Chapter 1- ChikAd

81 6 6
                                    

Cerisemie © Wattpad 2014

Chapter 1- ChikAd

A heart that appreciates every blessing is always better than the eyes that see what is missing.

~~~

(Month of June, 1st year College)

“Anong balita?” I asked Kristel.

“Sa radio at tv?” Sagot naman niya sakin sabay tawa.

“Funny. Kristel.”

“Bespren, chill! Iyong ganitong moment na wala ng prof, dapat ay nagpapakasaya tayo ‘no!”

Inayos ko naman iyong gamit ko. “Paanong mag-chi-chill eh iyong kanina lang na subject, muntik na akong umiyak sa hirap! Grabe lang ‘di ba?”

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan itong araw na ito. Grabe, first day na first day, as in, napakahirap agad! Ang sarap bumalik sa high school kung ganito palagi!

“Ikaw nga muntik lang na umiyak. Paano pa kaya ako ‘di ba? Pero dahil nag-survive tayo sa first day natin sa subject na iyon, moreover, let’s survive it for the rest of the year!” Sabi niya sakin sabay taas ng dalawang kamay niya.

Tuluyan na akong natawa sa kanya. “Well, back to our topic. Ano ng balita kila Christine?”

“Oh. Patapos na raw iyong klase nila. Hintayin na lang daw natin sila sa may east garden.”

“Sino raw ang kasama?” Tanong ko nang tuluyan ko ng malagay iyong gamit ko sa bag.

“Well, bukod sa magbestfriend, syempre, kasama nila iyong boyfriend nila.”

Napahinga naman ako bigla ng malalim. “Tara na?”

Kaagad namang kinuha ni Kristel ang braso ko. Tila naramdaman ang sudden shift ng emotions ko.  “Janeth, just, just forget that whole thing okay?”

Just forget that whole thing? Eh ang tanong, paano ko kakalimutan? Huminga ulit ako ng malalim. “Okay.”

Saktong makalabas kami ng classroom ay may nakabunggo ako. “Ouch, that hurts!”

Bigla naman akong naalarma nang mapansin na higher year ang nakabangga ko based sa I.D lace niya. Ofcourse, kahit sino namang estudyante, ayaw na mapasama sa nakakataas na year. Kaagad ko itong nilapitan at tinulungang makatayo. “A-ah, sorry po.”

She tsk-ed. “Sorry?” Then she hissed. “Ibang klase na talaga ang batch ng mga first year ngayon. Grabe!”

This time, ako naman ang humiklat sa braso ni Kristel nang mapansin ko na may balak siyang sumagot. Binigyan ko siya ng isang tingin at napansin ko namang naintindihan niya iyon dahil tumahimik na siya. Tumingin akong muli sa nakabangga ko. “Sorry po ulit Ate. ‘Di na mauulit.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book 3- Whatever it TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon