17: I LOVE YOU

223 16 0
                                    

“COFFEE,” NAKANGITING saad ni Skylar kina Webster at Theodore. Mago-overtime ang mga ito dahil sa Titanium. Ayon kay Webster ay nagte-test na lang sila para makita kung saan ang dapat ayusin sa machine. Gumagamit din sila ng lab rat para makita kung magkakaroon iyon nang pagbabago. Bago nila isubok iyon sa tao ay sisiguraduhin nila munang safe iyon.

At dahil napaka-hardworking ng boyfriend ni Skylar ay naisipan niya itong dalhan ng kape. Nakauwi na siya pero naisipan niyang bumili sa starbucks at balikan ito. Binilhan na rin niya si Theodore. Umaasa rin siya na kahit paano ay makabawas iyon sa tila yelo nitong pakikitungo sa kanya.

Naiintindihan ni Skylar na may mga tao talagang distant sa lahat at ganoon si Theodore. Dahil doon ay ginusto rin niyang mapalapit din dahil kaibigan ito ng boyfriend niya. She also wants to be her friend too.

“Oh, thank you,” gulat na saad ni Webster at agad kinuha ang mga kape. Agad nitong inilagay sa tabi ni Theodore ang kape nito. Tinanguan lang nito iyon. Lihim napabuntong hininga si Skylar.

“He’s busy. Ganyan talaga ‘yan kapag may ginagawa. Ayaw magpaistorbo.” anito saka siya kinuhanan ng upuan at pinaupo sa tabi. “Akala ko uuwi ka na?”

“I want to cheer you.” biro niya at inakbayan ito. She moved closer, he heart beat faster. She smelled his manly lovely scent and her heart felt warm. “Let me see your project,” aniya.

Mahina itong natawa pero tumalima na. Tinuro ni Webster na running ang diagnostic para maisaayos ang programs kaya maraming numbers sa screen na tumatakbo. Patango-tango si Skylar sa bawat explanation ni Webster.

“Tell me. How do you come up to your idea?” usisa ni Skylar.

Huminga nang malalim si Webster bago nagpaliwanag. “When I was a kid, nagtataka ako kung bakit sa pagtanda ay nagbabago rin ang itsura ng isang tao. Naisip ko na mayroon kayang paraan para hindi iyon mangyari o baka puwedeng makagawa ng isang bagay para ma-kontrol iyon. And when I grew up, na-realized ko na puwede.” anito at kinuha ang makapal na folder. “Here’s my study. If we are going to used reversed algorithm and program that will make the human’s body ‘go back’ to what their bodies used to be, then it’s possible.”

“Wow…” humahangang anas ni Skylar habang binabasa ang concept ni Webster. Hindi talaga siya makapaniwala na ang taong gumawa noon ay boyfriend niya. Ang taba-taba ng utak nito!

Napatingin si Skylar kay Webster. Kasalukuyan na itong nanonood sa monitor. And while she was staring at him, her heart didn’t stop from beating faster. Kinikilig siyang panoorin ito. Kinikilig siya sa tabi nito na nakasuporta sa pagaabot ng pangarap. Kinikilig si Skylar sa ka-cute-an nito.

“Stop staring!” natatawang suway nito at nagpipindot sa keyboard. Nagiba na ang takbo ng mga numbers. Napangisi siya nang pamulahanan ng tainga ang lalaki. Natatawang napailing ito ng hindi niya ito lubayan nang tingin. “You’re not cheering me up. You’re seducing me,”

Natawa si Skylar bagaman naginit ang pakiramdam. Seducing him made her feel warm. Parang gusto na niyang sagarin iyon. She wants to seduce him for real!

“Affected ka naman ba?” nakangisi niyang tanong. Oh, great. She was flirting with her boyfriend.

“Skylar!” natatawang bulalas ni Webster at napailing. “Tinatanong pa ba ‘yan?”

Bumilis ang tibok ng puso ni Skylar nang makitang nagkaroon ng init ang mga ni Webster. Oh, he wants to kiss her! Siguradong siniil na siya nito ng halik kung wala lang doon si Theodore.

And her anticipation was killing her! Ah, she wants to grabbed and kiss him too.

“Affected ka nga,” pigil hiningang anas ni Skylar.

“And you don’t have any idea how much,” naiiling na saad ni Webster at napabuga ng hangin.

Pasimple niyang tiningnan si Theodore. Sakto namang tumalikod ito at may inayos. She didn’t waste any moment. Ninakawan niya nang halik si Webster!

Napahagikgik siya. “One zero.” nakangisi niyang bulong.

Natawa ito. “That’s cheating. Hindi ako ready.”

Siya naman ang natawa at tumayo. “I have to go.”

“What!” bulalas nito.

Napahalakhak na lang si Skylar sa kapilyahan. Gayunman, minabuti na niyang umuwi para hindi na makaistorbo. Papasakay na siya sa sariling kotse nang biglang mayroong pumigil sa kanya.

“Skylar!” tawag ni Webster at iniharap.

Nagulat siya nang siilin nito ng halik. His lips made her lose control. She kissed him back like there’s no tomorrow. Oh, it was wonderful. She could really kiss Webster forever…

Nangunyapit siya sa leeg ni Webster. Niyakap naman siya nito sa baywang at tuluyang naglapat ang kanilang mga katawan. They both express their feelings in that position until they gasped for air.

“God, I love you…” masuyong anas ni Webster.

“And I love you, too…” anas ni Skylar at siya na ang humalik dito. Webster kissed her back with so much heat and they both let themselves drowned in that lovely moment.

Sobrang init na ng labi ni Skylar nang tuluyan nitong pakawalan. Pinagbukas siya ng pinto ni Webster. “Drive safely, baby.” masuyo nitong bilin.

“At diretso bahay paguwi.” bilin din niya.

Natawa ito. “Yes, master.”

Napahagikgik si Skylar. Saglit pa nilang tinitigan ang isa’t isa hanggang sa natawa ulit siya. “Sige na. Baka matunaw na ako sa tingin mo.”

“Okay. See you tomorrow. Take care.” anito at umurong na.

Tuluyang pinaandar ni Skylar ang kotse at umalis. Pakanta-kanta siya habang pauwi. Pagdating sa bahay ay agad na siyang naghilamos at nagpalit nang pantulog. Nakatulog siyang mayroong ngiti sa labi.

SKYLAR (soon to be published under PHR SINGLES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon