Naalimpungatan ako dahil sa biglang pagpreno ni Marco. Pag dilat ko hindi lamang pala ako ang nagising, halos lahat kami ay nagising sa pagkakagulat. May nakikita akong restaurant sa harap ng van. Alam ko na kung bakit kami nandito. Si Marco talaga, sabagay 7pm na din.
"Anong nangyari?" Sabi ni Angelika, na sa tono ng boses nito ay may kaba.
"Wala kayong balak kumain? Ano 'to tulog kayo hanggang Ilocos? Walang kainan ganon?!" Nakakunot noong tanong nito.
Natawang naiiling nalang ako. Bakit nga ba tinulugan namin ito, ayaw na ayaw nga pala niyang lahat kami ay tulog pag nagddrive siya, inaantok daw kasi siya. Kaya siguro binigla niya ang preno para magising kami at sumakit ang ulo.
"Daming sinasabi. Gutom ka lang Lolong eh! Tara na. Tara na. Gutom na din ako." Sabi ni Czar Kyle at bumaba na din ito sa van na sinundan naman ni Miggy, Brixx, Gerald, Dan, His at Loujohn.
Kaming mga babae ay nag-ayos lamang sandali at sumunod na din. Inantay nila kami sa may entrance at sabay sabay na pumasok. Sa may bintana kami pumwesto dahil nandito ang pangmaramihan na upuan. The view is good. Relaxing.
"Bakit tahimik ka Karen? Nag-away nanaman ba kayo?" Sabi ni Angelika kay Karen. Si Karen ang pinaka tahimik sa amin at pinaka mahinhin, pero ang mga biglang banat neto kuminsan ay nakakatawa.
"Kakaaway lang namin kaninang umaga. Bukas na siguro ulit kami mag-aaway. Nagugutom lang talaga ko. Hindi kasi ako binigyan ni Angelique ng sandwich kanina!" Sagot ni Karen.
"Hindi ka naman kasi nanghingi!" Sagot naman ni Angelique.
May papalapit na waitress sa amin na may dala-dalang menu.
"Ssssssh!" Pagpapatahimik ko sakanila.
"Oooops! Library pala 'to." Sabi ni Angelique sabay takip sa bibig niya na kunwari'y mahinhin. Pinandilatan ko ito.
"Here is the menu ma'am and sir." Sabi ng kakarating na waitress sa amin.
Pagkalipas ng limang minuto ay tapos na kaming umorder. Sa dami ng inorder halatang gutom na gutom kaming lahat. Hahaha!
Habang nag-iintay sa pagkain ay nagkwentuhan lamang kami at nabring out ang topic na pinaka ayoko.
"Move on Autumn." Seryosong sabi ni Czar Kyle sakin.
Napatingin silang lahat sa akin at ibinalik ang tingin kay Czar Kyle. Tumingin ako kay Loujohn, laking pasalamat ko at hindi ito umiwas ng tingin. Saglit pa ay tumingin ako sa kisame. Kunwari'y nagagandahan ako sa chandelier na nakasabit.
"Czar Kyle!" Madiin na sabi ni Irish.
Tahimik lamang ako. Tama naman kasi siya kailangan ko ng mag move-on, it's been 3 years simula ng lokohin ako ng taong akala ko'y ito na ang makakasama ko habang buhay. Pero mali pala ako. Maling mali.
Sa mga lalaki naming barkada si Loujohn at Czar Kyle ang pinaka ka close ko halos best friends na nga ang turingan namin. Madalas ang mga itong pumupunta sa mansion upang makipag kwentuhan lamang at kumain. At alam nila ang hirap at sakit na dinanas ko noon.
"Uy. Ayan na yung foods! Tamang tama gutom na gutom na talaga ko." Sabi ni Loujohn at tumingin sa waiter na paparating sa mesa namin. Tinignan ko ito at saktong tumingin din ito sakin. Tumango lamang ito.
"Nice. I'm so hungarian na din." Sabi ni Rica na pumapalakpak pa ng mahina.
Kumain na kami, ramdam mo ang awkwardness.
"Paabot ng kare-kare." Sabi Angelika. Napatingin sila dito.
"Sht. Sinong umorder nyan?" Narinig kong bulong ni Loujohn kay Gerald. Nagkibit balikat lamang ito. Hindi alam kung sino ang isasagot. Kinakabahan. Nagpapakiramdaman din kung sino ang mag-aabot.
BINABASA MO ANG
An Unending Love.
RomanceAnong gagawin mo kung hindi mo pa kayang magtiwala ulit? Hindi ka pa handang magmahal ulit. Hindi ka pa handang pumasok ulit sa isang seryosong relasyon. Dahil natatakot kang baka walang tumanggap sa'yo. Paano kung siya na pala yung taong dapat mon...