Chapter 1

29 1 0
                                        

=== Kuroyukihime Cross ===

Unang araw ng pasukan sa Cross University. Nasa office ako ni Papa.
Siya ang may-ari ng Cross University.

"Papa, papasok ng 'ko sa CU. Simula na ng academic year. Pwede mo na bang sabihin sa'kin kung ano ba talagang nangyayari dito sa school na 'to?!" sabi ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na di mo pwedeng malaman hah Yuki?!" sabi ni Papa.

"Bakit ba kasi hindi pwede?!" galit kong tanong.

"Dahil sinabi ko! Pumasok ka na nga lang sa klase mo!." sigaw ni Papa.

"Bahala nga kayo dyan!" Umalis na 'ko sa office niya at padabog na isinarado ang pinto.

Gusto ko lang naman malaman kung bakitwala silang ginagawang aksyon sa kabila ng mga kababalaghan na nangyari dito sa CU.

Yun lang naman e.

Alam kong may mali..

*FLASHBACK*

Isang gabi,
Kakatapos lang ng klase naming mga ACERS.
Summer night yon.
Lahat ng mga kaklase ko sa ACE Class umuwi na..

Pauwi na 'ko sa office ni Papa nang biglang may nakita akong lampara mula sa malayo.

"Sino naman ang maglalakad sa gitna ng kadiliman ng gabi? Patakaran na bawal 'yun." bulong ko sa sarili ko.

Sinundan ko ang lampara na 'yon.

Nang makarating siya sa may fountain sa Moon & Sun Dormitory,
Tumigil siya saglit.
Nagtago ako sa may damuhan para di niya makita.
Ang Moon Dormitory ay ang tinutuluyan ng mga babaeng estudyante na nag-aaral sa CU at ang Sun Dormitory naman ay sa mga lalaki.

Tumuloy siya sa paglalakad nang makasiguro siya na walang sumusunod sa kaniya..

Naglakad pa siya hanggang sa makarating siya sa isang building..

Building na hindi ko alam na nasa loob ng CU.

Luma na yung building. Pumasok yung tao. Pagbukas niya ng pinto, maririnig mo na tumutunog yong pintuan dala ng kalumaan.

Pagkapasok niya, sumunod ako.

Pero alam kong maririnig niya ang ingay ng pinto.
Naghanap ako ng ibang madadaanan.

Sobrang dilim ng paligid.
Malamig pa ang hangin.

Naisip ko na dala ko pala yung cellphone ko.
Pero kapag ginamit ko yun, maaaninag niya yung ilaw.
Kinapa ko ang paligid.
Hanggang sa may makita akong basag na bintana.

Doon ako dumaan papasok.

Kung madilim na ang paligid sa labas ng building,
Mas madilim pa sa loob.

Sa loob ng building, may mga classroom..
Mga classroom na abandonado na.

Maalikabok at amoy luma na ang paligid.

Nakita ko yung tao sa hallway.

Sinundan ko siya..

Dahan-dahan akong lumalakad sa may likuran niya..

Hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto..

Pinilit kong basahin ang nakasulat sa may itaas ng pintuan ng room..

"Lab Room"

Anong gagawin niya sa loob ng Lab Room sa dies oras ng gabi?

Umupo ako sa may pintuan para pakinggan kung ano ba ang gagawin niya sa loob.

May umuungol na boses.
Para bang may nakatakip sa bibig niya.

"Kamusta naman ang alaga ko?" sabi ng boses ng isang babae.

Umungol ng mas malakas yung boses.

"Kawawa ka naman. Di ka ba makapagsalita? Gusto na sana kitang tapusin pero, mas matutuwa akong makita ka na nahihirapan at nabubulok kasama ng building na 'to." sabi nung babae.

Umungol muli ang boses.

"Walang hiya kayo! Ito ba ang sinasabi niyo na maganda dito sa school na 'to?! Mga hayop kayo! Ano bang ginawa ko sa inyo?!" sabi ng isa pa.

Malamang yun yung umuungol kanina. Siguro natanggal na yung nakatakip sa bibig niya.

Sino yung tinutukoy niyang kayo?
Sino yung kausap niya?

At bakit nakakulong sila dun?

"Ikaw kasi, masyado kang pakialamera. Masyadong ka ng madaming nalalaman. Kung wala ka sanang nalaman, hindi sana kita pinapahirapan ng ganyan ngayon." sabi nung babae.

"Magbabayad kayo! Darating din yung oras niyo!" nanghihinang sabi nung isa pang tao sa loob.

"Para namang matatakot ako sa'yo." sabi nung boses babae at narinig kong sinipa niya yung isa pang tao sa loob.

Puro sigaw ang naririnig ko.

Nang biglang may pumasok na pusa.
Nalaglag yung piraso ng basag na bintana sa tapat ng kwartong 'yun kung kaya naman nag ingay 'to.

"Sino yan? May tao ba diyan?" sabi nung babae.

Naririnig kong humahakbang siya papunta sa pinto.

Palapit na siya ng palapit..

DI niya ko pwedeng makita kung hindi mapapahamak din ako..

Palapit na siya ng palapit.

Pinagpapawisan na 'ko ng malamig.

Biglang bumukas ang pinto.

"Sino ka?!" sabi nung babae.

Nakatago ako sa loob ng locker malapit sa kwarto na 'yon.

Buti na lang at hindi niya ako nakita.

"Pusa lang pala. Bwiset kang pusa ka." sabi nung babae at nakarinig ako ng putok ng baril.

"Meow!" sigaw ng pusa.

Narinig kong humakbang na yung babae. Lalabas na sana ako ng locker nang makita ko sa butas na papalapit yung babae sa locker.

"Shets. Anong gagawin ko?" bulong ko sa sarili ko.

Binuksan nung babae yung ibang locker sa itaas pero di niya binuksan yung pinagtataguan 'ko.

Gusto ko ng lumabas pero di pwede. Makikita niya 'ko.

At kapag nakita niya 'ko, malamang, tapos na din ang buhay 'ko.

Nakita ko sa butas na humakbang na papalayo yung babae at pumasok na muli sa Lab Room.

Napagdesisyunan ko na 'wag munang lumabas.
Mahirap na, baka mahuli pa niya ako.

Wala akong laban sa kaniya.
Hindi ngayon.

Napapikit na lang ako sa loob ng locker.
Bukas pa yata ako makakalabas..

==============================================================================

Tagal pa ng pasukan. Pero promise. I-u Update ko po 'to.

Lalo na pag nagsimula na 2nd Sem. :)

Temporarily, sa facebook lang po ako agad makakapag update. :/

Add niyo na lang ako. ^_^

https://m.facebook.com/lhaineizzy?fref=nf&ref_component=mbasic_home_header&ref_page=%2Fwap%2Fprofile_tribe.php&refid=18

PS: Wala po akong softcopy. Diretso type sa watty ang ginagawa ko. :/

Thanksss! <3

KUROYUKIHIME CROSS on the side.. :) ►►►

&quot;Cross University's Mystery&quot;Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon