Celestine POV
"Start na tayo bes, asan naba si Clint?" Nandito kami ngayon sa bahay nila Yan para mag practice sa music project presentation.
"Sinasabi ko na nga ba hindi marunong mag participate yang Clin---" Naputol ang pag sasalita ko ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Chill, medyo natagalan lang ok? So ano start na?"
"Siguraduhin mo lang na babagay ang panget mong boses sa mala-anghel kong voice. Pero mukhang imposible na ata ang hinihingi ko" straight forward na sabi ko sa kanya.
"Hwag mong minamaliit tong boses ko. Kasi ito yata ang mag papa-inlove sayo" sabi niya sabay smirk.
"Psh. Kadiri" mahina lang ang pag kasabi ko pero alam kong narinig niya.Dapat lang kasi iyon naman talaga ang totoo.
"Ahm guys mag e-LQ nalang ba kayo? Practice na tayo" pag singit ni Yan.
"Wait, pasyal nalang kaya muna tayo?" Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba niya alam na bukas na ang presentation.
"Pero bukas na ang----" hindi na niya pinatapos pa ang pag sasalita si Yan dahil hinila na niya kami. Wait! Kami?!
"Bitawan mo nga kami, ano ba!" Bakit ba hindi to natitinag sa akin? Hindi niya ba ako kilala? Ako yata ang queen bee sa school.
"Ano tatayo ka nalang ba diyan? Hindi ka ba sasama?"
"Ayoko nga. Kayo nalang" Pag tingin ko kay Yan parang nangungusap pa ang mga mata niya. Hwuag mong sabihing gusto niya talagang sumama.
Hindi ba siya nag wo-worry na baka hindi kami makapag practice at isa pa hindi pa namin lubusang kilala itong Clint na ito. Baka isa tong kidnapper na nag papanggap na student dahil sa nahumaling to sa ganda ko? Sino nga ba ang hindi?
"Bes sumama ka na. Hindi naman tayo magtatagal eh. May time pa para maka pag practice tayo mamaya"
Wow first time to. Pag dating kasi sa academics, no excuses talaga, seryoso kasi pag dating sa studies. Pero bakit ngayon mukhang hindi, kahit pa isa ito sa major project namin sa music.
Hmmm..., mukhang I smell something fishy. Kaya pag bigyan na. Sasama na lang ako for the sake of my bestfriend. Minsan lang kasi to tamaan ni kupido.
"Sige na nga"
Wala kaming ibang ginawa dito sa mall kundi ang mag laro sa timezone the whole afternoon. Sa totoo lang bored na talaga ako. Ginagawa ko lang ito para sa bestfriend ko. Pasalamat siya supportive ako.
...............
Next day
What the heck! Ngayon na pala kami mag pe-present pero hindi pa rin kami naka pag practice. Kasalanan talaga to lahat ng unggoy na to.
"Okay let's give a hand for the group of ms. Celestine Rendez" Hindi naman ako nini-nerbyos kasi sanay na naman ako pag dating sa pag pe-perform. Natatakot lang ako dahil hanggang ngayon wala pa rin si Clint. Mukhang walang balak mag perform.
Clint POV
Sa totoo lang kanina pa ako nandito sa school pero hindi lang ako pumasok ng classroom. May pina pagawa kasi si Janice.
"And I'm thing two is bette--"
Sorry queen. Pinag utusan lang.
Sh*t na guilt to
________________
a/n: Ano kaya ang ginawa ni Clint? Curious ba kayo? Abangan nalang sa next chapter.
By the way HAPPY KATHNIEL DAY!! sa lahat ng mga KathNiel diyan.
BINABASA MO ANG
Queen Bee
RandomThis story is about a queen bee. May isang tao na nag plano to take revenge on her. Will she thank the person who makes revenge on her dahil sa nag bago ang buhay niya at nakahanap na siya nang taong katapat niya? or mag te-take din siya nang rev...