Autumn's POV.
* kriiiing * .... *kriiiing * *kriiiing *
"Whut?!"
"Oh, chill! Wala man lang bang hello muna?" Sabi ng nasa kabilang linya na halata naman sa tono nito na nang-aasar lang.
"Mukha bang nasa mood ako para mag 'Hello'? Bakit ba? Maaga pa ah!" Pasigaw kong sabi sa kabilang linya.
"First, I just want you to know na hindi na umaga, it's already one o'clock in the afterno..." hindi ko na siya napatapos sa sasabihin niya.
"What?! Bakit ngayon ka lang tumawag?! Sht! Sht!" Sabay balikwas ng bangon sa kama.
"Hahaha! Hindi mo ako human alarm clock no! And in fact parang 1 hr.lang naman nalate yung tawag ko. Hahaha! C'mon Autumn you still have enough time"
"Tss. Fine. Give me 1hour. Bye." Hindi ko na siya inintay pang magsalita at ibinaba ko na. Dali dali akong pumunta sa CR and do my morning routine pagkatapos ay nagbihis.
After an hour nakabihis na ko, nag jeans nalang ako at 3/4 polo. Then shoot, i'm ready to go. Sa bagal kong gumayak mabilis na ang isang oras, binilisan ko lang at baka tumawag nanaman ang bruha. Sayang ang battery ng phone.
Meron kaming 1 week vacation ng barkada sa isang rest house namin sa Pagudpud, Ilocos Norte. sinusulit na namin ang bakasyon dahil 3 weeks nalang pasukan nanaman. 2pm ang usapan namin. Nag alarm naman ako ng 11am at nagsabi din ako kay Angelique kagabi bago kami maghiwa-hiwalay na tawagan ako ng 12nn in case na hindi pa ko gising. That brat. Sinasadya niya na hindi tawagan sa oras. Sumasakit pa naman ang ulo ko pag biglang bangon, sino bang hindi. Buti nalang at inayos ko na lahat ng gamit ko kahapon. FYI! Hindi ako excited, ayoko lang ng may nakakalimutan ako, mahirap na.
Pagbaba ko ng hagdan ng mansion ay nakita ko si mommy sa sala reading a newspaper while drinking her coffee. Aba! Sweet nga naman ng nanay ko at hindi pumunta sa company just to see me before I leave.
"Hi mom." I kissed her on the cheek.
"Hello sweety. Aren't you going to eat first?"
"No mom. I'm already late, baka katakot takot na sigaw ang abutan ko pagbaba na pagbaba ko palang ng sasakyan. Kilala mo naman sila." Sabay irap sa kisame.
"Hahaha! Your friends are so sweet to you darling."
"Hey mom! I can feel the sarcasm!"
"Just kidding Baby. I know they love you. Osya. Lumayas ka na at ng maalis ang bad vibes dito sa mansion." Sabay tawa.
"If I know kaya ka hindi nagpunta sa company dahil gusto mo kong makita bago umalis." I saw her face sadened. C'mon mom!
Itong nanay ko talaga. Well, I admit it mommy's girl ako. Halata naman sa dami ng endearment niya sakin. I have a broken family. 4 yrs.old ako ng huli kong nakita ang tatay ko and by now hindi ko alam kung nasan siya baka kasama ng mga babae niya. Psh. I'm the only child na nandito sa Pilipinas kaya ganto kami ka-close ni mommy. My older brother and sister were in abroad, ate ko may pamilya while my brother is still single at nagpapatakbo ng sarili niyang business sa Dubai. Sa sobrang busy ni mommy hindi pa din siya nawawalan ng oras sakin, she's so strong and smart ikaw na magpatakbo mag-isa ng malaking kompanya.
"I'm gonna miss you darling!" Then she hugged me. Hay. I'm gonna miss this lovely woman too. Bumitaw ako sa pagkakayakap and try to lighten up the mood.
"C'mmon mom. Stop the drama. After a week nandito nanaman ako. May maingay nanaman sa bahay na 'to. I'm going na. I'll text you agad when we got there. Bye."
"Take care sweety! Love you!"
"Yes mom! Love you too!" Pahabol ko pang sigaw bago pumasok sa kotse.
It's already 2:30pm. Late nanaman ako, ano bang bago. By 3pm siguro nasa meeting place na ko.
BINABASA MO ANG
An Unending Love.
RomanceAnong gagawin mo kung hindi mo pa kayang magtiwala ulit? Hindi ka pa handang magmahal ulit. Hindi ka pa handang pumasok ulit sa isang seryosong relasyon. Dahil natatakot kang baka walang tumanggap sa'yo. Paano kung siya na pala yung taong dapat mon...