35. SEE YOU IN FUTURE

222 17 0
                                    

"He's here." anas ni Webster at tumutok sa screen. Madilim ang bahay ni Webster pero dahil sa night vision camera naman ang gamit nila ay kita naman ang taong dahan-dahang naglalakad paakyat sa second floor. Isa-isa nitong binubuksan ang pinto ng bawat kuwarto.

"I will call the police." ani Webster at dali-daling dinampot ang landline saka tumawag. Hindi nagtagal ay ibinaba na nito iyon.

"Webster!" gulat na bulalas ni Skylar nang makitang nakarating na sa third floor ang killer kung saan nakalagay ang time machine. Nakita nilang nagkalkal ito roon at kinuha ang blueprint. Matapos ay dinampot nito ang baseball bat na baon at pinaghahataw ang machine! Hindi pa ito nakuntento, binaklas ang mga boards, wires at dinurog talaga ang makina!

"Shit!" gigil na asik ni Webster at tumayo. Agad itong niyakap ni Skylar para awating lumabas at puntahan ang sira ulong sumira ng machine. Alam niyang tao lang si Webster. Nasasaktan at nagagalit din. Sino ba naman ang matutuwa na mapanood iyon?

"Damn him!" ngitngit na asik ni Webster. Mariing nakakuyom ang mga kamao. Gigil na gigil. Napaigtad na lang si Skylar nang suntukin ni Webster ang mesa.

"Webster!" awat ni Skylar at hinigpitan ang yakap dito. "Calm down. Darating na ang mga pulis. Mahuhuli natin siya." tiwalang saad niya. Lihim na umaasang diringgin siya ng diyos. Pakiramdam kasi niya ay taon ang lumipas bago dumating ang mga pulis!

Pero naging mabuti ang diyos. Hindi nagtagal ay dumating din ang mga mobile ng pulis. Agad silang pumuwesto at pinasok ang bahay. Nakita nila Webster na nataranta ang lalaki sa loob ng bahay. Naghanap ito ng exit hanggang sa nasukol.

Pero nanlaban ito. Gamit ang sariling baril, nakipagbarilan ito sa mga pulis. Agad siyang hinila ni Webster at inilabas ng bahay. Inilayo siya nito sa barilan. Tumagal ang putukan sa loob ng thirty minutes hanggang sa tuluyan na iyong natapos.

Pigil hiningang lumabas sina Skylar at Webster sa pinagtataguang malaking puno limang bahay mula sa tinitirhan nito.

"Is it over?" pigil hiningang tanong ni Skylar. Lumingon ito sa kanya. Napakunot ang noo nito. Nagtaka tuloy si Skylar. "Why?"

"L-Lumalabo ka..." takang saad ni Webster.

Napatingin sa sarili si Skylar at kumabog ang dibdib nang makitang nagiging transparent na siya. "B-Babalik na ako sa future..." pigil hiningang saad ni Skylar.

Niyakap siya nang mahigpit ni Webster. Biglang naiyak si Skylar. Bigla siyang natakot na mawala. Paano kung bumalik siya sa future at matuklasang hindi pa pala tapos ang lahat? Paano kung sa future ay patay pa rin si Webster?

"Shh... it's okay..." masuyong anas ni Webster.

Nagkandailing si Skylar. "No... I-I don't want to leave..."

"Listen to me." anas ni Webster at pinakatitigan siya. Her heart broke the moment she saw a glint of tears and sadness in his eyes. Kita niyang ayaw din nitong mawala siya pero nandoon din ang pangunawa na dumudurog ng todo sa puso niya. "You need to go. It will be okay."

"But..."

"See you in future. Let's get married there." masuyo nitong saad at hinalikan si Skylar. Mainit ang naging pagtugon niya kahit ramdam niyang gumagaan na ang pakiramdam. Parang sumasama na siya sa hangin hanggang sa tuluyang nawala...

SKYLAR (soon to be published under PHR SINGLES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon