Deng Rei Xiu
Ang nakalagay sa libro ay matatagpuan namin ang unang susi sa sementeryo? What?! Luh? Sementeryo? May sementeryo dito?
May sementeryo dito? Tanong ko sa kanila habang nandito kami sa Garden ng Themis.
Nah yeah, mate! Sagot sa akin ni Ace at kumunot naman ang noo ko.
Heh? What Nah yeah? Tanong ko sa kanya, at mukang si Ace lang ang kausap ko dito dahil abala ang iba.
Nah Yeah, means yes. Yeah nah, means no. Get it mate? Sabat ni Brent at napatango tango naman ako.
So you mean yes? Tanong ko kay Ace at sabay silang tumango ni Brent.
Hooroo, mates! Pagpapa alam ni Brent, at tumayo na saka umalis. Sa tingin ko ay papatay na naman sya. Hell.
After Fifteen minutes daw babalik sya kasi gusto nyang sumama. Anunsyo ni Kristine at hindi ko sya pinansin at binasa ang nakasulat sa libro.
Ang nakalagay dito ay nasa sementeryo ang unang susi, at kailangan naming hanapin kung kaninong grave iyon.
May larawan dito na nakalagay na sa tingin ko ay isang santo. Sa tingin ko ay si St. Jude ito.
Sa ilalim nito ay may nakalagay na mga numero at letra.
1/5 Apple, + 3/5 Mango, + 2/4 Dame.
Iyan ang nakasulat sa libro. Grabe naman ang nag sulat nito! Iyong mga salita lang sa isang pahina? Heh!
Sa pangatlong pahina naman ay may nakasulat dito na ang pangalawang susi ay nasa SSG Room, at ito ang mga nakasulat na salita.
Evil, Stun, Ton, Straw, Board, Mood.
Iyan ang nakasulat dito at hindi ko alam kung may ibig sabihin ba ang mga ito. Malalaman namin mamaya iyon!
Ang pangatlong susi naman ay matatagpuan sa portrait gallery. Heh?! May ganun sila dito?! Jeez! Ang dami daming portrait doon!
There's only one real ancient portrait. Sabi dito sa libro at may mga nakasulat na salita dito na sa tingin ko ay ito ang mga pangalan nung portrait kaya hindi na kami mahihirapan sa pag hahanap.
The Warlock, XIII Century.
The Executioner, XVII Century.
The Marquis, XVIII Century.Hindi ako masyadong pamilya sa mga ganito, pero sana ay mahanap namin.
Ito na lang ang pag asang nakikita ko, upang makaligtas kami.
Ang ika apat na susi naman ay nasa Clock Room, kung saan iyon ang pinaka ayaw ko. Tuwing makikita ko ang mga orasan ay naiisip ko na habang tumatakbo ang oras ay tumatanda ang mga taong nasa paligid ko, samantalang ako ay hindi.
1500 + 20 = 1600 - 40
Luh? Anong gagawin namin dyan? Nakakairita naman palang mag hanap ng susi!
Ang panghuling susi naman ay nasa Library sa globo.
Erica Lives in Washington. Tina lives in Buenos Aires. Where did my great grandfather Mark lives?
Wow? Ano namang kinalaman ni Erica at Tina sa great grandfather nya?! Nakakasakit ng ulo ito!
Choose wise, once you failed finding all the key, the book will be banished. Pagbabasa ni Ace sa nakasulat sa ibaba ng pahina.
Hmmp! Paano kung hindi tayo nabigo? Tanong ni Eli at inirapan ko naman sya.
Syempre makakapasok tayo sa kubong iyon. Asik ko sa kanya at napakamot naman si Andrew sa kanyang ulo.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasiaCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...