Chapter Three

603 5 0
                                    

Suskupo! Pa'no na yan?? Baka magalit sya? Ayaw ko naman nun.

Ahh! Alam ko na ang gagawin ko!

Kinuha ko yung cellphone ko tas tinext sya.

To:Babe🖤

Babe, sorry ah. Nahihiya ako. Wala pa kasing may alam sa mga kaibigan ko e. Sorry talaga. Sa susunod kakausapim na talaga kita.

Maya-maya pa ay nagreply sya.

From:Babe🖤

Oks lang. Haha.

To:Babe🖤

Baka galit ka??

From:Babe🖤

Ba't naman ako magagalit??

Oo nga naman? Bat sya magagalit??

Wahh!! Oo nga pala! Di ko sya pinansin.

To:Babe🖤

Eh kasi di kita pinansin.

To:Babe🖤

Sabi mo nahihiya ka. Kaya oks lang yun.

Wahh!! Galit sya! Di ko alam kung ba't ko alam pero nararamdaman ko. Tama! Nararamdaman ko! Oks na yun.

Kaso may problema ako. Pa'no ko sya susuyuin?? Wahh!! Di pa ko nakakapanuyo ng babae!!

Pa'no na yan?? Kanino ako hihingi ng tulong??

Sa kaibigan ko?? Eh baka tanungin n'ya ako kung sino susuyuin ko?? Ano isasagot ko??

Ahh!! Alam ko na!! Yung kapatid ko!! Tama!! Sasabihin ko sya yung nagtatampo!! Tama!! Bwahaha!

Kaso san na naman kaya napadpad ang isang yun?? Kasama ko pa sya sa canteen kanina ah? Ahh! Baka nasa likod lang yun.

Pumunta ako sa likod pero pagtingin ko ay wala sya dun. Dumeretso pa ako pero wala pa talaga sya.

San naman kaya pupunta yun?? Wahh!

Babalik na sana ako kaso may nahagip yung mata ko. Sa may bandang Canteen.

Second Floor kasi yung room namin. Tas may tambayan sa Likod. Yung daan ay paletter 'L'. Yung sa babang line ng L, dun yung room namin. Tas sa patayong line naman ay dun nakatayo ang canten. Kaya malapit lang.

Nakita ko si Kurt tas si Sofia. Nag-uusap. Medyo may kirot pero di ko nalang pinansin at umakyat na ulit ako sa room tas yumuko. Tsaka ba't naman ako masasaktan eh, di naman talaga sya yung gusto ko.

Maya-maya pa ay dumating na yung Teacher namin. Tas Nakita ko syang tumabi sakin. Pero di ko sya pinansin. Nagpatuloy lang ang klase pero di ko parin sya pinapansin kahit magtanong sya sakin.

"Woi! Ano ba to?"tanong nya pero tinignan ko lang sya at di ko pinansin.

"Teka lang! Ba't ba di moko Pinapansin??"tinignan ko lang ulit sya na kunwari di ko alam ang sinasabi nya.

"Ah, wala. Masakit lang ang ulo ko. Sa iba kana magtanong."sabi ko tas nginitian ko sya.

"Hindi eh, galit ka. Ba't ka nagagalit?? Dahil ba iniwan kita kanina dito??"tanong nya ulit.

"Hindi 'no!"

"Eh, bakit nga kasi??"pangungulit nya pa.

"Masakit nga lang ulo ko. Magsagot kana dyan."

"Bakit nga kasi!!"napalakas ang tanong nyang yun kaya nagtinginan ang mga kaklase ko samin.

"Kurt at Berto! Tapos na ba kayo at daldalan kayo ng daldalan diyan?!"nagulat ako sa sigaw ng Teacher namin na nasa likod na pala namin.

Kung Kailan Huli NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon