Chapter 3

14 1 0
                                    

Zarene's point of view




Tahimik lang akong nanunuod ng tv, wala yung pasaway na multo. Hindi ko alam kung saan siya pumunta, hindi naman niya kailangan magpaalam sakin kaya bahala siya kung san siya mapadpad. Mas mabuti na yon para lubayan na niya ako, pasaway na, matigas ang ulo, at hindi nakikinig. Hayst...



"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" muntik ko ng maihagis ang hawak kong mr. chips ng may nagsalita sa likuran ko, nilingon ko siya at saka tinapunan ng masamang tingin. Yun lang naman ang pwedeng kong itapon sa kaniya dahil kung sakaling tatapunan ko siya ng bagay ay sasayangin at sisirain ko lang yon. Panigurado namang hindi yon tatama sa kaniya

Binalik ko ang tingin ko sa tv at hinayaang tumabi sakin si Lester, ganito na ata ang nakakasanayan ko. Mambibwisit siya at pag alam niyang mainit na ang ulo ko ay aalis siya at bigla bigla nalang lilitaw kung saan. Pangatlong linggo na ngayon at wala akong pasok sa trabaho, ngayon lang ang pahinga ko pero pinagod ako sa kakadada kaninang umaga nitong makulit na multo


Sinabihan ko ng wag na siyang makialam sa kusina, kaya ko namang magluto para sa sarili ko pero dahil likas na pasaway at walang sinusunod o pinapakinggang tao ang nilalang na to ay ilang pagkain ko ang nasayang. Ilang itlog ang nabasag, ilang noodles ang nasira at ilang delata ang natatapon.

Hindi ako nakapagtimpi kanina ng makitang mga isda, karne at gulay na ang hawak niya kayat kahit alam kong katangahan ay hinabol ko siya ng kutsilyo at pinagbantaang papatayin siya. Naghabulan kami sa buong bahay at dahil likas na mapaglaro ay bigla siyang maglalaho at biglang lilitaw sa kung saan kayat inis na inis ako kanina. Mabuti nalang at naibsan na ngayon dahil nakapagpahinga na ako


"Wala ka bang balak mamasyal?" biglang tanong ng katabi kong hindi mawari kung ano ang kaniyang uri.




Wala akong balak na sagutin siya pero napaisip din ako, kailan ba ng huli akong lumabas ng hindi sa school o sa trabaho ang punta? Kailan nga ba ako nagliwaliw? Saka ko lang napagtanto na hindi ko pa yon nagagawa, kahit ng nabubuhay pa si Lola Lesha. Wala akong hilig sa paglalakwatsa, mas pipiliin kong mahiga sa kama at buong araw na magbasa ng libro.

Para sa akin kasi, ang pag gala gala o paglalakwatsa ay isang aktibidad na may pagsasayang ng oras, pera at pawis. Oras, dahil imbes na gawin ang mga homeworks ay iba ang inaatupag mo sa labas, pera dahil kung saan saan ka pwedeng pumunta at makakita ng kung ano ano pagpapaganda sa katawan, at pawis. Yung ang pinakaayaw kong masayang, tubig na iniinom ko ang pawis na lumalabas sa aking katawan. Para san pa't umiinom ako ng tubig kung pagpapawisan lang naman pala ako dahil sa mga walang ka kwentakwentang paglalakad sa mall o sa anumang park.

"Ang haba naman ng naisip mo, nagtanong lang ako may kakaiba ka ng naisip. Ano yon? Activity mo sa school para gawan mo ng conclusion. Subukan mo kasing maki socialize sa mga kaklase mo para hindi ganyan ang maging pananaw mo sa buhay. Hindi lahat ng bagay umiikot sa pagaaral at pag tatrabaho" iiling iling na sabi ng katabi ko. Nilingon ko siya at nakitang naka pokus ang paningin sa tv.


Hindi ko maisip kung saan niya ba nakukuha ang mga sinasabi niya. May naaalala ba siyang karanasan niya noon sa mga ganong bagay? Saka, out of nowhere yun. Mag iisip siya ng ganong bagay?

"Mag kwento ka nga. Nagawa mo na ba ang mga ganong bagay?" tanong ko ng nakatingin pa din sa kaniya


"Ang alin? Ang dami kong ginagawa, baka iba ang maisagot ko sayo" nakakalokong ngumiti siya saka ako binalingan ng tingin.


Napa irap ako dahil don, kakaiba siyang mag isip. Nakalimutan niyang baunin ang utak niya pagkalabas niya ng kaluluwa niya sa kabaong

"Wala ka talagang kwentang kausap" ani ko at saka inalis na sa kaniya ang paningin ko, wala akong mapapalang matinong sagot sa kaniya.

A GHOST to RememberWhere stories live. Discover now