Chapter Ten

49 6 0
                                    

C H A P T E R

T E N

( Arisa and Eris Love Story )

School.

ARISA

( Point Of View )

Grabe, Nakakapagod na itong project na toh'! .

Gumawa daw kasi kami ng Lantern sariling design at gawa namin. Nakakainis nga eh! Paano kasi 1 week ko nang ginagawa itong Lantern ko, Eh ang hirap namang gawin!

"Arisa, Tignan mo itong project ko..".

Tinignan ko yung gawa ni Eris.

"Wow! Ang cute! Talagang may drawing na Dream Catcher sa gitna?!".

"Ah, Oo..Haha, Pero ayos lang?".

"Oo, maganda..".

"Eh yung sayo ba nasan na?".

"Eto oh.. Wala pang hubog!".

"Hahaha! Wala ka pang nagagawa, Umm.. gusto mo sayo nalang itong gawa ko?".

"Sus, wag na..pinaghirapan mo yan.. Sayo na iyan..".

"Sige, ku-kwentuhan nalang kita habang gumagawa ka..".

"Ok, mabuti pa iyan..".

"Arisa, Ganyan ka lang ba talaga manamit? Laging naka-t-shirt kung hindi naman naka close neck ka o di kaya 1/4, tapos lagi kang naka-jeans, minsan tokong, o di kaya short tapos lagi kang naka rubber shoes, Para bang napaka-simple mo saka mukhang pangboy-ish yang fashion mo..".

"Eh ganto kasi ang hilig kong fashion eh..".

"Bakit di mo try mag dress at mag high-heels at maglugay ng buhok".

"Hmm, tingin ko malayo mo akong mapaganun!".

"Haha, Mas lalo kitang ma--".

"Ma??? Ano???".

"Wala!".

"Hoooo! Siguro ang sasabihin mo MAGUGUSTUHAN mo ako noh?!".

"Psh, Hindi ah!".

"Oh sya, sya, Gawin na nga natin itong project ko ng mai-pass ko na!".

"Tara..".

Ano kayang sasabihin ni Eris?

Nahihiya tuloy ako sa sinabi ko kanina. Tingin ko naging assuming ako masyado. Hayyy! Magawa na nga itong Lantern!

"Class, Listen muna! Dapat magawa nyo na ang mga Lantern nyo ngayon kasi bukas nyo na iyan paliliparin, At take note class! Makikipag-exchange Lantern kayo, gusto nyo bigay nyo sa friend nyo o di kaya sa mga girlfriend and boyfriend nyo, Basta kayo bahala. Kaylangan exact 8:00 kayo magpapalipad ng Lantern para infinity!".

"Eris! Ayos! Ikaw nalang ang kapalitan ko!".

"Oh sige Arisa!".

Mukhang masaya yun ah!

Siguro ang liwanag bukas ng alas otso dahil sa mga Lanterns na gawa namin! Whoaho! Excited na akoooooo!!!

"Arisa pwedeng pa suggest?".

"Ano naman yun?".

"Pwede ka bang mag dress at mag high heels bukas ng gabi?".

"Uhmmmmmm...".

"Please..".

"Hayyy, Sige na nga!".

"Thanks! ( Sabay hug )".

"Eris, maraming nakatingin..".

"Wala akong pakealam basta masaya ako kapag kayakap ko ang mahalxnxsh kohnmfkxg bahbaehdjsi".

"Hah? Anong sabi mo? Di ko naintindihan ang bandang dulo..".

"Wala.. tumahimik ka nalang, payakap muna..".

Namumula na ata ako. Ikaw ba naman ba yakapin ng gwapong nilalang na ito di ka sumabog sa kilig!

"Oh sige na, Bitaw ka na..".

"Ah, thank you Arisa..".

"Para san naman?".

"Na pumayag kang i-hug kita..".

"Sus no problem!".

"Hahaha, Thanks talaga! Pero promise ah mag de-dress ka bukas!".

"Oo na! Di ka mabibigo dahil susundin ko, Pero masusuklam ka dahil sa itsura ko!".

"Ikaw naman! Binabagsak mo ang sarili mo!".

"Ganun talaga.. Oh siya uuwi na ako, Magkita nalang tayo bukas ng gabi! Bye!".

"Bye, Ingat ka..".

Bakit kaya ganun sa akin si Eris?

Parang napaka sweet nya sa akin. Di kaya may gusto siya sa akin?

Posi (brain) : Oo, may gusto siya sayo!!!

Nega (heart) : Sus, assuming ka naman masyado!!!

Hay, bahala kayong dalawa basta ako kinakabahan na para bukas, Imagine magpapaganda ako sa harap ni Eris, Syempre di naman pwedeng panget ako dapat may effort din akong gawin.

Heartthrobs Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon