Chapter 4

10 8 0
                                    

Zavy's POV

Agad akong nagising dahil tumunog ang aking alarm clock, haaaaaaay nakatulog pala ako kagabi! Pagkatapos nung nakita ko siguro bigla akong na coma.

6:30am

Tumayo na ako at dali daling naligo, maya maya ay natapos ako at nagbihis ako. Ang suot ko ngayon ay maluwang na pantalon at malaking tshirt. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para kumain.

"Morning ma!" masiglang bati ko kay mama at hinalikan sya sa pisngi

"Morning nak, kumain kana!" sabi ni mama

Tinignan ko ang lamesa at ang ulam namin ngayon ay adobong manok! Alam talaga ni mama paano ako pasiglahin. Paborito ko kasi ang manok eh, tapos allergy ako sa pork. Share ko lang.

Nagsimula na akong kumain dahil mayroon pa naman akong 1hr and 30mins. 8:30 kase yong klase namin.

"Anak, baka ilipat na kita sa susunod na taon" sabi ni mama kaya natigilan ako.

"B-bakit po ma?" nauutal kong tanong

"Wala na kase tayong pangbayad anak, humihina na ang karenderya natin kasi may bago nang tayo na mall malapit rito sa atin"

Parang bigla akong nawalan ng ganang kumain at naging matamlay ako! Gusto kong umiyak kaso ayaw kong ipakita kay mama kasi ayaw kong mag-alala sya at baka maghanap pa sya nang kung anong rocket para lang makapag-aral ako sa SIS! Ayaw ko talagang umalis sa SIS hangga't hindi ako nakakapagtapos ng senior highschool dahil pangarap kong makapagtapos ng highschool sa SIS. Pursigido na ako, kelangan ko na talaga makapasok sa top 5!

"Ah sige po ma, sige po alis na ako baka malate na po ako eh" sabi ko at ngumiti sakanya. Pero alam ko sa sarili kong peke ang ngiting yun.

Habang naglalakad ako papuntang parahan ng jeep ay nasa isip ko parin yung sinabi ni mama. Hindi maalis sa isip ko ang mga katagang sinabi nya at di ko nalang namalayan na meron na pala ako sa sakayan ng jeep at may tumulo na palang luha sa mga mata ko kaya agad kong pinunasan yun at sumakay na sa jeep. Tulala lang akong tumitingin sa labas kaya hindi ko namalayan na nasa school na pala ako.

"S.I.S!" sigaw ng konduktor.

Nagbayad na ako saka bumaba, lakad takbo akong pumasok sa school hanggang sa makarating ako sa room namin kaya agad akong umupo sa upuan ko.

Wala pa masyadong tao dahil 7:38am pa lang. 8:30am mag s-start ang klase namin at yun ay SCIENCE, kaya kinuha ko yung cellphone ko at earphone at nakinig nalang ng music at dahil nasamay dingding ako ipinilig ko ang ulo ko samay dingding at ipinikit ko ang mga mata ko.

——

"MS.BERNOULLI!" May sumigaw ng malakas kaya napabalikwas ako.

Tumingin ako sa paligid ko at puno na ang classroom namin na kanina ay kakaunti palang ang tao, at nagulat ako nang makita ko ang guro namin sa SCIENCE na nasa harap. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Tahimik!" sigaw ni Ms.Gomez. Potek! Kung Terror si Ms.Agasi, mas terror ang isang to!

"M-miss pasensya na po kayo, di ko po namalayan na nakatulo-"

"Ahhhh, tulog tulog! Wala ka sa bahay nyo kaya wag kang matulog dito!" sumisigaw nanaman na sabi ni Ms.Gomez

Di ko talaga maintindihan, ang sabi nila ang paaralan raw ang pangalawang bahay ng mga estudyante pero bakit pag natutulog ka sinasabihan ka ng mga guro na wala ka raw sa bahay? Hayssss

"Pasensya na po talaga miss" paghihingi ko ng tawad

"What is the deepest part of the ocean?" tanong ni Ms.Gomez

Endless loveWhere stories live. Discover now