Matapos mag-almusal ay umalis na ang mga magulang ni Mich kaya siya at mga kasambahay na lang nila ang naiwan. Mamayang hapon pa ang oras ng klase niya. Nagtungo ulit siya sa kwarto niya at kinuha ang laptop at binuksan sabay upo sa kama niya. Nang nag-on na'y bigla na namang bumalik ang lahat ng sakit sa dibdib niya nang makita ang larawan na nasa monitor ngayon. Its no other than a picture of her with Jake na nakayakap pa sya sa bewang ng binata while nakangiti, and mismong ang kaibigan pa niyang si Shara ang nagpicture. She then suddenly thought, 'May relasyon na ba ang dalawa noong mga panahong ito? At kung meron man, ano kayang naramdaman ni Shara nung pinicturan silang dalawa ni Jake? At ano kayang naramdaman ni Jake habang kinukunan sila ng picture ni Shara?' Then she realized, bakit ngayon na kahit sinaktan na siya ng dalawang importanteng tao sa buhay niya ay nag-aalala pa rin siya at curious sa mga feelings ng mga 'to? Dapat nga wala na siyang pake sa kanila kasi siya yung pinagmukhang tanga, siya 'yung sinaktan.
Dala na rin siguro sa inis at galit and a way of moving on kumbaga, she deleted all the pictures, videos, at mga files na konektado sina Jake at Shara. She want to forget everything. If only memories can be deleted, siguro pati yun inerase niya rin, para madali lang para sa kanya na kalimutan ang lahat at makapagsimulang muli. Nang matapos ay nag open siya ng web browser and search Facebook. Binuksan niya yung 2nd account niya sa FB.
Dalawang araw na ang lumipas mula noong nalaman niya ang lihim na relasyon nina Jake at Shara. At sa dalawang araw na yaon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang patagong umiiyak dahil wala siyang mapagbubuntunan ng sama ng loob. Hindi rin naman siya mahilig magsulat ng diary. Kaya naisip niyang baka sa pamamagitan ng pagpo-post sa FB ay mabawasan man lang kahit kunti ang sakit na nararamdaman niya. Tutal, 2nd account naman niya ang gagamitin niya at walang gaanong makakaalam kasi kunti lang friends niya doon at kadalasan mga walang pake sa feelings ng iba.
Nagsimula na siyang magpost ng status. "'Yung feeling na hindi mo inakalang lolokohin ka ng mga taong special sa'yo, damn! >__<
#Cheated
#LookLikeAFool
#Brokenhearted " mabilis niyang type sa keyboard and click sa post button.
"AHAS:
Minsan ang tunog 'Ssssss...'
Madalas 'Hi Sis' -___-
#AhasKa
#IHateYouNow " post niya uli."Feeling sad :(
Our love story is almost a fairytale. I'm a princess in my own world and you're my prince. But in your own world, am i still your princess?".Nakakalimang post na si Michelle ng status niya nang walang ano-ano'y nakatanggap siya ng 5 likes mula sa iisang lalaking nagngangalang Peter Gamboa, pagkaraa'y nag PM (personal message) sa kanya.
"Ang bitter naman ng mga status mo, Miss :P" message sa kanya nito na naging dahilan ng pag-init ng ulo niya. She decided to ignore it. Baka kasi 'pag pinatulan niya eh mas lalong magpapapansin. At tsaka hindi niya kilala ito so why bother diba?
"Ayh? SEEN T__T". Again hindi niya pa rin pinansin.
"Snob :3" PM nito ulit.
"Pakialam mo ba? Mind your own business, jerk!" reply niya rito, naiinis na kasi siya.
"Huhuhu... Sunget ! :3 Pero at least di mo na ako sineen ^_^" mabilis na reply nito. Lalaki ba 'to o ano? Mahilig sa emoticons eh. Hindi na siya nagreply pa. Wala na naman siyang sasabihin eh.
"Hashtag Brokenhearted daw oh. :D Kaya pala masunget XD Hahaha (^0^)V" PM na naman nito.
"Tss.. Paki mo? Can you please stop na? Wala ako sa mood makipaglokohan, okay? -_-" reply niya.
"Awtss :3 " reply nito.
Napansin ni Mich 'yung message ng lalaki at dahil sa pagtataka'y napatanong, "How do you know? Stalker kita? -_-" reply niya.
"Hindi noh! Hahaha, sa gwapo kong 'to? No way. Admirer pwede XD :D" reply nito. Hindi na nireplyan ni Mich. Baka kasi kung saan pa umabot 'tong topic nila. Baka liparin siya ng hangin sa kahanginan nito. Nakita naman niya yung word na 'Peter typing..." kaya naghintay nalang siya ng PM nito uli.
"Joke lang, ito naman di mabiro :3. Anyways, pinagtagpi-tagpi ko lang ang mga laman ng status mo. At dahil sa ako'y pinanganak na isang henyo na ubod ng gwapo ay nalaman ko ang dahilan ng pag-emote mo :D \(^0^)/" mahabang PM nito.
"k" tipid niyang reply.
"Ouch~ k lang? :( "
BINABASA MO ANG
My Facebook Love
Teen FictionPagdating sa usapang pag-ibig, walang imposible. Ang mga imposibleng mangyari ay nagiging posible. Sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, hindi hadlang sa kanila ang mga balakid sa buhay. Sa kwentong ito, sa "FACEBOOK" man nagsimula ang lahat...