*Anthony's POV*Pagkatapos ng birthday ni April, hindi muna ako bumalik sa Manila. Nanatili muna ako dito sa probinsya dahil gusto ko munang hanapin at buuin ung sarili ko. Pinili kong mapag-isa para umiyak at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nabalitaan kong nakapasa sa board exam si April at CPA na siya. At dahil doon, magpeprepare na sila sa kasal nila ni Chester. Nagulat ako nang may biglang tumawag sa cellphone ko, it was unknown number pero sinagot ko pa rin, baka kasi emergency eh.
"Hello! Is it Mr. Anthony Tenorio?" boses ng isang babae ang narinig ko.
"Speaking. Who's this?"
"I am Jeynie Alonzo, the organizer of the wedding of Ms. April and Mr. Chester. You are the best man according to them. May I ask if you'll come here for the practice?"
"Okay ma'am. I'll come. Patext na lang po ng exact location ng simbahan."
"Okay sir. Thank you!"
Agad kong binaba ang cellphone ko at nagmadaling mag-ayos para makabyahe na papuntang Manila. Nang marating ko ang simbahan na tinext sakin ng organizer, sinalubong agad ako ni April.
"Anthony! Thank you dumating ka." bungad niya sakin sabay yakap.
"Syempre di pwedeng mawala ang best man mo. Hahaha." natatawang sabi ko.
"Btw, this is Jeynie, organizer namin and bestfriend ko rin."
"Jeynie this is Anthony, my bestfriend."
"Hi Jeynie! Nice to meet you."
"Nice to meet you too, Anthony."
Nagsimula na ang practice at halatang pinaghahandaan talaga nila ang bonggang wedding nila. Sa sabado na ang kasal nila. Nalaman ko lang dahil sa invitation card na ibinigay sa akin ni Jeynie.
"Reminder lang bawal kang ma-late sa sabado." sabi ni Jeynie nang iabot sakin ang invitation card.
"Yes ma'am masusunod po."
Umuwi na ako ng bahay namin sa Manila. Humiga na ako at doon na ako naiyak. Ang sakit makitang ikakasal na ung babaeng mahal mo sa ibang lalaki, at ako naman tong si tanga, nagbida-bidang maging best man pa.
I checked out the messenger and suddenly I saw the name of April on it.
"Anthony, I hope you will come on my wedding. Alam mo kahit na pagtapos nung birthday ko hindi ka na nagparamdam, hindi ko pa rin nagawang magpalit ng best man, kasi sabi mo ikaw na lang."
I only seen that message. I don't know what I'm going to reply to her. Okay naman na kami ni April, after a long time, hindi pa rin sya nagbago. Kanina nung nagkita kami, parang wala lang nangyari dati. Well, past is past.
It's their wedding day. Nagising ako nang maaga at nag-asikaso na para di ma-late sa kasal ni April. Nasa simbahan na ang lahat, kaya abalang-abala na sila sa paghahanda. Nakita ko si Chester na siyang groom sa wedding kaya't nilapitan ko siya.
"Congrats bro! Promise me that you'll protect her no matter what." sabi ko sa kanya.
"Thank you, Thony! And buti naman pumunta ka ngayon."
"Syempre naman, para kay April bestfriend ko iyon eh."
"Okay. Thank you ulit."
At pumasok na ang lahat sa simbahan dahil papunta na raw ang bride. Nanatili ako sa gilid ni Chester bilang best man. Nasa harap na ng pinto si April...
She's wearing a beautiful white gown while handling her flower. She slowly walked down the aisle. I can't stop my eyes to cry while seeing her. I still love her until now.
They gave their vows to each other. Then I suddenly heard the most awaiting part of a wedding.
"You may now kiss the bride."
And they kissed each other. I caught April smiling at me that's why I wiped out my tears and smile back at her.
Hindi na ako nakasali sa mga picture taking nila dahil umalis na agad ako. Baka kasi mahuli pa ako sa flight ko papuntang America. But I left a letter for April and I gave it to Chester awhile ago.
The letter indicated these lines...
"I will forever be your best man,
Even you had your groom—your real man."
YOU ARE READING
Mundo maging IKAW
Short StoryAnthony & April short story Based on true story "Aking sinta Ikaw na ang tahanan At MUNDO..." Owner of this story: Jerlyn Jasmin Delos Reyes❤️