Chapter Eight

49 5 0
                                    

C H A P T E R

E I G H T

"Anong sabi mo Keith?".

"Hahaha, Ok i repeat.. I like you..".

"Hah? You mean.. What?".

"I like you because i love you..".

"Hah?!!!".

"Hahaha, Joke lang! Grabe ang bilis mo naman maniwala! Hahaha sorry talaga! Joke lang yun!".

Ayy???

Joke lang???

Ang malas ko talaga..

"Arisa, pero ito totoo.. I like you.. as a friend..".

"Ah,hehe..".

Grr.. Hanggang friend nalang ba talaga ako?!

After the meeting.

"Arisa, Kain tayo sa labas..".

"Kakain tayo sa labas?".

"Yeah.. Ano? gusto mo?".

"Basta hanggang 10:00 pm lang ako".

Actually alas-otso na nang gabi natapos ang meeting kaya may nalalabi pa kaming 2 oras.

Bar.

"Keith, Teka lang.. Bakit dito mo ako dinala?".

Dinala ako ni Keith sa Bar, Na kung saan puro hipuan, inuman at landian ang mga ginagawa ng mga tao dito.

"Dinala kita dito kasi.. Masaya dito!".

"Keith, umalis na tayo dito!".

Natataasan ko na siya ng boses maliban sa nagagalit na ako ay sumasabay pa ang malakas na music sa Bar at mga nakakasilaw na ilaw, Nakakainis! Ang sakit sa mata!

"Uhm, sorry Arisa.. Teka labas muna tayo..".

Labas.

"Bakit mo ba ako dinala dito?!".

"Sorry Arisa.. Akala ko kasi type mo ang lugar na tulad nito.. Sorry talaga..".

"By the way, Sige tinatanggap ko na ang sorry mo.. Basta wag mo na itong uulitin..".

"Oh thanks Arisa, Pasensya na talaga.. Para makabawi ako.. Tara!".

Ang bait talaga ni Keith.

Dinala nya ako sa Restaurant, Kumain kami. Tapos pagkatapos naming kumain naglaro kami sa Timezone tapos binili pa ako ni Keith ng couple necklace na ang nakalagay sa gitna sa akin ay ang left side ng heart at ang na kay Keith ay yung right side.

Umuwi na ako. Grabe ang saya talaga ng araw na ito nakakakilig.

School.

Room.

"Anong klase kang babae?!".

Ano nangyari kay Eris?

Bakit nya ako sinasabihan ng ganun?

Pumasok lang naman ako sa room parang nagalit na kagad sya, Saka kung anu ano ang mga pinagsasabi nya.

"Ayos kalang ba Eris?".

"Ikaw ang dapat na tanungin ko! Bakit gabing gabi na may kasama ka pang lalaki?! Kagabi nakita ko kayo sa mall!".

"Oh bakit ka nagagalit?".

"Hindi ako nagagalit! Naiinis lang ako, Tignan mo may couple necklace ka pa! Bakit kayo na ba nang lalaking nilalandi mo kagabi?!!!".

* Wapak! *

Hindi ko na napigilang sampalin sya, Napaka sakit nyang magsalita. Ano ko ba sya, Tatay, kuya o Boyfriend para pagsabihan nya ako nun!

"Bakit Eris?! Tatay, Kuya o Boyfriend ba kita para pagsabihan mo ako yan!".

"Umm..Arisa..Sorry..".

"Sorry?! Matapos mo akong sabihan ng masasakit na salita, Sorry lang!".

Nagulat ako ng bigla nya akong hinatak at niyakap ng mahigpit.

TAKE NOTE. Kami palang pong dalawa ang nasa Room maaga pa kasi, Saka gampanin ng President at Vise president na pumasok ng maaga.

"Sorry talaga..".

Heartthrobs Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon