Chapter 1

24 7 0
                                    

Zavy's POV

kasalukuyan kong kausap sa telepono ang kaibigan kong warfreak slash, maganda 'daw'  slash, mayaman slash, 'edi sya na may boyfriend'

"Hoy madam! nasaan ka na ba? nilalamok na po ako dito!" asik ko sa maganda kong kaibigan

"Maghintay ka jan di ka maganda! papunta na ako" nanlait pa ang gaga!

"Wow nahiya naman ako sayo eh no? kanina pa yang papunta mo! magdadalawang oras na akong nag aantay sainyo ni Nicolai dito mga king ina kayo" sarkastiko kong sabi

"Ewan ko sa'yo Bernoulli, mag antay ka jan! nagmamadali teh?" aba! sya pa itong nag iis-strong!

"Ewan ko rin sayo Hyacinth Marr! sige ka't tagalan mo pa at ipapasarado ko yang Khentstore nyo! Kala mo'y may ari ng oras! Mga vaklang toh!" asik ko sa bestfriend ko

*toot* *toot* *toot*

Aba'y bastos tong babaeng to! nabanggit ko lang ang veveloves Khent nya, pinatayan agad ako! bitter ampots! palibhasa'y nag away sila hahaha! buti nga sakanya! eh antagal kumilos nung babaitang yon! tss. wala nga palang konek yon. pero seryoso di ko alam ang dahilan pero 1 week na silang nag aaway kaya yun ang gago pa taxi taxi nalang muna.

Si Hyacinth Marr Moivre ay isa sa aking itinuturing na kaibigan slash kapatid. Minsan pag walang wala talaga kami ay tinutulungan nila ako ni Khent para sa mga gastusin sa bahay at sa school. Kahit ganoon ang babaitang yon ay mahal na mahal ko yon at malaki ang pasasalamat ko dun.

Talented si Hyacinth, hindi lang sya maganda, sexy, at taken. Magaling syang kumanta at sumayaw. NAGIGIG pa nga ang gaga kahit andami ng pera. Katuwaan. Meron syang malaporselanang balat at napakagandang mukha. Masingkit din sya na isa rin sakanyang asset. Di ko nga alam kung ba't nakipagkaibigan sakin ang gaga. Maganda sya, sikat at mayaman, ano lang naman ako? I am just a nobody, panget ako at higit sa lahat mahirap. Maraming nagkakagusto kay Hyacinth dahil sa taglay nyang kagandahan. Sikat rin sya dahil sa pagkanta kanta nya sa school at sa mga competitions.

May isa rin akong bestfriend. Ang kababata kong si Nicolai Hope Ocampo. Maganda si Nicolai ngunit hindi kapareho ni Hyacinth na maputi. Si Nicolai ay Morena at may pagkachinita. Maykaya rin itong si Nicolai ngunit umaangat talaga ang madam namin. Nagmamay-ari sila Nicolai sa malaking store at mga botika dito sa lugar namin. Nakatira kami ni Nicolai sa Purok Masunurin Brgy. Matapang. Sikat si Nicolai saaming lugar dahil dating kapitan ang kanyang lolo.

And last but not the list, ang pinsan kong si Yshee Bernoulli. Pinsan ko sya sa side ni papa ko duh malamang. Maganda din si Yshee. Oo magpinsan kami pero di ko alam kung bakit ako ay panget? kung bakit di ako nabiyayaan, kung bakit tulog ako nong nagpaulan sila ng kagandahan. Tsk. May katamtamang puti si Yshee. Mabait sya at mahinhin, minsan nga napagkakamalan syang pipe. Sensitive din ang pinsan kong yon. Pero may nagbago sakanya. Parang naging bipolar ang gaga. Ngayon tahimik, bukas tatawa. Nakakabaliw pala talaga ang pagiging sobrang tahimik. Ah basta si Yshee. Pinsan ko.

Hush na sa pagbibigay puri sa mga kaibigan ko dahil nahuhurt ang feelings ko. Pano ba naman ansarap sa mata ng binibigay kong definition tapos lahat nang yon kabaliktaran sa definition ko tss.

Ako nga pala si Ysha Kimozav Bernoulli hindi maganda, hindi matangos pero hindi rin naman pango. Maitim ako, Yes! Maitim at hindi morena kasi nga di ako maganda! Kulot kulot ang buhok ko, meron din akong napakalaking eyeglasses na pang nerd ngang talaga, hindi ako nag aayos at pangit ako manamit. By the way, ako nga pala ang nag iisang anak ni Zavana Elisha Reyes at ni Kimo Yshton Bernoulli. Si mama ay isang pilipina at si papa naman ay pranses. Nag aral si mama noon sa France bilang exchange student at doon nya nakilala si papa. Mayaman ang pamilya ni papa at mahirap naman ang pamilya ni mama. Namatay si papa dahil sa sunog saamin noon. Siguro I am just 4 years old that time. Nasunog ang bahay namin na 'mansyon' kuno sabi ng mga kapitbahay namin. Yun ang naging sanhi ng pagkamatay ni papa. Nastock sya sa kwarto. Sinadya raw yun kasi okay naman ang nasa labas ang sa loob lang talaga ang nasunog non at ang sabi daw ng mga police ay may nakita silang container ng gas sa labas. Nasa mall kami ni mama non at humagulgul talaga kami ng iyak nun pag uwi. Aish! Hush it na naiiyak ako! So back to the topic. Simula nong mamatay si papa naghirap na kami ni mama dahil wala namang alam si mama kung paano pinapalago ni papa ang negosyo kaya ibenenta nya nalang at pinuhunan sa karinderya namin at syempre itinabi para sa pag aaral ko. Hindi kami masyadong mahirap pero hindi rin kami mayaman. Scholar ako ngayon sa Stockbridge International School dahil karinderya lang naman ni mama ang source of income niya.

Endless loveWhere stories live. Discover now