Janice POV
''Lei di ako pumapayag sa gusto mo'' what?! iyan agad ang bumungad sa maganda kong morning. Paano na lang ang pina plano ko? dapat maka-isip ako nang paraan upang mapapayag ko siya.
''Jaz naman eh.. sige ka sasabihin ko ang mga kagaguhang ginawa mo noon sa mama mo'' panakot ko sa kanya. Alam ko kasing iyan lang ang katapat niya.
''Lei sawa na ko sa mga palusot mo'' seryosong sabi niya. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at dinial ang number ni tita.
''Hello tita'' masayang bati ko habang nakatingin sa kanya. Nanlaki bigla ang mata niya sabay hablot ng phone ko at in-end na ang call. Ha! epic lang ang itsura niya.
''sige na.....susubukan ko'' malungkot na saad niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mabilis kong hinablot ang folder at binigay sa kanya. Pero bago ako umalis nagbigay muna ako nang kaunting instructions.
''Diyan nakasulat ang mga dapat mong gawin upang magtagumpay tayo sa plano, At kung magtagumpay ka pwede mong hilingin ang kahit na ano mula sa akin'' at nagpatuloy na akong maglakad papasok nang room.
Celestine POV
Wala namang bago sa araw na ito maliban nalang sa napapansin kong lalake na kanina pa sunod ng sunod sa akin. Well isa siguro sa mga stalker ko. Pero parang ngayon ko pa kasi siya napansin.
Hindi nga ako nag kamali kasi bigla siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
''Hi can I be your boyfriend......?'' nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. Wow ha ganyan na ba talaga siya ka in-love sa akin para mag-aya kahit na hindi ko pa siya kilala.
inirapan ko lang siya at tumayo na para mag lakad-lakad. Grabi kasi napaka feeling niya. Nagulat ako kasi bigla nalang niyang hinablot ang kamay ko at pwersahang pinharap sa kanya.
''Ano ba'' reklamo ko sa kanya. Sino ba siya para maging ganito ang trato niya sa akin? feeling close lang?
''.........or can I court you? nahihiyang sabi niya
''ewan ko sayo'' sabi ko sabay talikod sa kanya, pero hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig pa akong pahabol na sasabihin niya.
''I'll start courting you tomorrow''
Subukan mo lang. Hindi mo ako makukuha you stalker.
............................
short UD only.
BINABASA MO ANG
Queen Bee
RandomThis story is about a queen bee. May isang tao na nag plano to take revenge on her. Will she thank the person who makes revenge on her dahil sa nag bago ang buhay niya at nakahanap na siya nang taong katapat niya? or mag te-take din siya nang rev...