I really hate that guy! Wala kong pakealam kung siya yung kababata ko, kasi obviously hindi ko na siya ganun kakilala. I just really hope one day, itigil na nila Mommy 'tong kahibangang 'to.
I let him sleep sa nakuha kong kwarto pero ofcourse sa sahig siya. And with the promise na hahayaan niya akong gawin yung gusto ko.
"Okay, Ill play along...Samantha." sabi niya
Wish ko lang talagang tumupad siya sa usapan.
Anyway, dahil weekend bukas, sarado store. And so I decided to check off my checklist.
I already did the first one which is eating a lor of seafoods kina Aling Martha so Im off to the second.
I overslept and left around 3:00 PM to go out. I don't know kung nasaan yung mokong pero nag-iwan siya ng note.
"I'll be back by 5, don't miss me too much. Mwa"
-BabeI guess he's out there para magpakasaya, magliwaliw...in short, mambabae. But I don't really care.
So I wore one of the dresses I bought tapos straw hat na rin. Kumain ako sa mini resto dito and off I go.
Pagdating sa beach, medyo maraming tao. Halo-halo. May mga foreigner na nag-eenjoy mag- swimming, may mga pamilyang masayang kumakain tapos may mga bata ring nagtatakbuhan.
Humanap ako ng pwesto kung saan wala masyadong makakakita to do my mission.
When I found a spot under the shade of coconut tree, agad akong nagpulot ng mga bato at shells. Pagkatapos ay umupo sa buhanginan at sinimulang gumawa ng sand castle.
Medyo childish siguro pero I missed this. I only experienced it once, with Finn nung one time na nagbakasyon yung family namin together.
It's fun pero little did I know, baka yun na yung time na nag-uusap sila sa arranged marriage na 'to.
I guess its all for the business, like usual. As I've said, maraming hotels sila Finn, restaurant chains naman yung sa amin. Kapag pinag-merge, mas lalaki and 'di na rin mahihirapan sa deals.
Pagkatapos kong mabuo yung castle ko, nilagyan ko ng shells sa gilid as a design. I like it very much kaya pinicture-an ko together with my feet burried on the sand.
After I clicked, I heard another one kaya napatingin ako sa direksyon nun. You know who? Yes, si Finn na naman.
Honestly, 'di na ko magugulat kung sa mga susunod na araw bubuntot na naman siya. Well, he has something against me kaya dapat hayaan ko lang.
"Hey." sabi niya sabay abot ng buko juice na hawak niya sa kabilang kamay
"Wala namang lason yan noh?" sabi ko bago ko tinanggap
Tinawanan niya lang ako sabay umupo sa tapat ko. Tinitigan niya yung gawa kong castle at natawa. Inirapan ko lang siya at tumitig sa dagat.
"Do you remember the time na binigyan mo ko ng bracelet?" tanong ko sa kanya
"Hmm."
"Why did you gave me one instead na magpaalam kang aalis na pala kayo?"
"You really missed me. Aww." sabi niya habang nakahawak pa sa dibdib niya
"Ewan ko sa'yo."
I've been sad and I felt alone. Ang hirap kasi nung 'di nagpapaalam. But nevertheless, okay naman na ako. Nasasayangan lang ako kasi we could have been really good friends. Siguro 'di ko siya tinataray tarayan nang ganito.
"The decision was made by my parents. Its really urgent kasi my grandfather was sick."
Tumango naman ako at sumipsip na lang sa juice ko.
"I hope we can be friends again." sabi niya sabay abot ng kamay
Well, its not a bad idea. Pwedeng kapag naging friends kami, baka mapakiusapan ko siyang ipatigil yung arranged marriage. Then I'll be free...
Inabot ko yung kamay niya at mabilis ding binawi "I still hate you, though."
"Why do you hate me?" then he chuckled
'Di ako sumagot at lumakad na paalis.