Chapter 5

29 5 0
                                    


*Chester's POV*

Pagkatapos ng kasal namin ni April ay iniabot ko sa kanya ang letter ni Thony. As I promised to him. Then I saw the sadness in April's eyes when she red the letter. All I did was to hug her.

Two months later, she got pregnant and finally we will have a baby that would complete to our family. I was so happy when I knew it was a baby boy but she was happier than me.

Pagkasilang ng aming unang anak, ako ang hinayaan niyang magbigay ng pangalan dito.

"Julius... Baby Julius." sabi ko sa kaniya.

"Hmm magandang pangalan, hello baby Julius. I'm your mommy April."

"And I'm your daddy Chester." natatawang sabi ko.

Inalagaan namin si Julius at binusog ng pagmamahal. Magwa-one year old na ang anak namin, mag-2nd aanniversary na rin kami at mag-iisang taon na rin nang huli niyang nakita si Thony.

Hindi man sabihin sakin ni April, alam at nararamdaman kong namimiss niya si Thony. One night, I checked her phone and I saw she was stalking Thony's account. Doon ko nalaman na nasa America pala si Anthony.

Right after that night, nalaman kong may cancer ako at malala na ito. May taning na ang buhay ko sabi ng doctor. Wala akong balak na sabihin kahit kanino ang tungkol dito.  Ayokong mag-alala sila sakin lalo na si April.

"Love, are you okay?" tanong niya sakin pagkauwi ko.

"A-ah I'm okay, love. Don't worry. I'm just tired."

"Hmm okay. Just take a rest, love. I love you."

"Thank you, I love you too."

Pumasok na ako sa kwarto at may tinawagan.

"Hello Trina! Si Chester to."

"Oh hi Chester, napatawag ka?"

"May ipapagawa ako sa'yo. Okay lang ba?"

"Magkita tayo bukas. 4pm sa park."

"Okay. I'll be there. See you!"

"Thank you."

Catrina is one of my bestfriends that's why siya na lang ang tinawagan ko. Kinabukasan nga ay nagkita kami at nag-usap.

"Anong ipapagawa mo sakin?"

"Pumunta ka ng America, hanapin mo ang taong ito, ang pangalan niya ay Anthony Tenorio. Andyan ung exact address niya."

"Iyon lang ba?"

"At pag nakita mo siya agad kantahin mo ung kantang Mundo. Ikaw na bahala. At kapag aalis na siya, ibigay mo itong letter sa kanya."

"Ah okay, madali lang naman pala eh."

"Salamat Trina! Tawagan mo ako pag nagawa mo na yan."

"Sige ako na ang bahala, makakaasa ka."

Umuwi na ako pagkatapos naming mag-usap dahil ayokong mag-alala sakin si April. Pagdating ko sa bahay, nakita kong tulog na siya katabi si baby Julius. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo sabay bulong sa kaniya;

"Huwag kang mag-alala, magkikita na ulit kayo ni Anthony. At sa pagkakataong ito, wala ng hahadlang sa inyo."

My tears fell from my eyes. Alam kong mahal niya si Anthony nung una pa lang. Sabi nga nila, first love never dies. Yeah, she maybe chose me over him, but I know in her heart, it will always be Anthony. Alam kong mas magiging masaya si April kapag kasama niya si Anthony.

Three days after, tumawag na sakin si Trina at sinabing nagawa niya na ang mission namin. Papunta na raw si Anthony sa airport para umuwi ng pilipinas. Hays, kapag puso nga naman talaga ang umiral. Malapit na ang last day ko, sana maabutan ko pa si Anthony at makitang masaya si April.

---------------------------------------------------------

*April's POV*

These past few weeks, hindi ko maintindihan ang mga kilos ni Chester. Hindi naman siya ganito dati eh. Hays, ang weird niya.

Nung isang gabing umuwi siya, nagising ako nun pero mas pinili kong pumikit para di niya mahalata. Kaya narinig ko ang binulong niya sakin no'n;

"Huwag kang mag-alala, magkikita na ulit kayo ni Anthony. At sa pagkakataong ito, wala ng hahadlang sa inyo."

