Chapter Twenty

33 3 0
                                    

C H A P T E R
T W E N T Y
( Arisa and Brayle Love Story )

ARISA
( Point Of View )

Argh. Ang sama ng timpla ng pakiramdam ko ngayon. Nahihilo ako na ewan. Makapunta na nga sa Clinic, Parang di ko na kakayanin ang hilo.

Clinic.

"Oh sya, Arisa.. Magpahinga ka na dyan..".

"Oh sige po, Doc..".

Umalis muna si Doc, So ako lang mag-isa ngayon sa Clinic. Nagmumuni-muni.

Ayyy!!!

Kasi naman ee !!! Naalala ko pa yung Horror movie na pinanood ko, Yung Conjuring! Naalala ko tuloy dun si Anabelle!!! Uwahhh! Nai-imagine ko na!!! Saka yung Ghost dun sa Evil dead saka sila Maria Leonora Teresa! Uwahhh!!!

( Biglang bumukas ang pinto )

"Uwahhh!!!".

"Ingay.".

Ayy?! Kala ko kung sinong multong nagbukas ng pintuan ng Clinic. Si 1 word lang pala.

Oo nga pala, Si 1 word yung Brayle ang pangalan, Na kung sumagot 1 word lang. May sakit ba ito? Lagi nalang kasi itong nasa Clinic.

Humiga siya sa isang Clinic's bed.

Pagkahiga, Sinabayan nya ng tulala.

"Hoy! Bakit ka nandito?".

"Ewan.".

See?! Walang kwentang kausap.

Makapag-pahinga na nga lang. Mahihilo lang ako ng sobra dito. Tumahimik nalang ako, At natulog.

After 2 hours.

Uwahhh!!!

Nagising na kasi ako! Pagdilat ko kasi nakaupo si Brayle sa upuan na nasa gilid ng kama ko. As in nakatitig sya sa akin!

Sisigaw na sana ako, Nang bigla nyang tinakpan ang bibig ko. Infairness, Ang lambot ng kamay nya!

"Tumahimik ka nalang..".

"Hay, Oo na! Di na ako sisigaw.. Oy! Congrats ah! Naka-3 words kana rin sa wakas! I-beat mo pa yun!".

"Ikaw talaga..".

"Ay.. 2 words nalang..".

"Ah, Oo na! Oo na! Magsasalita na ako ng MARAMI!".

"Wow! Di ko na kayang bilangin, Pero Congrats.. By the way bakit ka nga kasi lagi kang nandito?".

"Wala, Feelong ko kasi lagi akong may sakit..".

"Sakit na ano?".

"Sakit sa Puso..".

"Bakit mo naman nasabi?".

"Sugatan kasi ee..".

"Che! Pinagloloko mo lang ako eh!".

"Hindi nga, Promise.. Totoo yun..".

"Paano mo naman nga kasi nasabi? Na may sakit sa puso?".

"Paano kasi, May babae akong gusto.. Lagi ko siyang nakikita.. Lagi nya akong inaasar at pinagtatawanan, Pero masaya ako kapag ginaganun nya ako.. Di ko lang pinahahalata.. Kaso nabalitaan ko na marami na daw ditong nanliligaw, Kung hindi Famous na lalaki, Mga mayayaman at Heartthrobs talaga ang dating ng mga lalaking nanliligaw dito, Kaya nga nahihiya ako sa sarili ko.. Wala akong maitatapat sa mga nanliligaw sa kanya..".

"Wow talaga! Akala ko sobrang tahimik at weird ka, Madaldal ka rin pala at hindi manhid!".

"Manhid?".

"Uhm, Akala ko kasi di ka nagkakagusto at di ka nakakaramdam ee.. Hehe..".

"Hayyy..".

"Bayaan mo, Tulungan kita sa Girl na yan!".

Madaldal rin pala itong loko.

Simple pero Rock ! \m/

Heartthrobs Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon