Chapter 1 *Battle*
"Good morning classmates, sir. Today I'll be reporting about my research and opinions regarding our topic for today. Socialization and Establishing Relationships."
Napatulala ako sa taong nagsasalita ngayon sa harapan ng klase namin. Hindi ko maalis yung paningin ko sakanya.
Ang gwapo niya talaga !! ^\\\^
Parang naglue yung paningin ko sakanya. Lahat ng sa paligid ko ay nagblur, at sa kanya lang ako nakafocus. Hay.. Sana tumigil ang oras!
"Uy! Cassandra baka matunaw naman si fafa RJ! " bulong sa akin ni Jessy, seatmate at new found friend ko. Kakatransfer lang kasi niya dito sa university namin.
BTW, hindi Cassandra ang name ko. I'm Casey Rodriguez, 16 at 4th year high school sa **** University. Jessy likes calling me Cassandra kapag inaasar niya ako.
"Tss.. Hindi yan matutunaw Jess. Eh hindi niya nga 'ko nafi-feel, Ni hindi niya nga ako napapansin ehh. *sigh* " malungkot kong sinabi.
"Oo nga pala. Manhid eh. Tsk. tsk. " pailing-iling na sinabi ni Jessy.
Kahit anong gawin ko hindi niya ako pinapansin. Kahit nga siguro mag-tumbling at magsplit-split ako dito sa harapan ehh. =__=
*sigh*
"*Ehem* Miss Rodriguez, Miss Alonzo, do you mind sharing your topic with the whole class? " nagulat ako sa biglang pagsingit ni Sir Chev.
Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala namin siya. >__< Siya nga pala ang professor namin sa Values Education.
Napatingin ako kay Jessy dahil tulad ko napagalitan din siya. Pero ang magaling na babae! Parang inosente na ngumiti at umiwas pa nang tingin! Taksil !! >__< Iniwan lang ako sa ere!
Hiyang-hiya na ako sa nangyayari. "Uhhmm.. so--sorry po sir. " Napayuko nalang ako para maiwasan ang masamang tingin sa'kin ni Sir.
"Stop talking with your seatmate." narinig kong sinabi ni Sir, tapos narinig ko yung yabag ng paa niya na palayo na sa'kin.
"My dear students, this is values education. Alam kong majority of you ay least favorite ang subject na to. Kaya kung ayaw niyong makinig, feel free to leave Now. " Wow! Hindi naman halata na patama sa'min yon noh? =_= kasi tinamaan ako ehh!
huminga ng malalim si sir. " Mr. Alcantara, please continue. " inangat ko ang paningin ko at ibinaling kay Rj.
"Yes Sir. " sagot ni Rj. Pumwesto na ulit siya sa harapan ng class at nagsimula na ulit magreport. "the ... -- (report goes on.. )"
O__O
Bigla ko namang naramdaman ang pagbilis ng heart beat ko! <333 Gusto kong sumigaw.. gusto kong magtatalon!
O___O *samapal sa sarili Is this a dream?
NAKATINGIN din siya sa'kin ! As in titig talaga habang nagrereport siya! >\\\< OMG! Can I scream now?
I can't fight this feeling anymore~.. <3
Siyempre hindi naman ako papatalo noh! tinitigan ko rin siya. Eye to eye. >\\\<
1 second..
2..
3..
Nararamdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko. Sana hindi niya mapansin! >\\\<
4 seconds..
5..
Waahh! He's still staring at me! >__<
