Chapter 15
"Anong panonoorin natin?" Tanong ko kay Kiro habang nakatitig sa mga palabas na maaari naming panoorin, may horror at may romance din. Ngumisi sa akin si Kiro at itinuro ang horror movie. Napailing ako at sonapak siya ng pabiro.
"Baka maihi ka niyan sa kaba." Natatawang saad ko. Sumala pagkabata ay matatakutin na talaga sa multo si Kiro. Sabi niya meron daw kasi siyang nakitang multo noon kaya nagkatrauma.
"Edi punasan mo nalang." Halakhak nito. Napasimnagot ako at nagsimula ng pumili sa bilihan ng ticket. Kunti lang ang tao ngayon marahil ay weekday ngayon.
"Nasaan na iyong dalawa?" Nagtataka kong tanong habang hinahanap ang dalawa naming manika, nakihanao na din si Kiro at may itinuro siya sa bilihan ng mga pagkain.
"Wow sweet naman." I bitterly said. Kung titignan kasi sa malayuan ay tila nag kakatuwaan ang dalawa. Maya dala dalang drinks si Lukas at si Fretana naman ay popcorn.
Napaiwas ako ng tingin ng lumingon sa amin pwesto si Lukas buti nalang ay ako na ang susunod na bibili.
"Dalawa po diyan." Ani ko sabay turo sa horror movie na gusto namin panoorin ni Lukas. Ngumiti ang babae at may kung anong itinuro sa aking likuran.
"Oh Lukas!" Gulat kong ani. Hindi ko aakalaing mabilis siyang makakarating sa aking pwesto.
"Gusto din namin ang panonoorin niyo ma'am." Aniya. Napapikit ako at palihim na kinurot ang sarili. Kung minamalas nga naman oh! Hindi naman sa ayaw ko silang kasama hindi lang ako komportable na andyan sila lalo na kung magkasama ang dalawang manika. Ayaw kong silang panoorin!
"Ayaw niyo ba nung isa? Tutal romance naman iyon bagay na bagay sa inyo ni Fretana." Mapait kong saad. Mas lalong lunapit sa akin lukas, tiningala ko siya at dahan dahan niyang inilagay ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga.
"Mas bagay tayo Ma'am." Aniya at kumindat. A. Fvcking. Flirt. Napairin ako at tukuyan siyang tinalikuran.
"Apat nalang po pala." Walang gana kong saad. I heard him chuckled kaya mas lalong uminit ang aking dugo.
Pagsinaksak ko ba 'to mamamatay siya? Malamang hindi siguro'y masisira lang ang machine sa loob ng katawan niya.
"Asan yung dalawa?" Tanong ko kay Lukas ng mapansin kong wala na si Kiro at Fretana. Nagkibit balikat ang manika at ngumuso.
"Dalawang oras pa bago mag-start ang sine." Ani ko habang titig na titig sa popcorn at drinks na dala dala niya, "Masisira yan." Sabay turo sa pagkain na hawak niya.
"Ma'am baka gusto niyo po munang panoorin yung isang movie? Magiistart palang po ma'am para hindi na din masayang ang pagkain na dala ni Sir." Mahinhing saad ng kahera. Napangiti ako sa kanya at umiling.
"Ay huwag na po. Kakain nalamg namin dito." Sa loob loob ko ay nagpapanic na ako. Kaming dalawa magsasama sa isang sinehan! Baka mahimatay ako niyan.
"Mag arcade nalang tayo." Aya ko sa manika. Nasaan na ba kasi si Kiro?!
Tumango sa akin si Lukas ibinigay niya ang isang popcorn at drink sa akin. Inipit ko ang popcorn sa pagitan ng aking katawa at braso habang ang inumin ay dala dala ko, ganoon din ang ginawa niya sa kanyang pagkain.
"Tara na." mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay, "Habang wala si Kiro." Madilim na aniya.