Kabanata 12

2.5K 202 27
                                    

Hindi agad kumibo ang Lakandula. Sumobra na yata ako. Bakit parang sinisisi ko siya samantalang limang daang taon ang nagdaan na. Marami nang namuno. Marami ang dapat sumagip sa amin... ngunit walang dumating. Kaya kapit sa patalim lahat. Matira ang matibay. Gumapang ka hanggang sa makawala sa rat race na tinatawag nilang buhay Tondo.

"Hindi ko nais na mangyari iyon. Alam ng Bathala na hindi ko ninais na..." hindi niya tinapos ang kanyang paliwanag. Tumayo siya ng tuwid at tiningnan ako ng nagbabaga niyang mga mata. "Isa kang musmos sa kaalaman na kung magsalita sa isang maharlika ay ganoon na lamang,"

"Nasaan ang kaharian mo? Isang maharlika na walang trono. Pinamigay mo ng walang laban,"

"Hindi ko pinamigay." Sigaw niya. "Hindi ko kailan man pinamigay ang Tondo."

"E ano ang nangyari? Pinahiram mo ng walang bawian?"

"Hindi ako ang Lakandula na inilimbag sa kasaysayan. Ako ang Lakandula na nakulong sa libro. Intindihin mo ang pagkakaiba. Huwag kang mangmang." Sumabog ang galit ni Lakandula sa akin. "Kung wala ako sa libro na iyan, iba ang isusulat ninyo sa kasaysayan. Akala mo ba ay hindi ako nahihiya sa mga nangyari? Ngalan ko ang nadungisan. Kaharian ko ang nawala. Dangal ko ang niyurakan. Kaya huwag mong isumbat sa akin ang paghihirap mo ng ilang taon dahil kalahating siglo na akong naghihirap sa loob ng libro. Ikaw ay may nagawa at nabago mo ang buhay mo ngunit ako ay kailangang maghintay hanggang sa mapuno ang libro at tuluyan akong makawala. Kaya huwag kang mapagmataas na akala mo ay ikaw lamang ang may kahirapang dinanas."

Nahihiya akong nagbawi ng tingin. Tama siya, mayabang ako. Ipinagmamalaki ko na nakawala ako sa uri ng buhay kung saan ako isinilang. Lubos kong ipinagmalaki ang kakaunti kong narating at hindi na lumingon kung saan ako nanggaling.

"Sunugin moa ng libro kung iyon ang iyong nais ngunit huwag ka ng magsusulat muli roon."

Napatingin akong muli kay Lakandula. Nagsumiksik sa alaala ko ang sinabi ni Carol. Hanapin ko ang mga salitang isinulat ko. Kaya ang aking mata ay naglakbay mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang leeg at dibdib. Natatakpan ng dilim ang halos buong katawan niya at tanging dibdib at mukha ang aking nakikita. Sa pagitan ng bawat simbolo ng baybayin nakasulat ang isang talata ng tulang Kalupi ng Puso.

"Tandaan mo ang aking bilin. Hindi ko nais na magsulat ka sa aking kulungan. Huwag moa kong kutyain ng magaganda mong salita na hindi naman galing mula sa iyo." Tumalikod ang Lakandula sa akin at nawala sa kadiliman.

Umaga na ng magmulat ako ng aking mata. Galit na galit ako sa libro o sa taong nakakulong sa libro. Sa galit ko ay kumuha ako ng unan at ipinalo sa kanya.

"Wala kang kwentang kausap. Bigla kang nawawala." At dahil galit ako, hindi ko nais na magtrabaho. Ang nais ko ay magpinta at iguhit ang dapat ay mga sana.

*************

Makinig kaya siya sa akin? Sunin niya kaya ako? Ikakamatay niya kapag napuno niya ang libro.

Malakas ng musika ang naririnig ko mula sa ibaba ng tahanan. Hindi ako isinama ni marikit pababa sa unang baiting. Hinampas pa nga ako ng unan kanina ng magising siya— bagay na ikinatawa ko.

Paulit-ulit ang mabilis na pag-awit sa awiting kinakanta ni Marikit noong isang gabi. Hari ng Tondo. Paulit-ulit na nanunuya ang umaawit at sa paulit-ulit na pagbigkas niya ay nasaulo ko ang bawat salita. Isang alamat, isang kwento na nagmula sa dating tinitingala. Naging pugad na ba talaga ng masama ang dating marangyang bayan?

'Isang maling akala, na ang taliwas kung minsan ay tama.'

