayo paguusapan? Yung pinaguusapan namin ni Dred yung problema ko. Yung problema ko sa bahay." hindi ko alam kung tama bang iniexplain ko yung side ko.