Chapter 36: Gising

160 21 0
                                    

Mikay's pov:

Ilang minuto na ring tinitignan ni Maru ang mga iginuhit ko sa aking sketchpad…

Nahihiya tuloy ako…

"Magaling kang mag draw… nakakatuwa din yung itsura ko dito… hehe "  nakangiting sabi sa akin ni maru…

"Ok lng ba iguhit mo ako uli…?"  O__O…  seryoso..?

Nanginginig pa ang kamay ko hbng nagumpisang iguhit sya..

Nakakailang kasi nakangiti sya sa akin ngayon..

MAYGWAADD..!

Nang mag aalastres na ay sbay na kaming lumabas ng library ni Maru .. nagpaalam sya sa akin at saka dumeretso na ng labas sa building.. habang ako naman ay naglakad papunta sa room..

Napahinto ako ng bglang may nagbato ng tissue sa muka ko.. ng lingunin ko ay nakita ko ang muka ni plastic na nakangisi..

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung mga tulad mo…" nakapamewang pang pagtataray sakin ni Iya…

"Mas ayaw ko sa mga tulad mo na mahilig magpaawa sa lalaki… kung ayaw mo kay jin sbhin mo…! Hndi yung pinapaasa mo sya..!" Gustong gusto ko sya pagsusuntukin kaso naaawa dn ako sa kanya..

"At bkit ko naman ggwin yon…? Hndi ko naman sinabi sa kanya na sumunod sunod sya sakin na parang aso.!!"  Natatawa pa si iya hbang nagsasalita..

Gusto ko na talagang saktan sya kaso kalma kalma lang...

"Mabuting lalaki sya Iya… hndi mo dapat syang gawing kakatawanan…" mahina kong sabi kay iya habang sumandal ako sa pader at saka namulsa…

"Ah kaya naman pla sinampal mo ko sa c.r..? Para lang dun.? Mikay lalaki lang yan.. dapat lang natin silang tratuhin na parang basura.. kaya lang naman sila lumalapit sa akin dahil maganda ako at sikat.. ganyan sila mikay.. panlabas na anyo lang ang tinitignan.."  mahina lang pero madiin na sabi ni Iya..

"Wala akong pakielam kahit ganun man ang mga lalaki Iya… at mas lalong wala akong pakielam kung ganun ang tingin mo kay jin…pero hndi mo dapat gnagawang kakatawanan ang kaibigan ko… " ganting sabi ko sa kanya…

"Dapat lang talaga sayong buhusan ng malamig na tubig Mikay… dapat kang magising sa katotohanan… Nasaan ang pinagmamalaki mong kaibigan…? Mas pinili nya ako kesa sayo..!"  Sigaw sa akin ni Iya..

"Ikaw ang dapat magising sa katotohanan … hndi ka nakikipagkaibigan sa isang tao dahil lang may kailangan ka sa kanya… at kahit ilang ulit pang ikaw ang piliin nya hndi magbabago ang pagkakaibigan namin…kaya binabalaan kita… wag mong paglaruan si Jin … dahil kung hndi ka pa titigil ako ng makakalaban mo…" tinignan ko sya mula ulo hangang paa at saka nagpatuloy sa paglalakad…

Nagulat pa ako ng makita ko si jin sa hagdan. Alam kong narinig nya ang lahat.. nalungkot ako para sa kaibigan ko..

Lumingon ako ulit kay iya at nakita ko namang namutla sya..

Iniwan ko na sila doon at napatuloy sa paglalakad..

More Than Friends [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon