Ako si Dilan Keir De Ocampo at para sa akin..
Ang mga babae, madaldal/mabunganga." Oo, wala talagang tigil ang bibig nila sa pag-rachada sa kakasalita. Lalo na sa tuwing pinapaalala nila sayo na oras na para inumin ang iyong gamot, kapag nagtatanung sila kung kumain ka na ba, kapag ginising ka nila sa umaga upang hindi ma-late at sa mga pagkakataon na nag-aalala sila sayo at tinatanung kung nasaan ka na at bakit hindi ka pa umuuwi. Walang duda, madaldal nga. Hayaan mo na, balang araw, siguro magbabago din sila. Tipong maririnig mo lang ee "Oo", "Hinde" at "Pwede". Para kayong naglalaro ng Pinoy Henyo. Romantic siguro ng buhay nyo nun. "Ang mga babae, mashadong sentimental." Sinabi mo pa. Tandang tanda nga nila ang petsa at lugar kung saan kayo unang nag-date, isinulat niya din sa kanyang diary kung ano ang mga ginawa ninyo, nakatago at ingat na ingat siya sa mga larawan nyong dalawa, daig pa niya ang Smithsonian sa pag-aalaga ng mga iniregalo mo at kahit kailan hindi niya nalilimutan ang mga importanteng okasyon tulad ng anniversary, monthsary, weeksary o birthday mo. Nakaka-inis ba? Ok lang yan, malay mo next time, hindi na siya ganun. Tipong i-aasa na lang niya sa Facebook ang iyong kaarawan. Tapos tamang post na lang sa wall mo ng "hapi bday". "Ang mga babae, emosyonal." They cry about movies. They get teary with a romantic novel. They blush and gasp upon seeing a picture of a cute dog or a cuddly baby. Bakit ba ganun sila? Buti na lang tayo hindi. Kinikimkim lang naten lahat ng emosyon sa loob hanggang sa sumabog at atakihin sa puso o di naman kaya ee magpapakalasingtapos magwawala at maghahamon ng wrestling. Di ba mas logical un? Madalas pa mag-imagine na ikakasal kayo sa simbahan. Lagi nag a-iloveyou, imissyou, take care at mwah mwah sa text. Asar ka na ba at nacocornyhan? Ayos lang yan. Darating din siguro ang time na titigil siya at isesend ang mga un sa iba. Women are probably the greatest gift to men, from God, beside beer and sizzling sisig. At para sken, women deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Sana lahat ng babae ay maging masaya ang lovelife. Sana, walang babaeng heart-broken, kasi, tayong mga lalake, we're meant to pursue them and it's okay if we fail from time to time. It's the way nature intended it. Gaya ng isang leon sa usa o pag-ikot ng earth sa paligid ng araw. Mas okay kung tayo na lang ung masasaktan. Ee sila? Isipin mo, nagkakaroon sila ng "dalaw" at nababaliw kada buwan, nabubuntis at nahihirapan ng 9 months, at pinaka matindi sa lahat, kailangan pa nilang panatilihing makinis at walang buhok ang kanilang mga kili-kili. Ano ba namang pasayahin sila at gawing "scar-free" ang kanilang buhay pag-ibig. And if you are with a great gal, do everything to make her happy. Don't ever break her heart. Wag kang magpa-uto sa mga statistics, na nagsasabing, mas marami ang babae sa lalake, kaya okay lang mang-chiks. Ano pa bang gusto mo? Hindi pa ba sapat na minahal ka niya sa kabila ng iyong pagiging engot at kawalan ng Romantic DNA sa katawan? Malaki man ang popolasyon nila sa mundo, napaka-liit ng tsansang makakilala ka ulet ng katulad niya na magtya-tyaga sayo. Tandaan, pansamantala ka mang maakit ng naglalakihang pulang high-heels o maaarteng makintab na sandals, mas masarap pa ring umuwe sa nag-iisang tsinelas ng buhay mo. :)
Ako naman si Jasmine Andreine De la Vega at para sa akin.
Ang mga lalake masyadong tahimik. Oo mapapanis ang laway mo kakasabi sa kanila ng mga bagay na na pulit ulit mong pinapaalala sinasabi nilang gagawin nila pero ang totoo di naman talaga. Yaan mo na may mga pagkakataon pa rin naman na bumabawi sila. Ang mga lalake msyado silang moody di mo alam kung kailan mo sya makakausap ng maayos minsan pag nilalambing mo sila dun pa sila mag susungit nakakaasar di ba?? pero sige yaan mo na ganun nga siguro sila. Yang mga lalakeng yan pag nakikita nila tayong nanunuod ng mga romantic movie at nakikitang umiiyak tayo sasabihan pa tayo ng korny sobrang nakakayamot di ba?? tapos yang mga lalakeng yan minsan mas gusto pa nilang paglaanan ng oras yung mga bagay na panandalian lang naman ang binibigay na saya lalo na yung DOTA! Nawawalan na sila ng oras. Nakakainis di ba?? pero okay lang yan malay mo naman marealize din nila na mas mahalaga ka kesa sa DOTA. Malakas din silang mang asar lahat ng pang aasar gagawin nila minsan nga dumadating pa sa point na titigil lang sila pag nakitang umiiyak ka na. Pero aminin mo after naman nun sobrang lambing nya di ba?? ang cute nyang tignan habang nagsosorry sya. Sawa ka na ba sa pang aasar nya???? okay lang yan malay mo nga naman baka bukas iba na yung inaasar nya. Silang mga lalake ang dahilan kung bakit patuloy tayong nagiging sweet sila yung dahilan kung bakit inspired tayo sa school.kahit na madalas kayo mag away pero at the end of the day magiging okay pa rin naman. Kahit na madalas nilang pinapasakit ang ulo natin isipin mo na lang kung yung boyfriend mo e as in sobrang bait o my god is it okay na tawagin ko ang isang relationship na boring kung ganun?? paminsan minsan mas maganda at exciting pa rin yung may trill ang isang relationship. Mas masarap at kumportable pa ring gamitin ang tsinelas na nakasanayan mo na. :)
AT AKO NAMAN YUNG AUTHOR HAHA! AKO LANG NAMAN ANG MAY PAKAKAS NITO SO ETO NA ANG KWENTO.. HAVE A HAPPY PEROID! WAHO. HAHA :))))
Dilan Kier De Ocampo
Jasmine Andreine De La Vega
Nicholas Suarez
Stephanie Gretch Gutierez
Jiggy Andrew Montemayor
Kent Dominggo
Nikki Villegas
Cyril Gomez
YOU ARE READING
WHAT IF??
Teen FictionWHAT IF YUNG TAONG KINAIINISAN MO AY MAY MALAKING PARTE SA BUHAY MO? PAANO NA??