Prologue

30 3 2
                                    

Wait for my update guys. Madalang lang to

Zarene's point of view



"Missy, tulungan mo na kasi ako, kailangan ko ng tulong ng isang magandang tulad mo. Sige na," napairap naman ako ng muli kong marinig ang nakakairitang boses ng nilalang na to, wala bang kapaguran to? Kanina niya pa ako sinusundan mula sementeryo hanggang dito sa trabaho ko, hindi ba talaga ako tatantanan nito? Jusko.




"Tigilan mo ko, wala akong panahon para makipaglokohan sayo. Umuwi ka na nga," pagtataboy ko sa kaniya pero hindi pa rin siya nakinig. Patuloy lang siya sa pagsunod hanggang sa makasakay ako sa elevator.

Agad kong sinarado yon pero nakapasok pa din siya, oo nga pala nakalimutan ko. Kaluluwa lang pala siya




Flashback




["Zarene!!! Saan ka na ba? Late ka na"] pambungad ng kaklase ko pagkasagot ko sa tawag niya, late? Eh wala nga akong pinasukan ngayong araw.




"Hindi ako papasok, 'di pa ba halata?" asar na tanong ko habang naglalakad dito sa sementeryo.


First death anniversary niya 'to kaya napagpasyahan ko kagabi pa na hindi ako papasok, hindi ko alam na ngayon lang napansin ni Misha na wala ako sa klase buong araw. Mag a alas kwatro na kaya ng hapon.




["Ha? Ganon ba? Sige sige, sorry ah? Akala ko kasi-"] hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at binabaan nalang. Hindi yon matatapos sa pagsasalita hanggang sa hindi niya ma kwekwento ang buong ganap habang wala ako sa school.




Naiiling nalang ako habang naglalakad ng magkusang tumigil ang mga paa ko sa isang puntod, napatitig ako ng sandali sa picture na nakalagay don at dahan dahang lumuhod. Pinunasan ko muna ang lapida ng taong nag alaga sakin.



Laurensia D. Ilacad
Born on September 15, 1953
Died September 17, 2015



"It's been one year lola. Isang taon na mag isa nalang ako," kusang tumulo ang mga luha ko. Nag sipatakan sa malamig niyang lapida.




Akalain mo yun? Nagawa kong mabuhay ng isang taong wala siya sa tabi ko, nagawa kong itaguyod ang sarili ko kahit walang tumutulong sakin. Wala akong magulang, hindi ko sila kilala. Wala akong alam kung nasan sila, hindi ko na sila hinanap dahil sapat na ang pagmamahal at pag aarugang natatanggap ko kay lola Lesha. Pero wala na siya, pati siya iniwan na ako, iniwan akong mag isa.



"Alam mo, ang drama mo-"




"Ay palakang mukhang ibon! Sino ka?" masama kong tinignan ang lalaking naka maong at white shirt lang.



"Ah I'm Lester by the way hehe. You are?" nakangiting bati niya saka inabot sakin ang kamay niya. Tinignan ko lang yon at saka humarap ulit sa harap ng puntod ni lola Lesha "Zarene," mahinang sabi ko lang at hindi na siya ulit tinignan.



Naramdaman kong umupo siya sa bandang kaliwa ko pero hindi ko na nilingon, abala ako sa pagkausap kay lola kahit alam kong hindi naman na niya ako masasagot alam ko namang nadidinig niya ako.




"Nakita ko siya kanina, may kasamang bata eh hawak niya sa kamay," nagulat ako sa biglang pagsasalita ng lalaki sa side ko. Ano daw? Nakita niya? Sino?



"Sino?" takang tanong ko saka siya binalingan ng tingin. Kunot na kunot ang noo ko dahil sa kuryosidad na dumadaloy sa utak ko.



"Siya," nangilabot ako ng bigla niyang tinuro ang picture ni lola Lesha.

Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan, dahil don, tumayo ako agad at saka siya sinamaan ng tingin. May sayad ata tong lalaking to. Hindi niya ba alam na kaya may lapida diyan sa parteng yan at nandon ang picture ng lola ko ay dahil patay na ito. She's resting six feet under the ground so pano niya makikita ang taong patay na? Unless, may third eye siya? What the hell?



"Wala akong third eye, wag ka ngang mag isip ng kung ano ano diyan," napahinga ako ng malamang wala naman pala siyang third eye. Nakakakilabot naman tong lalaking to, bigla biglang sumusulpot tapos ganyan pa yung sasabihin. Pero teka "Pano mo nalamang iniisip ko na may third eye ka?" napakunot ulit ang noo dahil sa pagtatanong.


"Cause I can read your mind, I can teleport, I can see ghost, I can penetrate through walls, doors, name it," pagpapaliwanag niya na. Tinitigan ko muna siya at ilang minuto pa, humagalpak na ako sa kakatawa.



"What? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" inosenteng tanong niya. Umiling lang ako at humirit pa ng isang malakas na tawa bago huminga ng malalim. Grabe, nakakatawa yung joke na yon.



"Nice, but I won't buy that. Sa tingin mo maniniwala ako sayo? HAHAHA!" napahagalpak ulit ako sa kakatawa dahil don. Nahagip naman ng paningin ko ang itchura niya. From his smiling face turn to a serious one, tumikhim lang ako at tumigil na sa kakatawa.



"I'm not joking," seryosong sabi niya habang nakatitig sa mata ko.



"And you think I'll believe you?" seryoso ko ding tanong at nilalabanan ang tinging binibigay niya sakin.



"I don't care, basta nagsasabi ako ng totoo," giit naman niya na nagpatawa ulit sakin.



This guy is funny, on what freaking kind of circus did he came from, Really? "The fudge!" Otomatikong napatigil ako sa pagtawa ng may maramdaman akong malamig na hangin na dumaan sa pisngi ko. Nanlalaki naman ang mata ko habang nakatingin sa palad niyang nasa kabilang pisngi ko lang. Did he, d-did he just-



"Touch me, let's see if you can feel me. Yes you can see me but I'm a ghost Missy."

------
A GHOST to Remember
By simplypinky05
Date started: Aug. 17, 2019
Date posted: Aug. 20, 2019
Date finished:

A GHOST to RememberWhere stories live. Discover now