Chapter TWELVE

48 0 0
                                    

*fast forward na update ito! XD Mamadaliin ko para mapunta na tayo sa exciting part! XD Mwehe~ VOTE .COMMENT. THANKS! :*

--

"Hoy! late ka na! Hindi ka pa nakapag-attendance!"-Sigaw sa akin ni Nina pagdating ko sa may plaza.

3 Weeks.

3 weeks na kaming hindi nag-papansinan.

3 weeks na kaming hindi nag tetext.

Last message niya sa akin?

"Malalaman mo rin yung reason, Jo."


Yan yung last message niya sa akin.Saklap lang. Walang explanations.

Sabi-sabi nila baka nga daw nagkabalikan na sila ni Lory since inlove na inlove siya kay lory.

Yun yong masakit eh.

Pina-asa niya ako.

ako naman, Assumera.

Pero HINDI ko kasalanan kung nag-assume ako. NAGMAHAL Lang din ako.! T^T

"Sorry naman! Asan ba yung attendance?"-sabi ko.

"Wag na. Kami na nag sulat ng name mo tsaka nag pirma. Tara na naglalakad na sila."-sabi ni Allyssa.

Nandito kami ngayon sa Provincial Grounds kasi its FESTIVAL! At bilang isang mabuting estudyante, Hahawak kami ng lubid at mabibilad sa initan para lang hindi magkagulo. Saklap.

Ang init kaya! tapos mamayang hapon pa to matatapos.

Masusunog balat ko! T^T

So yun nga, 5 hours! 5 hours kaming nakatayo sa ilalim ng araw habang nakahawak sa lubid. Mga p*ta pa yung mga audience kasi ang iingay tapos masusungit.

Nako! Baka mapatay ko sila. Naiinis na ako.

"Guys, Nagugutom na ako."-Nina.

Kita mo yun. PG, Lol. Gutom na din ako e.

"Asan si Jumawan, Tan at Villaflores?" tanong sa amin nung terror namin sa instructor.

lagot yung tatlong yun!

Umuwi kasi sila kanina pagkatapos nila magdistribute ng snacks namin dahil magbibihis daw sila.

Ang kakapal ng mga mukha nun! Umuwi tapos kami nabilad sa araw. GRRRRR.

"Pag yung tatlong yun hindi pa bumabalik, lagot kayo sa akin!"-Sigaw nung instructor namin kaya nataranta kami at tinawagan yung tatlo.

Ilang sandali lang nakabalik na din sila.

Nagbihis lang pala para gumwapo. GRABE TALAGA!

"Sinong nagsabi sa inyo na pwede na kayong umuwi? Ang unfair sa mga kaklase niyo kasi sila nabilad sa araw nang limang oras tapos kayo after 1 hour umuwi na? ABA! Tandaan niyo to. Babalik kayo bukas at pag hindi kayo bumalik, bagsak kayo!" sigaw ni Sir dun sa tatlo.

BUTI NGA SA KANILA.

#BITTER.

Nung mag-checheck attendance na yung mga kaibigan ko tinatago ako.

Parang may ayaw silang ipakita sa akin.

"Hoy! Anong ginagawa niyo kay joan?"-sigaw ni Nina. Namalayan niya kasi na pinapatikod nila ako imbis na mag checheck attendance na.

"Shh. Nandyan yung EX ni joshua!"-Bulong ni Allyssa kay Nina pero rinig ko naman.

Grabeng bulong yun a.

Assuming Love Paasa= Boom, FRIENDZONED [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon