Tunog ng alarm clock ang siyang pumukaw sa mahimbing na pagkakatulog ni Michelle. Pakapa-kapa niyang hinanap gamit ang kaliwang kamay ang alarm clock na nasa gilid niya na nakapatong sa mesa at agad iyong pinatay habang nakapikit pa ang dalawang mata. Dahan-dahang bumangon siya sa pagkakahiga at kinusot-kusot pa ang mga mata. Nang walang ano-ano'y nabaling ang kanyang paningin sa isang photo frame sa may mesa malapit sa kinalulugaran ng alarm clock niya. Isang litrato na kung saan may tatlong taong nakangiti. Litrato nila ito nina Jake at Shara, kuha pa ito noong last summer. Hindi niya mapigilang sariwain ulit ang pangyayaring hiling niya'y sana'y isa lamang itong masamang panaginip.
( Start of Flashback)
Araw ng Sabado. Bagot na bagot si Michelle sa bahay nila kaya nama'y tinawagan niya ang kaibigan niyang si Shara.
Kring...kring...kring...
"Ah, H-hello sis. Napatawag ka?" ani ng kaibigan.
"Wala lang, masama ba?" si Michelle sabay pout.
"Eh? Hindi naman, haha", sagot ni Shara na napipilitan yatang tumawa.
"Yun naman pala eh. Anyways, ba't ang tagal mong sinagot tawag ko?" pag-uusisa niya sa kaibigan na dume-kwatro pa sa pag-upo sa sofa.
"Ano, ah k-kasi may g-ginagawa lang ako. Tama, may ginagawa nga ako sis. Disturbo ka ah, haha", nauutal na wika sa kabilang boses.
"Ano ba 'yung ginagawa mo? At teka, ba't ganyan ka kung magsalita? Are you okay?" wika niya na may halong pag-aalala.
"W-wala to sis. M-masakit lang lalamunan ko but I'm okay. Oh, ano bang atin at napatawag ka?" ani ni Shara. Her way of escaping the topic.
"Eh kasi, nababagot na ako dito sa bahay, samahan mo akong mamasyal", aya nya sa kaibigan.
"Ha? Ah... Sorry sis pero may gagawin pa ako eh. Sa susunod nalang, promise, treat ko. Sa iba ka nalang kaya magpasama kung gusto mo talagang maglakwatsa".
"Aish...Busy din 'yung iba eh. Si Jake naman may lakad daw siya mamaya", wika ni Michelle at nag pout ulit.
"Aah~ ganun ba? Sige sis, babay na, may gagawin pa ako. See you nalang sa school sa Monday. Love you", wika ni Shara.
"Nagtatampo na ako sayo ha. Parang mas importante pa 'yang gagawin mo kaysa sa akin", ani ni Michelle.
"Baliw ka, hahaha. Sige na bye na, ibababa ko na 'to".
" Haha, joke lang. Sige, love you too, sis, bye", sagot ni Michelle at in-end na ang tawag.
Mga bandang alas dos ng hapon ay nagpasyang umalis mag-isa si Michelle. Sadyang bagot lang talaga siya. Siya lang kasi naiwan sa kanila ngayon. Nasa isang business trip ang mga magulang niya ngayon na pawang mga businessman at businesswoman. Nag-iisang anak kaya lahat ng gugustuhin ay binibigay. Hindi naman siya spoiled brat na anak. At hindi naman niya naranasang mawalan ng oras ang mga magulang niya para sa kanya. Kahit medyo busy 'yung parents niya, naglalaan naman ang mga ito ng time for her, a family bonding kumbaga. First year college na sya ngayon at ang kursong kinuha niya ay pareho ng kurso na kinuha ng mga magulang niya. She idolized her parents that much.
May boyfriend na siya, first boyfriend to be exact. Hindi naman ito lingid sa kaalaman ng parents niya. Sa katunayan nga eh, tanggap ito ng parents niya pero syempre, 'di dapat pababayaan ang studies niya. Jake Lamparas- her first love. Actually, crush niya ito simula noong 1st year highschool pa lamang siya at ito nama'y nasa ikalawang taon. At nagkaroon siya ng tsansang makilala ang binata ng dahil sa kaibigan niyang si Shara na may pagkamadaldal. Inaya ba naman ni Shara si Jake na maging partner niya sa JS Prom noong nag 3rd year sila. Take note, si Shara pa talaga ang nag-aya. Sobrang pula ng mukha niya noon at balak pa nga niyang sakalin si Shara mamayang uwian. Pero, nang pumayag si Jake at lumapit pa sa kanya para personal syang tanungin kung payag ba siyang maging partner sila na 'di naman niya tinanggihan ay imbes na sasakalin ang kaibigan pag-uwi ay niyakap niya ito ng pagkahigpit-higpit while thanking her a hundred times. :) At doon nga nagsimula ang almost a fairytale niyang love story. ♡
Una niyang pinuntahan ay ang MOA. Bumili siya ng mga damit, syempre binilhan nya rin si Shara. Parang kapatid na niya yun eh. Bumili rin siya ng couple necklace para sa kanila ni Jake. At bag for her mom, ang hilig kasi mag collect nilang dalawang mag-ina ng mga bags. Nang mapagod ay nagpunta siya sa isang fastfood chain at nagmeryenda. Pakagat na sana siya sa burger niya nang makita niya si Shara na palabas na sa kinakainan niya ngayong fastfood chain at may kasamang lalaki na may hawak na take-out foods yata. Hawak kamay pa talagang naglakad palabas.
"Teka, si Shara 'yun ah. Tss... kaya pala 'di ako sinamahan maglakwatsa ng babaeng 'yun dahil may date. Sino kaya yung new boylet na naman ni sis?" bulong niya sa sarili. "Lagot talaga sa'kin 'yun. Tatadtarin ko siya ng mga tanong mamaya. Kaloka, 'di man lang ako ininform", dagdag pa niya sabay kagat sa burger.
Pagod na si Michelle sa kakalakad ngunit parang ayaw pa niyang umuwi sa kanila. Kaya naman nagpasiya siyang magpunta sa parke, tutal maaga pa naman.
Dala ang mga pinamili ay naglakad-lakad siya nang biglang may nadaanan siyang isang Icecream parlor at napagitla nang makita roon ang nobyo, di gaanong kalayuan sa kinatatayuan niya at kasalukuyang bumibili ng ice cream.
Duda at pagtataka ang bumalot sa kanya. Sa kabila naman ng isip niya ay may nagsasabing baka para sa kanya 'yung bibilhin nitong ice cream at balak siyang surpresahin nito mamaya. Ngunit parang may tumutulak sa kanya na sundan ang nobyo. Dahil sa nadarama ay patago niyang sinundan ang nobyo kung saan ito patungo pagkatapos bumili ng ice cream. At tuluyan ngang napaguho ang mundo niya sa nakitang kasama nito. Sabay ng pagbagsak ng mga luha niya ay ang pagbagsak din ng mga pinamili niya sa lupa.
"Hon, for you", sabay bigay ni Jake sa strawberry ice cream sa kasama niya.
Malalaki ang mga hakbang niyang nagtungo sa kinaroroonan ng nobyo. Bahagya itong nakatalikod sa kanya kaya nang makalapit na siya rito ay pabigla niya itong pinaharap sa kanya, kaya nahulog ang ibibigay sana nitong ice cream.
"Michelle/Sis", gulat na wika nina Jake at kasama nitong walang iba kundi si Shara.
"Wow. Ito ba yung sinasabi mo sakin na lakad mo, Jake?" tanong ni Michelle at bumaling kay Shara. "Ito ba 'yung sinasabi mong may gagawin ka kuno sis? P*tcha naman oh", dagdag niya na may halong inis at galit.
Lalapit sana si Jake sa kanya, pero pinigilan siya ni Michelle. "Don't dare come near me, you jerk!"
"At ikaw sis. I mean Shara. Sh*t! Paano nyo to nagawa sakin? You both cheated on me." iyak wika ni Michelle na pumiyok pa ang boses. Napayuko naman si Shara at lihim na umiiyak.
"May relasyon ba kayong dalawa?" tanong niya kahit alam na naman niya ang sagot sa tanong niya.
Hindi umimik si Shara. Si Jake naman ay napayuko."Cr*p! Sagutin nyo ako! Oo at hindi lang naman ang isasagot niyo, mahirap ba 'yun?" bulyaw niya sa mga ito.
Parang pinukpok ng ilang martilyo ang puso niya nang dahan-dahang tumango si Jake at sabay noon ay napalakas ang paghibik naman ni Shara. Tuluyan na namang tumulo mga luha niya na pinigilan nyang tumulo kani-kanina lang. Agad na dumapo ang mga kamay niya sa kaliwang pisngi ni Jake at sinampal ito.
And the rest was history.(End of Flashback)
Katok sa pintuan ang pumukaw sa pagbabalik-tanaw ni Michelle.
"Mich, breakfast is ready. Bumangon ka na. Nasa dining room na si daddy mo", boses ng kanyang ina ang naulinigan niya sa may labas ng kwarto niya.
"Yes mom, susunod na lang po ako", sagot niya sa ina.
"Okay. Bilisan mo d'yan. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain".
"Yeah mom, bababa na po ako".
Agad na pinunasan ni Michelle ang luha sa kanyang mga pisngi. Hindi pa siya nakikita ng mga magulang niya na umiyak maliban na lamang noong bata pa sya. Matapang, malakas at 'di sumusuko sa hamon ng buhay- d'yan siya kilala ng mga magulang at ng mga nakakakilala sa kanya. Ayaw niyang ipakita ang mahinang side niya kahit sa totoo lang ay mahina talaga siya. Kaya naman patago siyang umiiyak kapag nasasaktan na.
Bago siya bumaba ay inayos muna niya ang sarili niya sabay suot ng kanyang maskara- maskarang sa pagiging masayahin, at matapang siya kilala, maskarang tinatago ang mahinang bahagi ng puso niya. Ang maskara ng NGITI.
BINABASA MO ANG
My Facebook Love
Fiksi RemajaPagdating sa usapang pag-ibig, walang imposible. Ang mga imposibleng mangyari ay nagiging posible. Sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, hindi hadlang sa kanila ang mga balakid sa buhay. Sa kwentong ito, sa "FACEBOOK" man nagsimula ang lahat...