Hindi ako nag-isip noon. Naakit ako sa panlabas na anyo ni Udaya kahit inamin ni Alon sa akin na nagpapalipad hangin sa kanya ang dalaga. Isinantabi ko ang sinabi ng matalik kong kaibigan. Ano ba ang kayang gagawin ng isang taga-lathala ng kabilang bayan sa isang makapangyarihang pinuno at manggagaway? Ako ang pipiliin nito.

"Pag-isipan mo, Bunao," wika ni Alon. "Ikaw ay nakatakdang ikasal kay Mutya. Mali na talikuran mo siya nang dahil lamang sa tawag ng laman."

"Kaibigan, kung minsan ay ang taliwas pa ang siyang tama," sagot ko kay Alon.

Nakukulili ang tainga ko sa kanta. Alam ko na, Marikit. Naiintindihan ko na kung sino si Asyong Salonga. Itigil mo na ang panunumbat mo.

Pinili kong lumabas ng libro at hamunin ang tanikala. Hanggang saan ako aabot ngayon gayong nakapagsulat si Marikit sa pahina? Muli kong inalis ang sapin ng higaan at itinapis sa aking baywang. Marahan akong humakbang palaban ng silid. Mas maingay sa labas at mas lalong lumalakas ang awitin habang pababa ako ng hagdanan. Nakatalikod sa akin si marikit at nagpipinta. Napatigil ako sa ibabang baiting ng makita ng malinaw ang kanyang ipininta. Ako. Alam kong ako kahit nakatalikod ang tao sa larawan. Mayroong baybayin na nakasulat sa likuran ng katawan at sumisigaw ako habang papalapit ang isang dayuhan na mas malaki sa akin at may hawak na espada. Nakatapak ako sa bundok ng katawan ng mga dayuhan na napaslang.

"Ganyan dapat ang mangyayari kung hindi ako nakulong." Sigaw ko upang marinig niya ako. Nabitawan niya ang kanyang gamit sa pagpinta ng marinig ako. Napatingin siya sa akin na akala mo ay papatay ng tao bago dinampot ang pangpinta at pinatay ang musika.

"Kung kailan kita hindi gustong makita, doon ka lumilitaw." Sabi nito. Hindi ko pinansin ang kamandag ng kanyang pananalita at lumapit ako sa kanyang ipininta.

"Maalam ka,"

Hindi kumibo si Marikit kung kaya lumingon ako sa kanya. Nakatitig siya sa itaas ng aking kanang braso kung saan naroon ang kanyang iginuhit.

"Lumitaw sa balat mo ang iginuhit ko,"wika niya.

"Kaya nga huwag ka ng magsusulat pa sa libro," sagot ko sa kanya.

"Pero,"

"Huwag kang maulit. Isang salita lang ay dapat mo ng maintindihan." Saway ko sa babaeng nanliit ang mga mata at tinawid ang ilang hakbang pagitan namin. Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Narinig kong napasinghap si Marikit at ako naman ay nabigla.

"Patawad," wika niya. "Hindi ko sinasadya."

"Sinasadya mo." Sagot ko sa pinakamalamig na boses. "Wala pang nakakasampal sa akin,"

"E 'di iyan ang una." Pabalang na sagot nito. Doon nagpantig ang tainga ko at hinablot ko ang kanyang leeg upang makita niya ang galit sa aking mukha.

"Hindi ka dapat nananaikit lalo na sa hindi mo kilala."

"Ano ba ang magagawa ng isang tauhan sa libro bukod sa..."

Mapangahas na dila.

Hindi ko binigyan ng pagkakataong makapagsalita si Marikit. Siniil ko siya ng halik. Mapagparusang mga halik na dapat niyang tandaan. Ngunit unti-unting pumikit ang kanyang mga mata. Ang nanlalabang mga kamay ay nawalang ng lakas. At ang kanyang labi na kanina ay nakatikom ay unti-unting gumalaw. Ang mapagparusang halik ay naging malamyo at ngayon ay parang isang tuksong na may isang halinghing kumawala. Tinapos ko ang halik na ako mismo ang nagsimula. Naguguluhan akong inilayo ng bahagya ang kanyang mukha.

"Kanino ka natutong humalik?" tanong ko kay Marikit. At sa hindi ko mawari ay biglang gusto kong kumitil ng buhay ngayong mga oras na ito. Uumpisahan ko sa lalaking nagturo kay Marikit kung paano humalik. Nagmulat ng mga mata si Marikit at naguguluhang tumitig sa akin.

"May mali ba?" tanong niya na lalo kong ikinagalit.

"Lahat," sagot ko sa nagngangalit na mga bagang.

The Book MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon