Chapter 2

0 0 0
                                    

"I know you miss me. Kaya, here I am." sabi niya sabay tulak sa pinto papasok

"Are you stalking me?" inis kong sabi sabay irap

"No. Your parents informed me."

"And so? Kailangan sumunod ka?"

"Coming from you?"

Gosh! He's really getting into my nerves.

Bumalik na lang ako sa kwarto at nagkulong...

I need a plan to get away.

Hmmm...

As soon as I had the idea, I packed some of my clothes and other essentials. Making sure na 'di halatang may binabalak ako.

"Where are you going?" tanong niya pagkabukas ko pa lang ng pinto

"Doon lang sa bar. Babalik din ako agad." sabi ko sabay dire-diretsong lumabas

Paglabas ko ng hotel, I made sure na 'di siya sumunod. Tapos nagpunta ako sa isang malapit na bangka.

"Ahm..Manong, saan po kayo papunta?" tanong ko sa Manong na mukhang paalis na

"Ah eh doon sa kabilang isla po." sagot niya

"Pwede po bang sumama? Magbabayad po ako."

Nakita kong nag-aalangan siya at napapakamot pa ng ulo pero pumayag din naman sa huli.

"Sige po Maam. Pero hindi ako babalik sa islang 'to dahil pagabi na rin."

Perfect!

As soon as we landed, naghanap ako ng cottage or inn na pwedeng tuluyan. Fortunately, may isa pang available.

I planned to stay somewhere liblib. Para 'di ako mahanap nung mokong. And a great idea popped in me! I'll try to live as another person.

Someone not bounded by rules, someone carefree, someone simple and someone named Samantha.

It may be a bit foolish pero for the remaining days lang naman.

Paggising ko sa umaga, I made a mental note.

Im not Ara, I am Samantha.
Ulila and trying to live a simple life here in this island.
No fiancee, no money.

Okay, first off. I need to buy new clothes and slipper, I guess.

Dumiretso ako sa nakita kong souvenir shops sa malapit and bought three dresses, a slipper and a cute straw hat that I saw. Something I can use as cover up, just in case.

Nagtanong tanong na rin ako kung may available silang part time. Kahit taga-tinda lang or tagabantay. Ofcourse, not fishing. Baka imbis makahuli ako, e ako pa mahulog.

"Excuse me po. May part-time po ba kayo na available?" tanong ko sa tindahan ng mga accessories na gawa sa seashells

"Ano kamo, iha?" oh, I guess I need to speak full Tagalog

"Ah eh may trabaho po ba akong pwedeng pasukan dito?" tanong ko sabay ngiti

"Ah! Naku sakto ang dating mo Iha. Kaluluwas lang ng anak ko sa Maynila kaya nangangailangan kami ng taga-gawa."

Naikwento pa ni Aling Martha ang talambuhay ng anak niya bago niya napagpasyahang tanungin ang pangalan ko at kung kaya ko raw bang gumawa ng mga pulseras at kwintas.

Apparently, only child nila si Kate. Nung grumaduate, nag-asawa agad tapos lumuwas para kumita ng pera. Natanggap daw sa isang hotel sa Manila. Ngayon, siya at asawa niya na lang natitira dito sa bahay nila. Nangingisda at kumukuha ng shells si Mang Tupe habang siya naman ang nagtitinda at nag-aasikaso.

A nice life to live, I must say. Simple lang at payapa. I can see the way her eyes sparkle speaking about her life. She must be so happy. I wish I will grow that way.

Binrief ako sa oras ng trabaho para bukas at tinuruan na rin kung paano yung disenyong ginagawa at patok dito. Its fun and relaxing. Hindi rin masyadong matanong si Aling Martha kaya pabor sakin.

"Maraming salamat ho! Aagahan ko po ang pagpasok bukas." paalam ko sabay ngiti

"Wala iyon Sam." sabi niya at aalis na sana ako nung bigla niya akong niyakap

"S-salamat po, Aling Martha."

