"Pak!," isang malutong na sampal ang maririnig mula sa kamay ni Michelle patungo sa pisngi ng kanyang nobyong harap-harapan siyang ginagago. Kasalukuyan silang nasa may parke, 'di naman kalayuan sa mall na pinasyalan ni Mich.
"Ang sama-sama n'yo Jake. Kailan pa 'to? Matagal niyo na ba akong patalikod na ginagago?" may halong pait at galit na wika ni Mich.
"Hey, let me explain".
"Explain? Bakit? Hindi pa ba sapat itong nakikita ko ngayon? Na ang nobyo ko ay kasama ngayon ng bestfriend ko at paniguradong nagda-date", sarkastikong wika ni Michelle at ngumisi pa.
"Sis... Sorry", nakayukong wika ni Shara- ang bestfriend.
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo sis? Kaya bang mapagbago ng sorry mong 'yan ang sitwasyon natin ngayon? Mawawala ba 'yung sakit na idinulot n'yo sa'kin sa isang simpleng sorry lang?" panunumbat ni Mich.
"Mich... Hindi namin intensyong ilihim sa'yo 'yung relasyon namin. Naghahanap lang kami ng tamang panahon para sabihin sa'yo 'to", wika ni Jake na hindi makatingin kay MIchelle.
"Kailan pa yung tamang panahon Jake? Yung panahon ba na kung saan hulog na yung puso ko sa'yo? "yung hindi na kita kayang pakawalan pa? Eh, gago ka pala eh!" wika niya sabay baling kay Shara. "Sha, tinuring na kitang para ko ng kap[atid tapos ito. Ito 'yung igaganti mo sa'kin? Ahas ka!" usal niya sabay pahid sa luha at dali-daling umalis.
Hindi pa man nakakalayo ay huminto saglit si Michelle nang hindi man lang humaharap sa dalawa. "Jake, nakalimutan kong sabihin, break na tayo', wika niya at dahan-dahang humarap na sa dalawa. 'Ngayon naman siguro, masaya na kayo? Malaya na kayong gawin ang lahat ng gugustuhin n'yo nang hindi nagtatago", wika niya ulit sabay ngisi ng mapait.
Huminga ng malalim si Michelle at tumalikod na. Masakit na masakit ang dibdib niya sa natuklasan kani-kanina lang. She really wishes it was only one of her nightmares.
BINABASA MO ANG
My Facebook Love
Teen FictionPagdating sa usapang pag-ibig, walang imposible. Ang mga imposibleng mangyari ay nagiging posible. Sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, hindi hadlang sa kanila ang mga balakid sa buhay. Sa kwentong ito, sa "FACEBOOK" man nagsimula ang lahat...