Chapter 38: Stalker

166 21 0
                                    

Mikay's pov:

Nang matapos na ang klase ay agad na akong lumabas ng building.. naglalakad na ako pauwi ng may mapansin akong di kilalang lalaki na may hawak na camera.. tila ba may hnihintay sya..

Binalewala ko lang sya at nilagpasan.. nang tignan ko sya uli at napansin kong palihim nyang sinundan si iya..

"Ang ganda mo talaga Iya… bkit ba pinagtataguan mo ako…? Gusto ko lang naman ?...."  hindi na nagawang tapusin nito ang sinasabi nya dahil bgla nalang syang sampalin ni Iya..

"Lumayo ka sakin…!! Stalker ka..! Manyak ka.. ipapakulong kta kpag hndi kpa umalis..!" Hysteria na si Iya.. parang takot na takot sya.. napaurong naman sya ng lumapit ang lalaki at inakap sya..

Lumapit ako sa kanila.. napatigil ang lalaki nang mapansin ako..

Binitiwan nya si at saka humarap sa akin..

"Wag kang makielam dito kung ayaw mong masaktan…" pananakot pa sa akin nung lalaki…

Umupo naman ako sa may waiting shed hbang nakatingin parin sa kanila hanbang naghihilahan sila sa gitna ng kalsada…

"Wala naman akong balak makielam… gawin mo ang gusto mo gawin sa kanya… may atraso sakin yan e…"  napangisi naman sa sinabi ko ang lalaking manyak…

Nakita ko namang nanginginig na sa takot si iya…

Lumapit sa kanya ang lalaki at hnawakan sya sa balikat… hndi na nagawang manlaban ni iya habang unti unting inilalapit ng lalaki ang muka nya  sa muka ni iya…

"Pst…!" Sinutsutan ko ang lalaki at nang lumingon sya ay agad ko syang sinapak sa muka.. dumugo naman agad ang ilong nya..

Napatili si iya.. sinamantala ko yung pagkaka bitaw ng manyak kaya nahawakan ko si iya at dinala sya sa likuran ko...

"Tawagan mo si jin… Bilis…!" Nanginginig naman si iya hbang tumatawag sa cp nya.,

Nang mga sandaling iyon ay may 3 pang lalaki na nakasakay sa kotse ang bumaba.. mukang mga kasamahan ito ng manyak na lalaki kanina..

"Iya kilala mo ba sila…" nanginig at umiiyak na si iya…

"Mga stalker yan… hndi ko akalain na matutunton pa nla ako dito…" lumingon ako kay iya at hnawakan ang kamay nya…

Sinabayan namin ng takbo…!

Y(O_O)Y  takbo nyemas ayaw ko pang paglamayan....!

Tumakbo kami ng tumakbo hangan umabot kami sa park di kalayuan sa university..

Nang makita naming papalapit na sila ....sabay kaming tumakbo uli kaso nadapa si iya at mukang napilayan pa..

Syete....!!!!!

Humanap ako ng kahit anong pwedeng gawing panlaban..

Nagsitawanan ang mga ungas dahil sa hawak kong dos por dos..

Ang lalaki ng katawan nila.. parang mga bouncer...

T_T help me ...!!!!

Hampas dito ilag don.. takbo dito suntok don.. gaya ng sabi ko sa inyo... ndi po ako si darna..

Duguan nanaman ako.. huhuhu.. hinawakan ako ng isang lalaki sa buhok at pilit na pinatatayo.. nang makahanap nang tyempo ay sinipa ko ang kanyang bird..! Napaluhod naman ito sa sakit..

Tumakbo ako papalapit sa lalaking nakahawak kay iya at sinipa sya sg tagiliran .. nabitawan nya si iya..

Kahit nanghihina ay pinilit kong makatayo para protektahan sya.. umiiyak naman sya sa gawing likuran ko,, 

Nakahanda na akong sumuntok ng bglang may 2 lalaki ang nakipagsuntukan sa apat na manyak..

Rumble na po ito.. napaupo ako hbang pinanunuod sila...

Si jin at si Sam.. bkit ba bugbog sarado na ako bago nyo ako tulungan...!

More Than Friends [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon