A.N:
Ang Chapters ko ay depende sa updates ko. Salamat.
Tinatamad akong sundan yung nasa notebook ko e.
Sareh.. Sorry din kung pabitin..++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
=== Kuroyukihime Cross ===
(Flashback continuation from Chapter 1)
Nagising ako dahil sa masangsang na amoy.
Amoy na halos patayin na ko lalo na't kulob ako sa loob ng locker na pinagtataguan ko.
Tiningnan ko yung butas sa locker.
Mukhang wala na yung babae.
Mukhang ligtas na 'ko lumabas.
Binuksan ko unti-unti yung locker.
Umaga na pala..
Unti-unti akong lumabas mula sa locker room...
Naramdaman ko na nabasa yung medyas ko..
Pagkakita ko..
Dugo.. Madaming dugo ang nasa sahig.. Imposibleng sa pusa nanggaling 'yon.
Ang sangsang ng amoy. Di ko maipaliwanag.. Pero halos masuka na 'ko sa amoy na 'yon..
Nakita ko na may iba't ibang parte ng katawan ang nakakalat sa sahig..
May kamay..
Katawan..
Paa..
Pero..
Nawawala ang ulo niya..
At nakita ko na may punit na damit sa may basag na bintana..
Lumapit ako para mas makita ng mabuti..
Duguan yung damit.
Mas lumakas yung masangsang na amoy na kanina ko pa naamoy..
Tiningnan ko ang paligid sa labas ng bintana..
"Hah?!!!" gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko..
Nakakawindang ang nakita ko..
Ang..
Ang..
Ang ulo..
May pugot na ulo na nakasabit sa sanga ng puno..
Nakadilat ang mga mata niya na tila ba nakatingin sa'yo..
Parang sinusuri ang pagkatao mo kahit na wala ng buhay ang mga matang 'yun..
Puro sugat ang mukha niya..
Halatang pinahirapan siya bago siya pinatay..
Kaawa-awa siyang nilalang.
Inalis ko na ang tingin ko sa bintana na iyon..
Biglang may narinig akong ingit.
Nakita kong bigla na lang unti-unting bumukas yung locker..
Yung..
Yung locker.. Tinitigan ko lang 'yon, inaantay na may lumabas na kung ano..
Pero..
*Blam*
Biglang bumukas yung pintuan ng locker..
Di ko alam kung paano nangyari..
Pero walang malakas na hangin nung mga sandaling 'yon.
Dahan-dahan akong lumapit sa locker..
Du.. Duguan yung locker..
Pero..
May nakita akong notebook..+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
COMMENTS PLEASE :)
BINABASA MO ANG
"Cross University's Mystery"
Mystery / ThrillerWhat you see.. What you feel.. What you hear.. Leave it there.. CURIOSITY KILLS.. You have the right to remain silent.. FOREVER.. THE MONSTER WAS THE BEST FRIEND I'VE EVER HAD.