Pag labas ko ng village napagdesisyunan kong pumunta muna sa Starbucks, nagugutom na ko. Hindi naman nila ko iiwan, siguro.
Magpapark na sana ako ng may isang kotseng mabilis ang takbo at nag park sa space na pagpaparkan ko sana. Napapreno ako bigla. Sht! Sakit na nga ng ulo ko eh.
Bumaba ako at sakto namang bumaba din yung driver na nagpark.
Infairness gwapo siya, singkit ang mata at matangkad, maputi siya na mamula mula pa ang balat, nakabangs ito, matangos ang ilong.
Psh! Kahit na gwapo siya inagawan niya pa din ako ng parking space!
"Done?" Sabi ng lalaking nasa harap ko. Nagulat ako. Matagal ko din pala siyang tinitigan pero nagmaang maangan ako.
"Excuse me?" Mataray kong sabi.
"Done looking at me hu?" Sabay smirk. ANTIPATIKO!
"In your dreams young man. That's may space!" Pag-iiba ko ng usapan.
"What? This? Wala namang pangalan mo young lady" Sabay ngisi nito at idiniin nito ang pagkakasabi ng 'young lady'. Antipatiko talaga!
"Naka signal light ako! Kung hindi ka naman tanga alam mong dyan ako magpapark!" Inis kong sabi. Bwisit talaga!
"Oh, sorry naunahan kita. Bagal mo kasi eh. Madami pa namang space dun ka nalang mag park oh." Sabay turo sa kabilang side malayo pa ito. Madami din kasing nakapark na kotse.
Kung meron namang malapit lang hindi na ko mag-aaksaya ng oras na bumaba at makibangayan sa antipatoko na 'to! For Pete's sake! Nagmamadali ako!!
Hindi nalang ako sumagot at tumalikod na, sayang ang oras.
"Bwisit talaga! Antipatiko!" Dapat sa isip ko lamang yun pero nailakas ko pala.
"I heard it." Sabi ng lalaking nasa likuran ko, sabay ngisi. Nakakainis!!
"I. Don't. Care!" Humarap ako at umirap. Sabay pasok at balibag sa pinto ng kotse ko! Hindi ko na siya muling nilingon pa. Bwisit! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naagawan ng space! At ngayon lang ako nagpatalo sa commotion na alam kong panalo naman ako!
Hindi na ko tumuloy. Sirang sira ang araw ko. Lalong sumakit ang ulo ko, dumiretso na ko sa meeting place.
After 30 minutes nakarating na ko sa bahay ni Irish, dito kasi ang meeting place dahil sa kanilang van kasi ang gagamitin.
Pag baba ko ng kotse nakahilera ang barkada, at yumuko. Para bang yung pag winewelcome ka sa resorts. Pinagttripan nanaman ako.
"Maligayang pagdating MAHAL NA REYNA." Sabay sabay nilang sabi. Napa irap nalang ako sakanila. Mga luko-uko talaga.
"Sa wakas dumating din ang mahal na reyna!" Sigaw ni Loujohn. Boyfriend ni Irish. Nagtawanan sila.
Madami din kami sa barkada. Ako. Si Angelique, si Angelika. Oo kambal sila. Si Denise, Karen, Rica, Irish, Loujohn, Czar Kyle, Gerald, Miggy, Brixx, Marco, His at Danniecon.
"Tigil tigilan niyo nga ako. Pag gantong gutom na gutom ako at may nakapanura pa sakin sa parking lot ng Starbucks." Ingit ko sakanila.
"Hahaha! Bakit? May nakauna ba sa'yo sa pagpapark?" Sabi ni Angelika. Oo nga, kakambal nga siya ni Angelique. Katulad ng kakambal niya maluko din si Angelika, siguro ang pagkaka-iba nila may pagka masungit sa boys itong si Angelika.
"Oh, may nakabunggo sa kotse mo? Mukha namang okay ah?" Sabi ni Denise. Bata ito sa amin ng isang taon pero ka batch namin siya, maaga lang siyang nag-aral. Makulit ito, ito ang madalas kong kasundo sa trip.
"Angelika's right." Sabi ko. Sabay irap nanaman.
Masanay na kayo, yan talaga ang hobby ko, ang umirap.
"WHAT?!" Gulat na gulat na sabi ng girls.
Nandito kami ngayon sa terrace nila Irish, naupo muna kami. Habang yung mga boys naman inilalagay yung mga gamit sa isang van. Ewan ko ba sa mga ito, inantay muna ako bago ayusin yung mga gamit. Nakasanayan na nila yun. Para daw hindi ako magtampo. Sus. 'tong mga 'to talaga.
"Heard it right. May isang antipatikong bwisit na singkit na matangkad na kumag ang nakipag unahan sakin sa space!" Naalala ko nanaman ang bwisit. Tsk!
"Hahahaha! The way you make kwento halatang inis na inis ka at mukhang gwapo siya." Si Rica ang may pagka konyo naming barkda.
"You're kidding me Rica." Pinandilatan ko ito.
"Wala ng ilalaki yang mata mo Autumn. Even how hard you've try." Sabay tawa ng malakas ni Angelique. Itong babaeng 'to! Siya may kasalanan nito eh!
"Hoy babae! Ikaw may kasalanan nito eh!" Sabi ko sakanya. Akmang sasagot ito ng magsalita si Czar Kyle.
"Oh, tama na yan. Nandun na lahat ng gamit natin. May idadagdag ba kayo?" Sabi nito sa amin.
"Wala na." Sabay sabay naming sabi, tumayo at naglakad na kami papunta sa van.
Kahit madami kami, sa isang van lang kami sumasakay. At yung mga gamit namin nasa kabilang van. Bali dalawa yung dala namin. Nagiwan lang ang boys ng ilang chips, sandwiches at drinks sa van na sasakyan namin. Mahaba habang biyahe din kasi.
Ang driver namin ngayon ay si Marco, kasama niya sa harap si Irish at Loujohn. Bali ganito ang ayos namin
| Marco_ Irish, Loujohn |
| Ako, Denise, Angelika, Danniecon |
| Angelique, Karen, Rica, His |
| Miggy, Brixx, Gerald, Czar Kyle |
Sa isang van, driver nila Irish ang may dala nag ddrive sabi ko sakanya kagabi ipasama na niya yung asawa madami namang extra rooms sa rest house. Nakakahiya naman kasi atsaka baka mainip lang dun si Manong.
Mahaba habang biyahe 'to. Nagugutom na talaga ko. Huminga ako ng malalim.
"Why?" Sabi ni Denise.
"Nagugutom na talaga ko, penge ako ng sandwich dyan tsaka drinks Brixx!" Sigaw ko.
Pagkasabi ko nun may kung anong malambot ang kumakalabit sa kaliwang balikat ko. Kinuha ko iyon ng hindi nililingon kung sino ang nag-abot, alam ko namang si Angelique yun. May nakadikit dito na sticky note, it says:
"Peace offering. Sorry na. Mwa! <3"
May heart pa sa dulo. Hahahaha!
"Ang arte naman. Drinks! Nasan ang drinks?!" Sigaw ko uli.
"Oh, ayan! Patay gutom!" Sabay hampas ng mahina sa balikat ko ng royal in can.
"Aray naman! Patay gutom agad-agad!" Sigaw ko sa maarteng tono. At nagtawanan ang lahat ng nasa sasakyan.
Maya-maya pa'y nagtulugan na din kami maliban kay Marco.
- - - -
Pavote and comment naman po para malaman ko kung nagustuhan niyo ba. Thank you! :-)
BINABASA MO ANG
An Unending Love.
RomanceAnong gagawin mo kung hindi mo pa kayang magtiwala ulit? Hindi ka pa handang magmahal ulit. Hindi ka pa handang pumasok ulit sa isang seryosong relasyon. Dahil natatakot kang baka walang tumanggap sa'yo. Paano kung siya na pala yung taong dapat mon...