What does he mean? Naguguluhan ako. Nasa America si Thony kaya malabong magkita pa kami. Baka nga wala na siyang balak umuwi dito eh. Aaminin ko, namimiss ko na siya.

Lumipas pa ang mga araw, at nakikita ko ang pagbabago sa katawan ni Chester. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kaniya, ayaw naman niyang magpacheck up sa doctor.

Isang araw, pagkagising ko ay ginising ko na rin si Chester para magsimba.

"Love, gising na, magsisimba pa tayo."

Ilang beses ko na siyang niyugyog ngunit hindi siya nagigising. Natataranta na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Yaya!!!! Tulong!"

"Ma'am bakit po?"

"Tumawag ka ng ambulance bilisan mo!"

"Sige po ma'am."

Dumating na ang ambulance at pumunta na kami sa ospital. Iniwan ko muna si baby Julius sa bahay kasama sila yaya.

"Doc, ano pong nangyari sa asawa ko?"

"I'm sorry misis, pero patay na po ang asawa nyo."

"Huh? Pano nangyari yon?"

"May cancer po sya. Last week nagpacheck up sya sakin at sinabi kong may taning na ang buhay nya pero hindi ko inaasahang hanggang ngayon na lang ang kaya ng buhay niya. Nakikiramay po ako sa inyo misis."

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak. Pagkauwi ko ng bahay ay narinig kong tumatawa si baby Julius at may isa pang boses akong narinig na familiar sa akin. Sinalubong ako ng yaya namin.

"Ma'am pinapasok ko na po ung bisita nyo dito, baka po kasi mainip sa labas eh."

"Sige yaya, salamat."

Pagdating ko sa sala ay naroon ang anak namin at nagulat ako sa taong nakita ko.

"A-Anthony? Anong ginagawa mo dito?"

"A-April... Si Chester nasaan?"

Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok na sa bahay namin ang mga taga-funeral na kasunod ko lamang kanina. Pinasok na nila ang kabaong sa bahay namin at inayos na ang mga bulaklak.

"Patay na siya, Anthony."

Napahagulgol na lamang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Niyakap niya ako at pinatahan.

"Please be strong, para sa anak nyo."

"Salamat."

Dumating na sa bahay ang aming mga kamag-anak para makiramay sa amin. Punong-puno ng kalungkutan ang paligid, lalong lalo na ang aking puso. Patay na si Chester. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyaring iyon.

Isang araw bago siya ilibing, nagbigay ng speech ang mga malalapit naming kaibigan, at isa na doon si Anthony.

"Napakabuting tao ni Chester, hindi man kami ganon kaclose, nakita ko kung paano nya mahalin at alagaan ang babaeng pinakamamahal ko. Last week, nasa America pa ako non nang biglang may nagbigay ng letter sakin. Iyon ay galing kay Chester, sinabi niya doon na kelangan ko nang umuwi para kay April. Sabi niya sa sulat, pinapaubaya nya na raw sakin si April pati na rin ung anak nila. Hindi niya sinabi ang dahilan niya pero ngayon alam ko na. Sa last part ng sulat niya ay nakalagay "make April fall in love with you again..."."

Sa sinabi ni Anthony, hindi ko napigilan ang mga luha ko. Ngayon ay naunawaan ko na kung bakit sinabi iyon ni Chester nung isang gabi.

Libing na ni Chester ngayon. Alam kong masaya na siya sa langit. Palalayain ko na siya, gaya ng pagpapalaya niya sakin. Magsisimula muli ako ng bagong buhay kasama si baby Julius pati na rin ang lalaking pinakamamahal ko, si Anthony.

"Salamat, Chester! Paalam." sabi ko sabay palipad sa puting lobong hawak ko.

Sa huli, kami pa rin ni Anthony ang nagkatuluyan. Kung para talaga kayo sa isa't isa, pagtatagpuin pa rin kayo sa dulo alinsunod sa pana ni Kupido.

Mundo maging IKAWWhere stories live. Discover now