Pa-extend | superoneshotstory

293 23 13
                                    

* Thank you so much @lipatpahina for the cover! Muwa muwa! *u* *

Ako nga pala si Mica. May ari ng isang computer shop.

Ako naman si Marcus, tambay sa computer shop nila Mika.

Unfortunately, mag-ex kami ni Marcus.

Sa kasawiang palad, ex ko si Mica.

(Time check: 5:26pm)

Nagbabantay ako ngayon sa computer shop namin. 

"Marcus, mauna na ako!"

"Sige, dre!"

Biglang tumingin sakin si Marcus na para bang may balak na masama sakin.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?"

"Ganda mo kasi."

"Pwede ba?"

"Pwede ba pakiss? Sure!"

"I-i-stop ko tong time mo!"

"Gawa."

At itinigil ko nga ito.

"Ay ptk. Biro lang yon. Balik mo ulit."

"Bayad muna?"

"Kiss nalang."

Tumayo siya sa kinauupuan niya, lumapit ng bahagya sa akin, at saka tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Asa ka naman. Dali 1 hour ulit. Eto na bayad."

"Good."

At natahimik na ulit.

(Time check: 6:26pm)

Nakaka-one hour na si Marcus pero hindi pa din nakontento.

"Pa-extend pa."

"One hour?"

"Oo."

Grabe, walang kasawa-sawa. Inaantok na ako eh.

(Time Check: 7:26pm)

"Nakaka-dalawang oras  ka na, Marcus. Gabi na. Kumain ka na hoy!"

Bigla siyang tumingin sakin habang nakangiti.

"Concern siya oh."

"Ewan ko sayo."

"Sungit. Pa-extend nalang, one hour ulit."

At inextend ko nga ng one hour. Kay tigas naman ng ulo neto.

(Time Check: 8:26pm)

Nagpasya na akong bigyan ng sandwich si Marcus. Nakakaawa naman, e. Baka mamatay sa gutom.

Inabot ko ang sandwich sa kanya,

at hinawakan niya ang kamay ko.

Agad kong binitawan ang sandwich para makaiwas sa hawak na iyon.

Nakita kong ngumisi siya.

"One hour pa ba?"

"Gusto ko forever."

Napatingin ako sa kanya.

"Forever?"

"Oo, paextend naman hanggang forever."

Na-gets ko yon.

"Mahal kapag forever."

"Handa akong magbayad mahalin mo lang ulit ako, yung pang-forever na."

"Bayad muna?"

Tumayo siya.

At saka ako hinagkan.

Pa-extend | superoneshotstoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon