Chapter 1

53 6 0
                                    


*April's POV*
I was writing in the bus when someone sat down on the vacant seat beside me.

"Pwede makiupo, miss?"

"Yeah. Sure."

Hindi ko siya nagawang tapunan ng tingin dahil nakafocus ako sa pagsusulat ng story. Since I was trapped in the heavy traffic, I was so bored that's why I did my hobby, which is writing. Nagulat ako nang patugtugin sa radyo ng bus ang paborito kong kanta kaya napahinto ako sa pagsusulat para sabayan ang kanta.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo..."

"Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo..."

Nagulat din ako nang nakisabay din sa pagkanta ko ang aking katabi. Doon ko lamang napagtanto na may katabi pala ako.

"Hmm alam mo ung kanta?" tanong ko sa kanya.

"Oo, favorite song ko yan eh." seryosong sagot niya.

"Parehas pala tayo. By the way, I'm April." sabi ko sabay abot ng kamay ko para makipagshake hands.

"I'm Thony. Nice to meet you." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at nakipagshake hands din.

"Nice to meet you too." sabi ko then bumitaw na ko sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Are you writing a while ago?" asked Thony.

"Yeah. When boredom strikes, I used to write stories and poems." I answered.

"May nasulat ka na? Pwede pabasa?"

"Wala pa akong nasusulat honestly. Ang hirap mag-isip eh."

"Ahh baka makatulong ako? I also love writing. Kaya nung nakita kitang nagsusulat kanina, sa'yo na ako tumabi kahit andami pang vacant seats sa dulo."

"Wow! That's great. Mukhang magkakasundo tayo hahaha."

"Pwede tayo magcollab kung gusto mo. Simulan natin magsulat ngayon."

"Sure. I want to make a poem with you. Kung okay lang sa'yo."

"Okay na okay."

"Ikaw magsimula. Line by line tayo."

Tumingin ako sa bintana at mukhang mahaba talaga ang traffic kaya di makaandar ang bus namin. Nag-isip na kaming dalawa ng mga lines namin at siya ang pinauna ko.

"I sang your favorite song..."

"In the middle of vast throng..."

"I caught you smiling..."

"When we're together in singing."

Sinusulat ko sa notebook ko ang mga linyang binabanggit namin. Nag-eenjoy ako sa pag-iisip ng mga rhymes. Nagpatuloy kaming dalawa sa pagbigkas ng mga lines para sa tula. Sa puntong ito, ako naman ang nauna.

"Writing connects us together..."

"I hope you'll be my forever..."

"I thought you're so weird..."

"That's why your smile suddenly disappeared."

I heard a sad tone of his voice. But he cued me to continue on writing those lines. Tapos siya naman ang nagsimula ulit.

"I noticed your teary eyes..."

"It's saying a thousand of goodbyes..."

"Why would you leave me again..."

"When everything for you is just a pain?'"

Ramdam ko ung sakit na nakatago sa puso niya na sa tingin ko'y ngayon niya lamang nailabas. Di nya napigilang maiyak at ganon din ako. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at may napansin ako sa kaliwang kamay niya. May maliit na peklat doon. Naalala ko bigla ang bestfriend ko sa probinsya namin. Doon ko napagtanto kung sino ang lalaking katabi ko.

"A-are you Anthony Tenorio?!"

"Yes, April Santiago. Ako yung childhood bestfriend mo na iniwan mo ng wala man lang paalam."

"I tried pero pinigilan ako nila mommy kasi flight na namin nung araw na yon. Hindi kita iniwan. Ilang beses akong bumalik doon pero hindi ka na daw doon nakatira."

"Pinapunta ako nila mama sa America kasama sina tita nung mismong araw na umalis kayo."

"I'm sorry."

Sorry na lang ang nasabi ko. Ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na to na makausap ko siya at magsorry sa kanya. Hindi ko inakalang sa ganitong panahon pa kami pagtatagpuin muli ng tadhana.

Sa tagal naming nag-usap, hindi ko napansing umandar na pala ang bus. Natahimik ang buong paligid kahit kaming dalawa ni Thony. Narinig kong muling tumugtog ang favorite song namin. Sinabayan nya ang kanta pero binago niya ung lyrics non.

"Aking sinta, hindi ka na tahanan at mundo... Sa pagbalik, iba na ang makakapiling mo..."

Tumigil siya sandali habang inaayos na ang kanyang bag dahil pababa na siya. Matatapos na ang kanta, tumingin siya sa mga mata ko habang kinakanta niya ang last part ng kanta.

"Limutin na ang mundo... Nang wala ng ikaw at ako. Sunod sa bawat galaw. Hindi na maliligaw... Mundo'y hindi na ikaw."

Tumayo na siya at naglakad pababa ng bus. Naiwan akong tulala sa kawalan. Naiiyak na ako nang bigla kong mapansing nawawala ang bag ko.

"Kuya! Kuya! Wait bababa po ako. Ung bag ko ninakaw nung lalaki."

"Sorry miss. Hindi pwede, nasa highway na tayo."

At doon ako mas naiyak. Ung mga gamit ko tinangay niya. Ang dati kong bestfriend, naging magnanakaw na.

Mundo maging IKAWWhere stories live. Discover now