Madilim at maalikabok. Ito ang parating pinupuntahan ko upang makahanap ng mga lumang libro na binibigyan ko ng bagong buhay. Mga lumang libro na binubuhay kong muli mula sa kanilang pagkakalugmok sa pagkalimot. Mga unang lathala mula sa mga sikat na manunulat. Mga tagong libro noon na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga nangongolekta, gaya ng unang version ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal at Ninay, Doña Perfecta at Sampaguita ni Pedro Paterno. Mga tula nila Grogoria De Jesus at orihinal na piyesa ni Francisco Balagtas ang siyang mahirap hanapin.
Sa dulo ng lumang estante ng mga libro ako napadpad. Dito ako hinila ng aking mga paa. Kung saan mas maalikabot ay doon ako pumupunta. Ang ibig sabihin lamang ay narito ang mga nakalimutan ng libro. Narito ang mga pakay ko.
Nasa isang bayan ako sa Capiz at nakakatuwang isipin na mayroong aklatan ang maliit na bayan dito. Akala ko ay sa library ako ituturo ng mga taga nayon nang ako ay magtanong, ngunit dito nila ako dinala. Pag-aari raw ito ng isang matandang dalaga na dating librarian. Matutuwa raw ang matanda kung ako ay bibisita. At gaya nga ng sabi nila, buong galak akong pinapasok ng matanda sa kanyang aklatan upang maningin ng mga libro na nais kong bihisan. Isa akong taga-gawa ng libro. Mayroon akong maliit na imprenta sa Maynila ngunit ang pinaka-espesyal sa akin ay ang mga lumang libro na nabibigyan ko ng bagong buhay.
Sa pinakaitaas ng estante ko nakita ang isang libro na naagnas na ang balat. Kulay kape na ang bawat pahina nito. Hindi ko man maaninag ng husto ang nilalaman ay tiyak kong kasing luma ito ng simbahan dito sa nayon. At parang na-love at first sight ako sa libro. 'Eto na iyon. 'Eto na ang librong hinahanap ko. Nagmamadali akong bumalik sa harapan ng tindahan. Nakangiti ang matanda ng makita akong may hawak na libro.
"Magkano po?" tanong ko sa matanda at itinaas ang librong kasing bigat ng lumang encyclopedia. Sa sikat ng ilaw na galing sa labas, naaninag ko ang gula-gulanit na cover ng libro. Hindi ko mawari kung ano ang kulay ng lumang cover nito. Itim ba o maroon? O baka naman dark green?
"Saan mo nakuha iyan? Sigurado ka bang iyang ang gusto mong bilin?" nagtatakang tanong ng matanda sa akin.
"Opo, sigurado po ako," pinunasan ko ng bahagya ang cover ng libro upang makita ang pamagat ngunit walang nakasulat. Pasimple kong binuklat ang mga pahina nito. Hindi ko maaninag ang mga nakasulat.
"Saan mo nga iyan nakuha?"
"Sa dulong estante po,"
Napatingin ang matanda sa pinanggalingan ko kanina. Nagmamadali siyang pumunta sa dulong estante at nakarinig ako ng pagsarado ng pintuan. May pintuan pala doon.
"Pumasok ka ba sa pintuan?" tanong ng matanda pagbalik.
"Ay, hindi po. Doon lang po ako sa dulong estante." Pag-uulit ko. "Hindi po ako pumasok sa pintuan."
Parang nakahinga nang maluwag ang matanda at saka ngumiti. "Bueno, ibibigay ko na lamang sa iyo ang libro na iyan. Tutal ay mukhang hindi mo naman pakikinabangan. Kung bakit iyan ang kinuha mo ay hindi ko alam."
Dahil kung minsan ay nakakalimutan ng mga tao ang mga naghihintay na mabalikan.
"Kailangan lang po ng libro na ito ng pagmamahal." Sagot ko. Pinunasan ng matanda ang libro ng basing basahan. Pinakatitigan niya ito at mukhang nagdadalawang isip na ibigay sa akin.
"Babayaran ko na lamang po,"
"Ay hindi ineng. Hinahanap ko lamang ang pamagat ng libro. Wala kasing nakasulat." Sagot ng matanda. Sa huli ay inilagay niya sa plastic ang libro at binigay sa akin.
"Salamat po,"
"Mag-iingat ka." Wika niya.
Sa hotel na tinutuluyan ko ay maingat na ibinaba ko ang lumang libro. Pinunasan ko ito nang buong ingat. Iniingatan kong hindi mabasa ang mga pahina. Halos natatanggal na pala ang front cover ng libro. Ang mga sinulid na nagdudugtong sa mga pahina ay mahina na at kailangan ng palitan. Ang mga gilid ng pahina ay hindi na pantay-pantay at ang ilan sa mga ito ay mga punit na rin dala marahil ng kalumaan. Maingat kong dinama ang bawat kanto ng libro. Ang mga daliri ko ay marahang pinaglandas sa mga sugat ng libro habang nakapikit ang aking mga mata. Unti-unti kong dinadama ang bawat sugat at pilat na nakaukit sa libro. Parang ang lungkot niya. Ano kaya ang kwento nito?
Biglang lumamig ang paligid kung kaya tinaasan ko ang temperature ng aircon. Naiwan sa kama ang libro na hindi ko alam kung bakit bigla akong na-attach. Iiwan ko ba o isasama ko sa labas? Kakain lang naman ako. Hindi naman siguro mawawala ang libro dito sa kwarto.
Bandang huli ay nanaig ang gutom ko at iniwan ang libro upang kumain sa labas. Bigla ay nawalan ako ng ganang maglibot. Ang nais ko ngayon ay umuwi ng Maynila at gamutin ang libro na iyon. Kung ano man ang pamagat niya ay tiyak na malalaman ko rin.
******************
Nakahiga ako sa madilim na kulungan ko at gaya ng dati ay naghihintay na lamang ako ng isang himala. Himala kung kailan ako mawawala nang tuluyan. Himala na mahigit limang daang taon ko ng hinihintay. Hindi ko na ala mang pinagkaiba ng umaga at gabi. Ang paligid ko ay madilim at nalalanghap ko ang alikabok, nararamdaman ko ang ginaw ng paligid. Ang tanikala na nakagapos sa aking mga paa ang siyang humihila sa akin pabalit sa aking kulungan.
"Kailan ito magwawakas?" mahinang wika ko sa kawalan habang nakahiga at nakadipa ang kamay ko na parang humihiling ng aking katapusan. Mahigpit ang mga taga bantay. Ilang beses na akong napasakamay ng ibang tao ngunit nababawi nila ako. Unti-unti ay nililipon ko ang aking lakas noon. Noong mga panahong hindi pa naniniwala sa iisang Diyos ang mga tao. Noong kaya ko pang bumulong sa kanila at hikayatin silang magsulat sa aking pahina. Ang kanilang pignati ang siyang nagbibigay sa akin ng lakas hanggang sa bigla silang nawala at ako ay unti-unting nanghina.
Sa kadiliman ng paligid ay narinig ko siya at naramdaman ko ang bawat haplos ng kanyang daliri sa akin. Napapikit ako at dinama ang mainit niyang daliri na naglalaro sa bawat sugat ng aking kulungan. Nalalanghap ko siya, ang kakaibang amoy ng bulaklak na ngayon ko lamang naamoy. Napapikit muli ako habang dinadama ko ang pagdampi ng basahan sa aking likuran. Ang malamig na hangin ay nahahaluan ang init ng kanyang kamay. At sa loob ng mahabang panahon ay nakarinig muli ako ng ibang boses maliban sa tagabantay.
"Ano ang iyong kwento?" tanong ng babae.
"Marami," mahinang sagot ko.
"Bakit ka pinabayaan?" tanong niyang muli na para bang naririnig niya ako.
Ang kanyang mga daliri ay muling naglandas sa bawat sulok na kanyang marating. Nakapikit akong dinadama ang init na kanyang dinadaanan. Ang puso ko ay mabilis na tumibok. Bagay na hindi kona inaasahan pang mararamdaman pa. At muli ay umusbong ang pag-asa ko na makalaya mula rito.
"Huwag kang mag-alala, aalagaan kita." Wika ng babae. Mapakla akong napangiti. Narinig ko na iyan. Mula sa aking dating kasintahan hanggang sa mga taong humawak sa akin. Narinig ko na iyang pangako na iyan. Ngunit sa huli ay ang kasakiman pa rin ang siyang nananaig.
"Bibihisan muli kita,"
"Isa kang hangal kung ganoon," muling sagot ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig.
"Good night."
Naramdaman kong muli ang init ng babae kanina ngunit ngayon ay hindi na nawala. Nilukob ako ng init sa unang pagkakataon. Nakahiga ako ng hindi nilalamig sa unang pagkakataon sa loob ng limang daang taon.
BINABASA MO ANG
The Book Maker
FantasyIsa akong manggagaway na nakakulong sa isang libro. Isang kaparusahan na hindi ko dapat sinapit ngunit ipinataw sa akin. Hindi ko sukat akalain na ang tanging babae na aking iniibig ang siyang maglalagay sa akin sa kapahamakan. Kapalit ng kanyang ka...