Chapter One

4K 22 0
                                    

Paano kayo nagkakilala ni Crush?

Eh, paano ka naman umamin?

O ang tama bang tanong ay, naka
amin kaba?

Pagtapos mo umamin, may nangyari ba?

O hindi kana niya pinansin at iniwasan kana?

O sadyang torpe ka?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anong ginagawa ko? Wala lang naman. Nakahiga lang at nag iisip.

Iniisip ko lang yung mga ginagawa ko nung bata ako at yung mga katarantaduhan ko. Suskopo!

(>y<)(>y<)(>y<)

Gusto nyo ba malaman? Sige, kwento ko sa inyo.

Umpisahan natin nung Elemantary ako.

Di pa ako nag iisip pero natatawa na ako.

('∀') ('∀') ('∀')

Eh, paano ba naman kasi? Bata pa lang pala ako eh, nagkaroon na ako ng crush.

And guest what! Kinder palang may crush nako! Dalawa lang naman sila. Hshshs

Di ko nalang sasabihin kung sino. Kasi sa pag kakatanda ko. Nung sinabi ko ito dun sa Mommy ko eh, niinis lang nila ako.

╥﹏╥ ╥﹏╥ ╥﹏╥

Nagtatanong sila kung may crush ba ako tapos nung sinabi pangalan iinisin ako? Suskopo! Sa pag kakatanda ko din ay nasa bahay kami nun ng lola at lolo ko. Sa may mother side. Nanay at tatay ni mommy for short.

Anong ginagawa ko dun? Wala lang naman. Nanghihingi lang ako ng dos o kaya ay limang piso sa lolo ko. Minsan ay dun ako nanghihingi sa Lola ko naman sa Father side ko. Kaso may upa. Tatanggalan ko muna daw sila ng puting buhok.

⊙︿⊙ ⊙︿⊙ ⊙︿⊙

Oo nga pala! Sa probinsya kami nakatira. Sa Bulacan.

Naaalala ko din yung nangunguha pa kami ng bayabas, duhat, mangga, santol tas kung ano ano pang prutas dun sa bukid. May bukid kasi sila lolo ko tas nagtatanim sila ng mga damo dun. Yung frog grass, blue grass, tas di ko na alam tawag dun sa iba. Dati pag nakikita ko sila na nagtatanim. Pupunta kami dun ng mga pinsan ko. Minsan nga pinagtatanim din kami eh. Kaso puro laro lang din inaatupag namin. Hshshs.

Minsan kami din nag dadala ng mirienda dun pag umaga o kaya ay hapon. Naglalakad lang kami nun. Medyo malayo kasi sa bahay namin yun. Minsan kape tas tinapay dinadala namin. Minsan ay halo-halo naman.

Dun din sa bukid na yun. May ilog kaya kapag tag-ulan namimilmit kami. Minsan isda tas minsan yung palaka. Tas minsan din sumasama ako sa lolo ko. Kasi nangunguryente sila ng isda.

Madami na din akong exotic food na nakain. Di ko nalang sasabihin kung ano-ano kasi baka mandiri kayo.

Dati din umiiyak pa ako kapag ayaw ako palabasin ni mommy kapag tanghali kasi pinapatulog lang ako. Kung ayaw ko daw matulog eh, magbasa ako. Eh madali lang naman yung A Ba Ka Da na yun eh.

Pero minsan kapag tulog na sya. Lalabas ako tas pupunta ako dun sa mga kaibigan ko. Maglalaro kami ng habulan kahit mainit, tagu-taguan, patintero at madami pang iba. Kaso kapag nagising si mommy. Patay na! Suskopo! Kailangan kong ihanda ang puwet ko kasi tiyak na mapapalo na naman ako nito.

o(╥﹏╥)o o(╥﹏╥)o o(╥﹏╥)o

Naaalala ko din nung nagagalit si mommy sakin kasi naligo ako sa ulan. Ending? Nagkasakit ako! Napaka sakitin ko kasi! Suskopo!

Kung Kailan Huli NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon