JASMINE'S POV
umiiyak na ko hanggang pagpasok ko sa school di ko matanggap ang sinabi ni daddy sa akin. Lahat na lamang ng gusto nito sinusunod ko pero yung sinasabi nya ngayon di ko matanggap. Pati ang paglipat sa school na to at ang paglayo kay dave ginawa ko para kay daddy.
Habang umiiyak ako may lumapit sa akin nagulat ako kaya nasampal ko sya. Napakagwapo nya napakakinis ng muka at sobrang fresh ng itsura nya. Tapos kaklase ko pa pala sya kaya mas lalo akong kinabahan ng makita ko sya muka kasing galit ito ng makita ako.
Para makabawi ako sa ginawa ko pumayag akong maging slave nya. Nakakainis lang kasi sobrang angas ng dating nya.
“hi jasmine. Im kent”
“hi”
“korean ka ba? Lagi kang nakabow”
“nope nakasanayan ko lang”
“ah I see. So close kayo ni dilan nakita ko magkasama kayo kanina”
“mahabang kwento ih”
habang nag uusap si kent at jasmine bigla namang dating ni dilan.
“kent busy ka ba samahan mo ko sa mall may bibilhin lang ako”
“kay jiggy boy ka na magpasama dilan may lakad kami ni babylove ko”
“hay nakakainis! nagpa alam nga si jigs may lakad daw sya kasama yung tart nya hay nako ako na nga lang!”
“eto oh si jasmine baka pwede ka nyang samahan”
nangiti si dilan sa ideang iyon ni kent bigla nyang naalala na pumayag nga pala si jasmine na maging slave nya.
“ahm miss dela vega tara na?” at kumindat ito
“sige”
di maipaliwanag ang reaksyon ni kent sa eksenang iyon. Binibiro lang nya si jasmine na samahan si dilan hmm oo nga gwapo si dilan maraming patay na patay dito pero kakakilala pa lang nila sumama na agad si jasmine kay dilan. Masyado syang nagugulantang sa nangyayari dumagdag pa ng makita nya si steph na may kasamang ibang lalaki.
“anu bang bibilhin mo dito?”
“basta”
“nagugutom na ko kakain muna ako. sa food court na lang kita iintayin”
“sige”
kumain si jasmine sa may foodcourt at doon nya inantay si dilan na makabalik. Ng bumalik ito nakita nya na ang daming bulaklak na dala nito at may teddy bear pa
“valentines ba??”
“wag ka ngang makialam”
habang kumakain si jasmine nasa harap nya si dilan habang inaantay syang matapos.
“sige tagalan mo pa”
“eto na tapos na”
“para kanino yan?? sa girlfriend mo??”
“hindi”
“e para kanino sa nililigawan mo??”
“hindi rin,”
“e anu yan trip mo lang??”
“bakit ba ang daldal mo??”
“hmp sungit sorry.jan ka na nga muna mag cc.r lang ako”
habang iniintay ni dilan si jasmine. Napatigil ito nakita nya si steph may kasamang lalaki mukang masaya ito at magkaholding hands sila. At mas nagulat ito ng bigla na lamang hinalikan nung lalaki si steph.
“dilan tara na im done”
“sayo na to”
“ha?”
“kunin mo na”
“topak ka din no bakit sakin mo binibigay to??”
“uuwi na ko magcommute ka na lang”
“ha???? sinama sama mo ko dito tapos iiwan mo ko???”
“jan ka na”
JASMINE'S POV
iniwan ako ni dilan habang hawak hawak ko yung bulaklak at teddy bear na binigay nya. Yung lalaking yun bakit kaya sakin nya binigay to?? alam ko namang di para sakin to. Anung trip nya??
tinext ko yung driver namin nagpasundo ako di ako marunong magbyahe ih baka kung san ako pulutin pag nagtangka akong magcommute.
“wow san galing ang flowers at teddy bear??” sabi ni nikki pinsan ko
“ssh wag kang maingay jan sina daddy anjan na??”
“ah si tito nasa taas na si tita wala pa”
“dun na tayo sa kwarto baka makita pa ko ni daddy na may ganito”
kakasabi ko pa na baka makita kami ni daddy bigla na lamang itong nagsalita habang pababa ng hagdan
“jasmine andreine san ka galing bat ngayon ka lang at kanino galing yan??”
“daddy. May project po kasi”
“project???? first day of school???”
“e dy maaga po kasi ih kahit ako nagulat.”
“yang dala mo san galing yan????”
“kay ate nikki to dad!”
napakunot nuo si ate niki nagulat ito sa sinabi ko. Pero ngumiti ito at nagsalita
“ah oo tito sakin to pinabitbit ko lang muna kay andreine kasi naman gusto daw nya magkaganito”
“kung may manliligaw ka nikki dalhin mo sa bahay wag kung saan saan ka magpapaligaw at ikaw jasmine yung pinag usapan natin sunday na yon”
pumasok na kami sa kwarto ko ni ate nikki, sunday na pala yung sinasabi ni daddy gusto kong umiyak ng malakas bakit kelangan pang ganun?? bakit kelangan sya din ang magplano sa mga bagay na dapat ako ang nagdedesisyon.
YOU ARE READING
WHAT IF??
Teen FictionWHAT IF YUNG TAONG KINAIINISAN MO AY MAY MALAKING PARTE SA BUHAY MO? PAANO NA??