Random - Daddy or Papa?

2.8K 86 13
                                    

Rory's POV

"NINONG, malapit na po palang mamatay ang papa ko."

Nabitin sa ere ang French fries na isusubo ko sana. Tinitigan ko si Onyok na bumalik sa pagkain ang tingin at masusing pinapaikot sa tinidor ang spaghetti. Halos perpekto sa pagkakarolyo ang pasta bago niya isinubo iyon.

Jollibee date naming dalawa iyon. Kasama sana namin si Em pero may biglaan itong meeting kasama ang ibang single-moms. Ako na rin ang nagtulak kay Em na unahin ang meeting. Palagi naman akong available para saluhin ang oras sana nito sa anak--- na sa malao't madali ay magiging anak ko na rin kahit sa legal papers man lang dahil hindi ko naman maitataktak ang lahat ng dugo ni Onyok para dugo ko sana ang manalaytay din sa ugat niya.

"Sino ang nagsabi sa iyo niyan?" maingat na tanong ko sa kanya.

"Si Papa po mismo. Sabi niya baka hindi na kami magkita uli. Pero habang kaya daw niya dadalawin niya ako."

Hindi ko sigurado ang eksaktong pakiramdam ko sa mga sandaling iyon. Secured naman ako sa relasyon namin ni Em pero hindi ko kayang kapain ang pakiramdam ko kapag tungkol sa kalagayan ng ama ni Onyok ang pag-uusapan.

Nasa tiyan pa lang ni Em si Onyok ay ako na ang nasa tabi nito. I was there as her friend--- kahit noong mga panahong iyon, mas akmang landlord ako nito kesa kaibigan. Em was alone. Abandoned and pregnant. Ako naman ay inabandona din noon ng magaling kong girlfriend matapos aminin sa akin na pina-abort nito ang anak sana namin. Pareho kaming sugatan ni Em sa nasirang relasyon. Malamang iyon ang nagtulak sa akin kaya madali akong napalapit kay Em. Nasabik ako sa anak ko na kahit kailan ay hindi ko na mahahawakan. Ako na rin ang kusang nakipaglapit kay Em dahil bukod sa willing akong tumulong, nakikita kong wala ding ibang nasa tabi nito.

Hindi ko sinasadyang maging ama para kay Onyok. Kahit na ninong niya ako, noong una ay ginawa ko lang ang karaniwang papel ng isang ninong. Ninong na galante. Lihim akong napangiti. Bakit naman nga hindi kung can afford naman akong bigyan ng kaunting luho ang inaanak kong ito. At masaya naman akong magbigay basta para kay Onyok.

Mientras lumalaki si Onyok ay lalo akong napapamahal sa kanya. Malambing din naman kasi siya sa akin. Saka aminin ko man o hindi, ako na rin ang nagsisilbing father-figure sa kanya.

Pero ibang usapan ang tungkol sa amin ni Em. I tried to maintain a neutral relationship between us. In fact, I even had some girlfriends in between. Pero kay Em at kay Em pa rin ako nauuwi, hanggang sa hindi ko na iniwasan ang mga posibilidad na mahuhulog ako kay Em. After all, hindi naman issue sa akin na single-mother si Em. Mula't mula pa naman, mahal ko na rin si Onyok.

But admitting that I love her was not that easy. Dahil kahit close kami ni Em at malaya akong maglabas-masok sa bahay niya, hindi naman ako ganoon kalaya na manghimasok sa buhay niya. Ninong lang ako ni Onyok at hindi boyfriend ni Em. Oh, well, noon iyon.

Now, we had made it official. Kami na ni Em. Yes! Anong ligaya ko kaya nang gabing maging malinaw sa amin pareho ang tungkol doon. Sa sobrang excitement ko, naalala kong mag-post sa IG account ko na kaya ko lang ginawa ay dahil pang-suporta ko sa IG in Em.  Pinili ko ang latest picture naming tatlo na magkakaterno pa kami ng T-shirt na binili at isinuot din agad habang nasa Enchanted Kingdom pa kami. Ang sarap kayang tingnan na magkakaterno kami ng T-shirts. "We are family." Hindi na ako nag-isip ng iba pang caption sa IG post ko. Iyan na iyon.Siyempre naman, di ba? Saan pa ba kami papunta kundi sa pagiging isang totoong pamilya. Pati ang pagpapalit ng apelyido ni Onyok para maging sunod sa apelyido ko ay pinag-isipan ko na rin noong gabing iyon.

Literal na wala akong tulog. Ang daming pumapasok sa isip ko. Finally lumaya ako sa damdaming matagal ko na ring sinisikil sa sarili ko. Kulang ang salitang excited. Gusto ko nang hakbangan ang ibang stages sa pakikipagrelasyon at gusto kong makasal na kami ni Em as soon as possible. After all, sa haba ng mga panahong magkasama kami, kilala na rin namin ang maraming bagay sa isa't isa. Besides, anumang incompatibilities ang meron kami, sigurado akong kaya naman naming masolusyunan iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strawberry & BananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon