Chapter 16: Sermon

189 18 0
                                    

Jin's pov:

 

Kanina  pa ako naghihintay kay mikay… pagdating ko kasi sa apartment nla ay naka lock pa ang pinto… mayang gabi pa kasi ang uwi ng mama nya…

"Psst…! Psst…!!  Hoy jin …!  " kita mo tong babaeng to kanina pa ko pinaghihintay…

"Bat ngayon ka lang …? Madilim na ah.." tinabig nya ako at saka nagsusi ng pinto..

"Sabe ko nga sayo diba … wag mo na ko hntayin…"  pagtataray pa nya sa akin…

Dere deretso lang syang pumasok ng bhay at nagbukas ng ilaw…

Anak ng…   "maglinis ka naman ng bahay…!!!!"  Nakakabadtrip talaga ang pagiging burara ng babaeng to..

"Ahaha bukas na tinatamad ako ngayon e… " kumuha ito ng pamalit na damit at nagtago sa likod ng kurtina…

Ndi na ko nagulat ng hubarin nya ang tshirt na hniram nya sa akin at saka ito ihagis sa muka ko…

"Am baho na ng damit ko… dapat laban mo muna to bago mu ibigay sakin babuy mu talaga…!"  Tumalikod na ako habang tinitiklop ang damit na inihagis nya sa akin…

Burara talaga tong babaeng to… naririnig ko pa syang tumawa habang patuloy pa rin sa pagbibihis…

Pagkatapos kong linisin ang kalat sa bahay nila……… wala eh … alam ni mikay na hndi ko kayang matiis na nasa maduming lugar ako… no choice ako na din ang nag linis…

Nagpunta na kami sa kabilang bahay… bahay namin…

Sinalubong kami ng katakam takam na niluluto ni lola…

"Goodeve la…  "  bati ni mikay kay lola at sinabayan pa nya ito ng pag mamano… kaya mas paborito ni lola si mikay e… magaling makisama…

"Halika na kayo mga Bata at sabayan nyo akong kumain" nakangiting aya pa nito sa amin…

"Naku la ndi mu na ako kailangang alukin…! Talagang makikikain ako sa inyo! Ahaha"  nagmamadaling kumuha pa ito ng pagkain nya..

Parang patay gutom lang eh nuh..?  Bgla akong natigilan.. galit pa kaya si mikay sa akin..? 

Habang kumakain … patingin tingin ako kay mikay… habang sya naman ay todo todo kumain…

"O apo… anong nangyari sa labi mo…?" Tanong sakin ni lola..

"Sinuntok ko yan la…panu ba naman kase mainit ulo nyan kanina… sinabihan ba naman ako na patay gutom daw ako…… pati si mama dinamay pa nya sa panlalait nya…"  pagsusumbong pa ni mikay

"At kailan ka pa naging matapobre jin apo…?" Hala galit n si lola

Hangang sa matapos na kami kumain ay patuloy parin sa pagsermon sa akin si lola..

More Than Friends [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon