First day

8 1 1
                                    

Nathalie's POV

"Good morning buddy." Bati ko sa aso kong si buddy. First day of school ngayon at ready na akong pumasok sa panibagong school ko. Bagong lipat kami ng bahay at syempre nag transfer ako ng school. Pababa na ako sa hagdan at nakita ko si manang na nag hahanda ng almusal.

"Good morning manang!" Bati ko kay manang.
"Oh Nathalie gising kana pala. Halika na at kumain kana ng agahan." Sabi naman nito sa akin.
"Manang, paki sabi ho kay mommy na baka late ako uuwi dahil may pupuntahan pa kami ni Kyla." Best friend ko pala si Kyla nakilala ko siya noong enrollment.
"Oh siya sige. Mag iingat ka."-manang
"Ok po." Tapos na akong kumain at nag paalam na kay manang.

Nakarating na ko sa school at hinihintay si Kyla dito sa freedom.
"Nathalieeee." Nagulat ako sa pag tawag sakin ni Kyla.
"Oh Kyla ikaw pala, kanina pa kita hinihintay ang tagal mo naman. Baka ma late tayo sa first subject."
"Ano kaba Nath, ok lang ma late first day palang naman."
"Hay nako, halika na nga." Sabi ko kay Kyla at hinila na siya papasok ng room.

Pagkarating namin sa classroom, nadatnan namin ang teacher namin na pinapagalitan yung classmate kong lalaki. Napatingin siya sa amin ni Kyla at nakakatakot ang itsura niya. Parang galit na galit.

"You two, late kaagad kayo! First day palang ah! Baka masanay kayo niyan." Sigaw samin ni Sir.
"We're sorry sir. Na traffic po kasi kami." Nagulat ako sa dahilan ni Kyla dahil hindi naman iyon totoo.
"Ok, sa tagal ko na naging teacher dito, sawa nako sa mga dahilan niyong mga estudyante! Umupo na kayo."

Kaagad na kaming umupo ni Kyla sa likod.

"Dito nalang kayo umupo sa tabi namin Ms." sabi nung lalaki na katabi ng uupuan namin ni Kyla.  Uupo na sana kami ng biglang mag tilian yung mga kaklase naming babae.

"Oh my geeee!!! Zeke is hereee!!!" Sigaw ng classmate kong babae.
"Hay nako, parang ngayon lang nila nakita yang si Zeke, kung makatili naman." Bulong sakin ni Kyla.

"Class! Tumahimik kayo." Sigaw naman ni Sir.
"Good morning sir, Sorry I'm late." sabi naman nung Zeke.
"Come in Mr. Castillo." sabi ni sir at agad namang umupo si Zeke sa harap ng upuan ko.

"Wow! Late tapos hindi manlang tinalakan ni sir, grabe!." bulong ni Kyla sakin.
"Alam mo naman yang si Zeke basta ayan yung kaharap mo matitikom mo talaga yang bibig mo." Sabi naman nung lalaking nag paupo samin ni Kyla.

"Mag uusap ba kayo jan o makikinig sa sasabihin ko!?" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni sir sa amin.
"Sorry sir." Sabi naman ni Kyla.
"Late na nga ang daldal pa. By the way since first day of school ngayon mag papakilala muna kayo sa isa't isa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CAMPUS CRUSHWhere stories live. Discover now