Chapter 3

9 6 0
                                    

Zavy's POV

Agad akong nagtago nung makita ko syang naglalakad. Bakit ba kasi andito yan? Napaka annoying pa naman ng isang yan! Huhu. Nakahinga na ako ng maluwag nang makapasok na kami sa canteen.

I fvcking saw the man who left me broken hearted. He made my heart crashed into pieces.

Richard Shaun Montefalco

"Anyare sayo teh? pawis na pawis ka jan?" tanong sakin ni Hyacinth. Oh shoot!

"Huh? A-ah w-wala, mainit kasi hehe" pag aaleby ko at agad pinunasan ang pawis ko.

"Naku wag mo kong chinachaka! Baket nga?" Di talaga ako titigilan neto kapag hindi ako nagsalita. Umupo muna kami bago ako nagsalita.

"Nakita ko kasi si Richard! Bakit ba andito yun?!" pag aamin ko.

"Richard?! Richard as in Richard Shaun Montefalco?! Yong papa yummy/gwaping mong ex?! Seryoso?!" pasigaw na tanong ni Hyacinth. Bakit ang hilig sumigaw ng mga tao! Nakakasira ng eardrums leche!

"Shhh! Wag ka ngang sumigaw! Anlakas ng boses mo! Oo nakita ko sya!" sabi ko

Gumwapo ata lalo ang mokong na yun ah? Tss pakyu ka Ysha Kimozav! Wag mo ngang pinupuri ang gagong yun!

Si Richard Shaun Montefalco, ang ex kong gago! Mayaman rin yun! Oh dba haba ng hair ko? Iniispoil ako nun kaso hindi ko tinatanggap kasi nakakahiya. Boyfriend ko sya at hindi magulang kaya hindi nya responsibilidad na bilhin ang mga gusto at mga kinakailangan ko. Mabait si Richard, at higit sa lahat gwapo. Gwapo talaga yung Richard na yun hindi ko na ikakaila yun kasi totoo naman! Ang dami ko ngang basher na mga taga school nila eh. Kesyo ang panget ko raw bakit ako raw? Ang itim ko raw, mahirap, at marami pang ibang panlalait. Anong magagawa nila? Ako ang mahal ni Richard eh. Pero yun ang inaakala ko, na mahal nya ako, niloloko na nya pala ako! Siguro dahil narin sa pride nya kaya di nya ako totoong minahal, sya ang first love ko kaya nahirapan akong magmove on sakanya. Inaamin ko may kapiranggot pa akong feelings sa Richard na yun pero ayoko nang sumugal dahil nasaktan ako ng sobra sa ginawa nyang panloloko saakin, harap harapan akong niloko ni Richard, harap harapan rin sa maraming tao na paulit ulit akong nagmakaawa na wag nya akong iwan, pero wala eh, he's a heartless jerk! Ilang buwan na lumipas nung nag break kami ay sinuyo nanaman ako ni gago na kesyo, di nya raw yun sinadya, na bigyan ko raw sya ng second chance dahil nagsisisi na sya at narealized nya na mahal nya raw talaga ako, napaka annoying nya! Pinipilit nya ako kahit ayoko na! Ayoko nang sumugal sa pag ibig na yan! Dahil alam kong ako rin naman ang masasaktan. Bakit pa ba ako umaasa? Dapat di na ako umasa na may magmamahal sakin kasi sa itchura kong to? Napakalabo na may magmamahal sa isang panget na mahirap na kagaya ko! Tss, kaya nagtataka ako kung bakit andito yung gago na yun! Hindi sa nag aassume ako na baka ako ang dahilan, pero feeling ko ako talaga!

"Sampalin mo nga yan Yshee" rinig kong sabi ni Hyacinth pero huli na bago ako umilag dahil nasampal na ako ng pinsan kong pipe na bipolar

"Aray! Para san yun?!" napasapo ako sa pisngi ko

"Kanina pa kami tawag ng tawag sa pangalan mo! Nag sasalita nanaman yang utak mo! Natapos nalang kami ni Yshee kumain ng donut ikaw jan nagsasalita parin sa isip! Tss kung gaano ka katahimik sa personal ganon ka naman kadaldal sa isipan! Tse! Alis na tayo!" pasigaw na sabi ni Hyacinth. Oh boy!

Sumunod nalang ako sakanila dahil di ko parin ma process ang mga pangyayari ngayong araw na ito! Una, napahiya ako sa mga bago kong kaklase, pangalawa napaaway ang mga kaibigan ko nang dahil saken, pangatlo na guidance si Nicolai, pang-apat nainis saakin si Nicolai at panglima nakita ko ang ex kong si Richard Shaun. What an awesome day!

Endless loveWhere stories live. Discover now