My Happy Ending

1 0 0
                                    

"Let's break up. You deserve someone better."

"Ahahaha tang-inang reason yan! Gasgas na yan Ryle. Its not you, its me? Ha! Gago!" sambit ko at tuluyan nang umalis sa pesteng restaurant na iyon

Pagkalabas ay agad akong pumara ng taxi at sumakay.

"Kuya, sa Carolina lang." sambit ko sabay salpak ng earphones at pikit

I see you, beside me
Its only a dream
A vision of what used to be.

"Ah puta! Imbyerna!"

"Pfft!"

What the-

"Anong problema mo Kuya? E kung nagda-drive ka na lang dyan?" angil ko sabay tingin nang masama sa kanya

Oh wait-

Agad kong nilibot ang paningin ko sa loob ng sasakyan at nanlaki ang mga mata nang mapagtantong hindi taxi ang nasakyan ko.

"Omg! Para! Sorry. Bababa na 'ko." taranta kong sabi

Pagkagilid niya ay agad-agad akong bumaba at tumakbo. Mabuti na lang at malapit lang ang condo ko kung hindi lagot ako nito.

Pagkapasok ko sa kusina ay uminom ako ng tubig at huminga sandali. Pagkatapos ay umakyat sa kwarto ko at napaiyak. Ngayon lang nagsink in sakin lahat...

Ang sakit pala. Akala ko okay lang ako kasi napagdaanan ko naman na 'to dati e. Sanay naman na akong maiwan.

Arf! Arf!

"Fifi bat ganun?"

Parang baliw na pagkausap sa aso ko hanggang sa nakatulugan ko ang kaiiyak.

Ding dong!

Bumangon ako at pinagbuksan ang bwisit na istorbong nambubulabog habang kinukusot pa ang mga mata.

"What?" pasaring kong tanong ngunit agad na nagmulat ang mga mata ko nang matanto kung sinong nasa harapan ko.

"Good morning." he said with a smirk

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Well, ask your parents. Excuse me, my adorable fiancé." kinurot niya ang magkabilang pisngi ko sabay pasok sa apartment ko

Fiancé? Omygad!

"Hoy Mister! Siraulo ka ba? Anong pinagsasabi mo ha?" sambit ko sabay pigil sa maleta niyang balak niya pa atang idiretso sa kwarto ko

Teka, paano niya nalaman kung saan ang kwarto ko?

"No. And my name is Finn, but Mister is also fine." sabi niya at dumiretso nga sa kwarto ko!

"Hoy! 'Wag ka dyan!" sigaw ko sabay hila sa maleta niya

"Right." aniya pagkatapos niyang masilip ang kung ano sa kwarto ko

Shit!

Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatakbo papasok.

Nakakalat nga pala ang mga damit ko sa kama! Including bikinis and underwears! Balak ko kasing magbakasyon sa Sorsogon for two weeks. I need to breathe pero paano ako hihinga kung may isdang nanggugulo dito!

Yeah, I should talk to Mom.

Sinimulan kong ayusin ang mga gamit ko habang tinatawagan si Mommy.

"Mom!"

"What's the matter baby?" medyo antok niya pang bungad

"Who's this Finn? Why is he here?"

"Oh, I messaged you yesterday. He's Finn, your childhood bestfriend. Don't you remember him? Anyway, he'll start living with you na so you could get to know each other, you know?" pagpapaliwanag niya na siyang kina-kunot ng noo ko

My Happy EndingWhere stories live. Discover now