"O siya! Ingat ka." sabi niya sabay ngiti at kaway

Kinabukasan ay tatlumpung minuto akong mas maaga sa takdang oras. Gusto ko kasing maabutan si Mang Tupe at pormal na magpakilala.

Pagdaan ng tatlong araw, naging routine ko na ang paggising nang maaga, pagpasok sa tindahan hanggang hapon at pag-uwi. Paulit-ulit ngunit 'di nakakabagot dahil nabubusog ako 'di lang sa mga kwento ni Aling Martha kundi pati sa pagkain. Kadalasan ay inaaanyayahan niya akong sumabay na sa kanila maghapunan bago umuwi.

Sa iilang araw na pagsama ko sa kanila, pakiramdam ko mas close pa kami kaysa sa mga magulang ko. Sigurado akong lumaki si Kate na 'di kulang sa pagmamahal.

Nakakataba lang ng puso na may mga taong handang tumanggap sayo nang walang pag-aalinlangan.

"Sam, ikaw muna rito at ako'y mamalengke lamang." sambit ni Aling Martha

"Sige po. Ako po ang bahala." nasanay na rin naman ako dahil kada hapon ay ako ang naiiwan dito

Pagkaraan ng ilang oras ay padilim na kaya medyo kaunti lang ang namimili.

"Hi can I buy one of this?"

"Good af-" pagbati ko sana sa customer kaso pagharap ko ay si Finn ang nakita ko

"Sinusundan mo ba talaga ako?"

"No?" sabi niya sabay ngisi

"Oh Sam, pagbilhan mo na at magliligpit na tayo." saktong dating naman ni Aling Martha

Agad ko siyang dinaluhan para tulungan sa mga bitbit niya at bumalik sa harapan.

"Sam, huh?" pang-aasar niya

Kahit kailan talaga, napaka-epal.

"Umalis ka na nga dito. Bakit ba ang kulit mo?" inis kong sabi sa mahinang boses

"Why are you trying to live as someone else?" sabi niya sabay titig sakin mula ulo hanggang paa

"Wala kang pakialam, okay?" sabi ko sabay irap

"Let's go home." sabi niya sahay hawak sa braso ko

Agad ko naman iyong inalis at sinamaan siya ng titig.

"Magandang hapon po Aling Martha."

Agad nanlaki ang mata ko nang batiin niya si Aling Martha pagkalapit nito.

"Oh iho, nakapili ka na ba?" sagot nito

"Actually po, nandito po ako para kay Samantha." sabi niya nang may diin sa pangalan ko "Nobyo niya po ako. Nagkatampuhan po kasi kami kaya 'di ako pinapansin. Baka naman po matulungan niyo ako." At nagpa-cute pa.

What the hell!

"Naku! 'Di mo nabanggit na may nobyo ka pala iha. O siya, hmm.. uuwi na ba kayo o kung gusto niyo, sa bahay na kayo maghapunan?" anyaya niya

Inunahan ko naman agad ng "Hindi na po. Mauuna na po kami." pagpapaalam ko dahil baka mamaya ay ibuko pa ko dito ni Finn

Pagkatapos maisara ang tindahan ay umalis na si Aling Martha. Ako naman ay nanatili sa pampang para kausapin si Finn.

"Pwede bang tigilan mo muna ako? 'Di ka ba busy sa business niyo at ako ginugulo mo?" sipat ko

"Hmm..I'm not busy, if it's for you."

"Playboy." bulong ko

"Yes?"

"Wala. Sabi ko bumalik ka na dun sa hotel sa kabilang isla."

"Unfortunately though, its late. We can share your room naman 'di ba?"

Inis ko siyang tinitigan at sinabing "No way. Bahala ka sa buhay mo!" paalis na sana ako kaso natigilan ako sa sinabi niya

"So I guess, Tita Claire's gonna know who Sam is?" sabi niya sabay ngisi

My Happy EndingWhere stories live. Discover now