Umuwi ako sa bahay namin nang malungkot dahil nga ninakawan ako. Si mommy ang bumungad sakin para magtanong kung anong nangyari."Nak, how's your day? Bakit wala kang dalang bag?"
"Mom nanakawan po ako sa bus. And hindi po kayo maniniwala kung sino ang nagnakaw ng bag ko."
"Huh? Sino? Dali sabihin mo para mapahuli natin yan."
"Si Anthony Tenorio, mom. Ung bestfriend ko dati sa probinsya."
"Tara pumunta tayo sa police station para ireport to."
"Mom I'm tired. Gusto ko po muna magpahinga. Wag na po kayo mag-alala, ako na bahala kay Anthony."
Umakyat na ako para pumasok sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis na para makapagpahinga na ngunit hindi ako makatulog, dahil hindi pa rin maalis sa aking isip ang nangyari kanina. Si Anthony ba talaga iyon?
Tanging cellphone at notebook lang ang natira sakin. Kaya nag-online na lang ako para isearch ung account ni Anthony. Nakita ko naman agad yon kaya dali-dali ko siyang inadd. In just a few minutes, he accepted me. Nag-wave siya sa messenger ko.
Aba ang kapal ha. Siya pa tong unang nagwave."Hoy ibalik mo ung bag ko! Magnanakaw ka! Kelangan ko yan sa board exam ko. Andyan mga notebooks ko. Please ibalik mo na." I replied.
"Chill ka lang miss. Wala naman akong gagawin sa mga gamit mo dito."
"Oh bakit mo pa ninakaw iyang mga yan?"
"Wala naman. Para masigurado kong magkikita pa tayo."
"What? Are you stupid?"
"Oo, baliw sa'yo."
"Kunwari nakakakilig, ayieee."
"Hahahaha wala ka pa ring pinagbago."
"Nakakatawa yon? Ibalik mo na kasi ung mga gamit ko."
"Oo na. Ibabalik ko naman to sa'yo eh."
"Ibalik mo na sakin yan bukas. Sa monday na ung exam na yon, Kelangan kong magreview."
"Oh sige. Bukas. 4pm sa bahay namin sa probinsya."
"Wth! Are you insane? Ang layo nun."
"Okay. Akin na lang tong mga gamit mo."
"No way! Okay fine. Pupunta ako."
"Okay. See you tomorrow."
Agad na akong natulog para maaga akong magising bukas. 5hrs ang biyahe sa probinsya pero kelangan ko talaga tong gawin.
Kinabukasan, paggising ko ay wala na si mommy as usual. Nag-asikaso na ako at umalis na agad. Pero hinarang ako ng driver ni mommy at pinasakay na sa kotse.
"Kuya bakit nyo po ako pinasakay dito? Kala ko dala ni mommy tong kotse sa trabaho nya?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ah-eh, ma'am pasensya na po. Hindi ko rin po alam eh." nauutal na sagot ng driver namin.
"Ahh okay po. Pupunta po ako sa probinsya namin. Diba po alam nyo na yon?"
"Ah opo. Tinuro po sakin iyon ng mommy nyo dati."
"Sige po, pakibilisan na lang po para di po tayo maabutan ng traffic."
Grrrr! Sa dami dami ng pwedeng maging meeting place namin, doon pa sa malayo. Ang tagal ko ng di nakakabalik sa probinsya namin. Sa haba ng byahe, nakatulog pala ako. Kaya paggising ko ay andun na kami sa probinsya. I checked the time and it's 3:56pm. Malapit na mag-4 kaya lumabas na ako ng kotse at tumakbo na papunta sa bahay nila Anthony.
YOU ARE READING
Mundo maging IKAW
Short StoryAnthony & April short story Based on true story "Aking sinta Ikaw na ang tahanan At MUNDO..." Owner of this story: Jerlyn Jasmin Delos Reyes❤️