|Part 6|

171 7 11
                                    

"Psyche, pabayaan mo na lang si Reyna Vee. Sigurado akong may mas maganda siyang plano.."

Maaaring tama nga si Apollo... ngunit, anong gagawin ko?

Sigurado akong nasaktan ng sobra si Eros :(

---

Eros' POV

"Sabe sayo Tiyo Hermes e..."

"Ano ba! wag ka ngang mawalan ng pagasa! Nakita mo ba yung itsura ni psyche kahapon? Gulat na gulat! ibig sabihin, di niya alam na fiance niya si Apollo! ibig sabihin, wala siyang nararamdaman dito! Chance mo na to para gumawa ng paraan !"

"Paraan?"

"Paibigin mo uli siya! Wag kang papatalo sa Apollo na yun!"

hayy... ano ba kasing dapat kong gawin? Buti na lng nandito si Eros para makausap ko...

"Oy nakikinig ka ba?"

"Ha? Ah oo.... "

"Oh magmeryenda muna kayo ohh" Si tiya peitho pala.

"Salamat tita"

"Walang anuman. Oh kumain ng marami, pumapayat ka na Eros! Tsk di ka na sexy :P"

"Hahahaha, oo nga e, stressed kasii..."

"Tungkol sa narinig mo nung kagabi sa party?"

"Ah... opo.."

"Kami na ang bahala ng Tito mo para magkita kayo... basta sasabihan ka na lang ni Hermes. okay?"

"O-Osge... Salamat!"

---

Apollo's POV

Kinausap ko si Reyna Vee kanina tungkol sa sinabi niya kagabi...

*FLASHBACK*

"Kung uunahin mo ang sarili mo Apollo at tototohanin ang pagiging fiance niya, edi sige. Basta tandaan mo, KASAL si psyche. Tsaka ANAK ko na siya ngayon. Prinsesa na siya. Maharlika. Prinsipe si Eros. Kaya pwedeng pwede na silang payagan ni Venus na magsama"

"Ang ibig sabihin ba nito ay palabas lang ang nangyari kagabi?"

"Malamang sa malamang, OO, Para mamulat si Venus. Sigurado akong pinagiisipan na niya ngayon to. At para matauhan din si Eros na PRINSESA na ang asawa niya. Bakit Apollo, Nahuhulog na ba ang loob mo kay Psyche?"

"HA? Reyna vee! Hinding hindi mangyayari yun!"

*END OF FLASHBACK*

Hayyy... yun pala ang ibig sabihin nun. 

Mythological season Fan Fic- Love and SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon