Chapter 2

14 2 0
                                    

Zarene's point of view

"Ano na nga? Bakit ka umalis don kanina?"


"Ikaw nga may ayaw na nandon ako tapos nung umalis ako tatanungin mo kung bakit? Ang labo mo"


"Ay wow"

Nandito na ako sa bahay at kasalukuyan kong kinakausap si Lester about dun sa scenario niya kanina na lilitaw tas biglang nawala.


Pinatay ko yung tv kaya napaupo siya agad at sinamaan ako ng tingin. Kaya hindi ako sinasagot ng matino dahil nakatutok nalang ang mata sa tv, ano ba naman to. Alam kong walang tv sa langit pero my god!



"Open mo nga! Maganda na yung palabas eh!" utos niya. Ako naman ngayon ang sumama ang tingin sa kaniya

"Sagutin mo muna ako ng maayos" sigaw ko sa kaniya.


"Tss, sinabi ko na nga! Ayaw mong nandon ako diba? Edi umalis nalang ako. Umuwi dito at maghapong nanuod ng tv, ano pa bang sagot ang gusto mong marinig?" taas kilay na sagot niya sakin

"Bakit ganon ang tingin mo kay Lash? Nung pumasok siya akala mo nakakita ka ng katulad mong multo. Sabihin mo nga, kilala mo ba siya?" umiwas siya ng tingin sakin saka bumalik sa pagkakahilata sa sofa


"Hindi ko siya kilala, may naalala lang ako" bored na sagot niya saka pumikit



Huminga nalang ako ng malalim saka binato sa paanan niya yung remote, nasagot na niya yung tanong ko kaya tapos na ang diskusyon. Umakyat na ako sa kwarto saka nag ayos, mag aalas syete na at may trabaho pa ako ng 8.


Naligo ulit ako saka nagpalit ng black na slacks saka white na polo shirt at nagsuot ng white na rubber shoes, inipit ko ang kalahati ng buhok ko saka nagligpit ng gamit. Kinuha ko ang shoulder bag na lagi kong dala sa trabaho at bumaba na


Nadatnan ko ulit sa sala si Lester na nakahiga sa sofa at nakapikit ang mata. Hindi ko na siya pinansin at dumiretsyo sa kusina, uminom lang ako ng gatas saka umalis ulit. Nadaanan ko si Lester, malapit na ako sa pintuan ng bumalik ako sa pwesto niya

"Wag kang susunod sa trabaho ko, dito ka lang. Bantayan mo tong bahay" pagkausap ko sa kaniya. Hindi siya kumibo kaya lumabas na ako. Ako pa lokohin niya, gising yon dahil alam kong hindi natutulog ang multo!

Pagkadating ko ng mall ay pumasok ako agad sa elevator, akala ko may susunod na multo sakin sa loob katulad ng unang pagkikita at pagsunod niya sakin dito pero wala. Lumabas ako sa second floor at pumasok sa isang milktea parlor. I love milktea. Dito ako nagtatrabaho

Hapon na- gabi na pala kaya konti nalang ang bumibili. Pero kung may magandang palabas sa sinehan kahit madaling araw madami pa ding bumibili.

"Ang aga mo naman Za! Mamaya pang 8 ang shift mo ah? 7:30 palang" bungad ng kasamahan ko sa counter, ngumiti lang ako saka dumiretsyo sa locker room namin. Nilagay ko don ang gamit ko saka kinuha ang apron at cap na uniform namin.


Lumabas ako at tumulong na kila Pia. "Anong nakain mo? Ang bait mo ata ngayon" natatawang sabi niya. Hindi ko siya sinagot. Maya maya pa ay may nahulog na tissue sa side ko kaya yumuko ako at pinulot yon, sakto namang nadinig kong may bumibili. Nakita kong wala sa ayos ang mga supot sa ilalim kaya inayos ko muna


"Zarene, ikaw muna. Na iihi na ako" bulong ni Pia sakin saka nagmadaling naglakad paalis. Wala naman akong nagawa kaya tumayo ako't hinarap ang costumer. Napataas naman ang kilay ko ng makita kung sino yon


A GHOST to RememberWhere stories live. Discover now