36. THE CULPRITS

238 15 0
                                    

"I AM Dr. Webster Fereira. Ako ang tumawag at nag-report ng tressparing kanina." pakilala ni Webster matapos mawala ni Skylar. Mabigat man sa dibdib ang paghihiwalay nila ay inisip na lang niya na iyon ang dapat kapuntahan ng lahat. Kung mayroon siyang natutunan sa nangyari, iyon ay maghintay. Habang binubuo ang Skylar Time Machine ay iyon ang isa sa naging sekreto niya: be patient and wait. Sampung taon ang iginugol niya para hintaying maging pulido ang makina. He waited ten years! Balewala na sa kanya ang ilang buwan na muling makasama ni Skylar.

"Sir, nahuli na ho namin ang nanloob sa bahay ninyo. May mga tama siya pero hindi naman fatal." ani SPO1 Monteverde. Tingin ni Webster ay nasa edad thirty five ito.

Kumabog ang dibdib ni Webster. Maisip pa lang kung gaano ito kasama, nanlalamig na siya sa galit. "Where is he?" nagtitimping tanong niya.

"Nasa ambulansya. Tara," anito at iginiya siya papunta sa lokasyon ng killer. Nagulat si Webster nang makita kung sino iyon!

"T-Theodore..." hindi makapaniwalang anas ni Webster.

Napalingon ito at biglang nanlisik ang mga mata. "Damn you... ouch..." napaungol ito at napahawak sa tagiliran kung saan mayroon itong tama. Mukhang sumakit iyon dahil sa ginawang pagpalag.

"So it's you. Why? Why!" singhal niya at hinawakan ito sa kuwelyo. Bigla niyang naalala ang pagkamatay ni Skylar ten years ago at pagkamatay niya sa future. Nanginginig siya sa sobrang galit!

"Because you left me! You chose Skylar over me! Kaibigan mo ako pero ano'ng ginawa mo? Sinira mo ang pinaghirapan natin kaya dapat lang na sirain ko ulit ang pinaghirapan mo! Iniwanan mo ako sa ere dahil sa babaeng iyon! At ngayon, nagawa mo pang makagawa ng panibagong imbensyon! Paano mo ako nagawang iwanan sa lahat ng ito? We are both losers! We should stay together—!" singhal ni Theodore. Kita ni Webster ang hinanakit nito. Lihim na napailing si Webster dahil nakitaan na niya ng pagkabaliw ang kaibigan. Para sa kanya ay walang matinong tao na magiisip pumatay!

"You're sick..." anas ni Webster. Gayunman, hindi nabawasan ang galit niya rito. Kumabog ang dibdib niya nang may maalala. Hinigpitan niya ang hawak sa kuwelyo ni Theodore. "Tell me. Mayroon kang balak na patayin si Skylar. You depise her! You wanted her to die!"

Napahalakhak si Theodore hanggang sa biglang bumalasik ang tingin sa kanya. "Yes! I want her dead too pero hindi ako gagawa noon!"

Natigilan si Webster. Bigla siyang kinilabutan sa naririnig na rebelasyon. "W-What do you mean?"

Napangisi si Theodore. "Ako lang ba sa tingin mong gagawa nito? Hindi ka ba nagtataka kung paano kita natunton at basta ko na lang nagawang makapasok? Hindi mo ba naisip kung kanino ako nakakuha ng gamit? Someone gave me and—"

"Hayop ka! Magsalita ka!" galit na galit na singhal ni Webster at paulit-ulit niyang inundayan ng suntok sa mukha si Theodore. Nagdilim talaga ang paningin niya. Doon lang siya nagalit ng ganoon katindi. Parang sinapian na siya. Basta si Skylar ang pinaguusapan, talagang handa siyang gawin ang lahat. Kahit pa makapatay na siya...

"Sir! Tama na!" awat ng isang pulis pero hindi nakinig si Webster. Pinaulanan pa rin niya ng suntok si Theodore hanggang sa magkadasugat na ang kamao niya.

"Shit... hinding-hindi kita mapapatawad kapag mayroong nangyaring masama kay Skylar!" banta ni Webster. Hingal na hingal. Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang galit at pagaalala.

"Y-You... should... go then... b-baka... nagawan na siya ng masama ni... Donatello..." hirap na saad ni Theodore at tuluyang nawalan nang malay.

"Shit!" nagaalalang bulalas ni Webster. He couldn't think straight. Nalilito siya sa mga naririnig hanggang sa napamura na lang. Kumakabog ultimong pulso niya sa pagaalala. "Skylar is in danger. Let's go!" ani Webster sa mga pulis.

Hindi na niya hinintay na sumagot ang pulis. Dali-dali na siyang sumakay sa sasakyan at nagpunta kay Skylar. Halos paliparin na niya ang sasakyan. Dasal siya nang dasal na sana ay hindi pa huli ang lahat.

Hindi nagtagal ay pumarada siya sa tapat ng bahay ni Skylar. Agad siyang bumaba. Pagkasara niya nang sasakyan ay doon niya narinig ang matinis na sigaw ni Skylar. Parang nanlamig si Webster sa sobrang takot. Pero nilabanan niya iyon. Kailangang mailigtas niya si Skylar!

"Sir!" tawag ng pulis kay Webster nang pasukin niya ang bahay. Hindi na siya nagpapigil dahil si Skylar ang iniisip niya. Kailangan nilang mapuntahan ito para mailigtas!

Pagpasok ay agad niyang hinanap si Skylar hanggang sa matagpuan ito sa sariling silid. Nakadapa ito at pilit na ginagapos ni Donatello!

"Son of a bitch!" sigaw ni Webster at sinugod ito. Agad niyang kinuha ang bangko at ihinampas iyon sa likuran nito. Napasigaw sa sakit si Donatello at bumagsak sa sahig. Pero hindi iyon naging dahilan para tigilan niya ito. Sinugod niya pa ito at pinagsusuntok sa mukha! Hindi na niya alintana ang sugat sa mga kamao dahil sa pagkakasuntok kanina kay Theodore. Tuluyan na siyang nagmanhid dahil sa sobrang galit!

"Stop!" sigaw ng isang lalaki at nagpaputok ng baril. Nagulantang si Webster at tumigil sa ginagawa. Paglingon niya sa pinto para alamin kung sino ang pangahas na nagpaputok ay bigla siyang nagulat!

SKYLAR (soon to be published under PHR SINGLES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon