Chapter 2

149 10 0
                                    

Chapter 2

Naiilang ako sa aking pagkain dahil sa matang nakatitig sa akin, what I mean is sa 'pekeng' matang nakatitig sa aking kinakain, "Kain ka?" Nagtataka kong ranojg ngunit aga kong binatukan ang sarili ng maalalang manika siya.

Tumayo sa upan si Lukas at nagpunta sa cabinet kung saan nakatago ang mga kubyertos napnganga naman ako ng sumandok siya ng kanin sa rice cooker.

"Ma'am? Kumakain pala ang manika?" Usyuso ng kasama ko sa bahay. Sila lang ang nakakaalam na meron akong manika dito.

"Joke lang yun Lukas baka masira ka eh." Kunwari nag-aalala kong saad. Hindi naman sa ayaw ko siya, hindi lang ako komportable sa mga titig niya. Umupo siya sa aking tabi at dahan dahang inilapag ang plato. Nakastraight body ito at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"I'm a special doll, Master. Umaakto din ako na kagaya niyo." Aniya. Napatingin ako kay Lukas at hinawakan ang porcelain niyang braso. He's really a doll. Akala ko ginugood time lang ako ni Lukas!

"Saan mapupunta ang mga kinakain mo?" Nagtataka kong tanong, humalakhak ito na tila'y isang tao.

"Ano ba ang ginagawa ng taong puno na ang tyan, Master? Edi itinatae nila." Ako naman ngayon ang natawa sa naging sagot ni Lukas. Maganda din pala ang may kasama sa bahay.

"Sige na. Kain ka na, manika." Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo ni Lukas at pagkuyom nito ng kamao. Nagbigka din ako sa biglaan nitong pagtayo, tiningala ko siya at nagtatakang tinignan, "May problema ba?"

"I already told you..." Madiin na kanyang pagkakasabi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya mas pinili kong tumahimik na lamang.

"Tawagin mo ako sa paraang gusto ko. Tawagin mo ako sa paraang mararamdaman kong ako ay para lang sa iyo, Master." Tuluyan kong nabitawan ang aking kutsara at tinidor dahil sa sinabi ni Lukas. Tama nga sila, dalubhasa ang mga manika sa pagbitaw ng mga salita.

"S-sige." Nanginginig na aking saad. He reminded me of someone, hindi ko maalala kung sino ngunit ganitong ganito din ang mga linyahan niya. Fvck yeah, si Kiro nga pala! Ganitong ganito din ang linyahan nun eh kaya siguro ganito ang manikang ito dahil siya ang bumili?

"So gusto mo na tawagin kitang baby?" Halos hindi ko mabanggit ang huling linya dahil sa pandidiri, hindi naman sa ayaw ko na tawagin siyang ganoon, hindi ko lang talaga kayang banggitin ang salitang 'baby'.

"Pwede naman na ikaw ang pumili dahil para sa amin pag binigyan mo kami nun ay magiging official na ang bond natin." Ha? Anong bond ang tinutukoy niya? Kahit hindi ko masyadong naintindihan ang kanyang sinasabi ay pinili ko nalang tumango upang pagbigyan siya sa kanyang gusto.

"Sige pagiisapan ko yan." Ani ko upang matigil na ang aming diskusyon. Tahimik kaming kumain ni Lukas at nang matapos ako ay siya din namang pagtawag ni Kiro sa akin kaya minabuti kong lumabas ng bahay upang sagutin iyon.

"You need to get this doll now." Utos ko sa kanya. Rinig na rinig ko ang kanyang halakhak sa kabilang linya na umecho sa aking tenga.

"Hindi ka ba nag-eenjoy kay Lukas, Claire?" Natigilan ako sa kanyang sinabi. Oo, medyo nagustuhan ko ang presensya niya sa bahay. Gusto ko sana yang sabihin ngunit mas lalo lang akong aasarin ni Kiro. Kilala ko ang unggoy na yun.

"Hell yeah kaya kunin mo na siya ngayon din." Matagal bago nakapagsalita ulit si Kiro. Nambababae na naman siguro ito. Kawawa naman si Fretana kahit sabihin pa nating manika iyon at walang damdamin.

"Sorry but I can't. Hayaan mo na siya diyan sa bahay niyo! Wala naman ginagawang masama si Lukas ah." Mas lalong lumakas ang ingay sa kabilang linya, "Love you friend!" Pahabol ni Lukas bago tuluyang ibinaba ang tawag.

"Love you too." My ass.

Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan dahil sa biglaang pagyakap ni Lukas galing sa aking likuran, isinubsob niya ang kanayang mukha sa aking leeg habang hinihigpitan ang pagkakayakap sa aking bewang.

"Who's that?" He huskily asked. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking balikat, "Ayaw ko ng may-iba, Claire. Gusto ko ako lang." Aniya habang ang kanyang labi ay naglalakbay patungong aking tenga, marahan niya itong kinagat at hinalikan.

"I love you, Master." He whispered. Napapikit ako at napahawak sa kanyang kamay na nakayakap sa akin.

"Sorry." Ang naging sagot ko.

Her Possessive DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon