Bakit Ka Single?

718 17 0
                                    


Bakit Ka Single? (One-Shot Story)

written by queen_wicky



"So... Kailan ka magkaka-boyfriend?"

"Single ka pa rin? Ilang taon ka na nga ulit?"


Ilan lang 'yan sa mga paulit-ulit na tanong sa akin ng mga kakilala ko. Bakit daw hanggang ngayon, na 25 years old na ako, ay wala pa akong naging boyfriend o walang experience sa ganoon. Baka tumanda raw akong dalaga at wala nang mag-alaga sa akin kapag tumanda na. 


Pero may isang tanong talaga na hanggang ngayon ay, kapag itatanong sa akin ay sumisikdo ang puso ko...


"Bakit ka single?"


Some people will answer it like, 'malamang kasi hindi ako marami,' habang ako ay may memoryang papasok sa utak.


"Jen, Tara na! Start na ang volleyball game!" aya sa akin ni Joanna, kaibigan ko, noong intramurals noong mga junior high school pa kami.


"Ito na nga!" Sagot ko habang inaayos Ang hawak na cartolina kung saan nakasulat Ang pangalan Ng taong susuportahan ko sa intrams. 


"Bilis na!" Atat Niya namang Sabi.

Jen, sure ka?

Mabilis na tumakbo kaagad kami palabas ng classroom at dumiretso sa gym ng school. Halos mabingi na kami sa sobrang ingay ng mga pinaghalong sigawan ng mga supporters ng bawat kalahok. Nakipagsiksikan kami sa mga naroon para lang makarating sa pnakaharap. Tabi! Dadaan ang asawa ng Volleyball Team Captain!


"Ugh! Ano ba!?"


Napabaling kaagad ako ng tingin sa kaniya. I gave her my fakest smile. "I'm so, so, sorry Miss. Hindi ko naman sinasadyang paharang-harang ka." 


Pinamulahan siya sa sobrang inis sa sinabi ko. Napangiti naman ako. Humalukipkip ako. This was what I like about me. I piss people off, and I get happy.


"Aba't---"


Ambang susugurin niya ako pero kaagad pumagitna sa amin si Joana. 


"Oh? Ano? Mag aaway kayo? Ha?" maangas na sabi niya roon sa babae.


Napangisi ako. Oh, ano? Lalaban ka sa SSG President, ha? 


Umirap siya bago mabilis na umalis. Napatawa Naman kaming dalawa ni Joana. Dumiretso na kami sa pinakaharap, at nang naroon na ay sobrang lakas kaagad ng sigaw ko. Inangat ko and pinaghirapan kong banner sa cartolina.


"Go, mahal! Support ka namin ng mga anak mo! Go, mahal ko!"


I know those pips beside me got pissed, pero wala akong pakialam. All I want was for Marken to notice me. Unang set pa lang ng laro, and as expected ay kasama siya sa mauunang lalaro. Hindi pa tapos ang first set, at may 15 na score na sila. Galing talaga!

Bakit Ka Single? (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon